"Isa lang siyang--" "Good evening, Sir. I am Angelica Leyland Parker. Anak ni Miss Angelina Leyland. Isa lang ako sa mga tau-tauhan ng inyong ama. And I'm just here to see my brothers. And not...for anyone else," matapang kong pagpapakilala sa kaniya kasabay nang mariing pagsalubong sa kanyang mga mata. Napanganga siya at halatang nagulat sa aking sinabi. Bumuhos ang halo-halong emosyon sa kanyang mukha at mga mata. Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang lumabas na tinig mula dito. "I don't have time to stay here for long. I need to see my brothers. Sila lang ang dahilan nang pagpunta ko dito," matigas kong ani sa kaniya. "D-dad, w-what is the m-meaning of this?" nangatal ang kanyang boses. Akma niyang hahawakan ang aking mukha pero kaagad akong lumayo. "Excuse po," sabi ko at saka ko

