Pumalakpak ng malakas si Mister Tayaki. Bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha na tila nanalo sa perya. "Ano naman ang mapapala mo sa akin sa oras na pakasalan ko na ang anak mo?" "All I want for my son is happiness. Siya na lang ang natitira sa akin, so I want to give him everything that will make him happy." Natahimik ako sa kanyang sinabi. Bigla kong naalala ang family picture nila na nakita ko sa silid ni Mister Tayaki at ang nangyaring pang-aabuso sa kapatid ni Kaito bago ito namatay, ayon sa kuwento sa akin ni Kaito. He does it all for his children. For Kaito's happiness and for revenge for what happened to his eldest son. How about his wife? Wala ng nasambit si Kaito sa akin tungkol sa kanyang ina, kung ito ba ay buhay pa o wala na. "Kung ganun, masusunod. Pakawalan mo na silan

