Kinain ako ng matinding galit at poot para sa mga taong nagpabaya upang magkaganito ang mga kapatid ko! Matapang kong sinalubong ang mga mata ni General gayundin ng aming ama o ama nga ba siyang matatawag?! "Mauuna na po ako pero asahan niyo ang pagbabalik ko. Babawiin ko ang mga kapatid ko. Hindi sila nababagay tumira sa pamamahay na ito," mariin at may paninindigan kong sabi sa kanila. "A-anak--" "Be careful with your words, Miss Angelica. You wouldn't have come to this life if it weren't for me," kaagad na putol ni General sa sasabihin ng kaniyang anak. Mapakla akong natawa sa kanyang tinuran. "Wow! Thank you so much, General. Dahil sa inyo kaya naging impyerno ang buhay ko at maging ng mga kapatid ko," sarkastiko ko kung tugon sa kaniya. "You're rude! If you don't respect me as

