Chapter-1
"Kailangan ko pa bang umuwi diyan? Dalawang taon na rin naman ang lumipas at ok naman na ko sa kalagayan ko ngayon dito sa New York. And siya din naman maayos na ang buhay niya ang ganda ng political career niya at kung uuwi pa ko diyan at malaman ng mga tao kung sino ako baka masira pa ang career niya," litanya niya sa telepono habang kausap ang Mommy niya.
"Anak, iyon ang utos ng Daddy mo ang bumalik ka rito sa San Juan at ayusin niyo ang pagsasama niyo ni Miko," tugon ng Mommy niya.
Humugot siya ng malalim na paghinga at mariing pinikit ang kanyang mga mata. Alam niyang darating din ang araw na pababalikin siya sa bayan ng San Juan para kay Miko ang lalaking pinakasalan niya. Sapilitan silang pinakasal ni Miko dalawang taon na nakakalipas dahil iyon daw ang naging kasunduan ng Daddy niya at Papa ni Miko, bagay na napaka weird para sa kanya sa ganitong modernong panahon. Matagal ng hindi uso ang fix marriage o arrange married na iyan. Pero wala siyang nagawa nang sapilitan siyang ipakasal kay Miko de la Cerna dalawang araw pa lang mula ng makilala niya ang lalake. Ganoon kabilis ang pangyayari at sa isang iglap lang asawa na niya si Miko de la Cerna, dala na niya ang apelido nito sa kanyang pagpunta ng New York para mag-aral.
Dalawang taon na ang lumipas at naka move on na siya, hindi na nga niya naiisip pa ang lalaking iyon. Pero heto at sapilitan na naman siyang pinauuwi ng Daddy niya sa San Juan para lang ayusin na ang relasyon nila ng lalaking sinasabing asawa niya na ni minsan hindi siya kinumusta, hindi siya tinatawagan man lang o di kaya ay pinasyalan man lang sa apartment niya sa New York, alam naman nito kung saan siya nakatira. Pero syempre ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang tulad ni Miko de la Cerna na wala namang pagtingin sa kanya, basta lang din itong sumusunod sa mga magulang nito para lang wala ng gulo.
"Mommy, this time tatanggi na po ako. Hindi po ako susunod kay Daddy," buong tapang niyang saad sa ina.
"Patricia!" Mariing saad ng ina sa buong pangalan niya.
"I'm sorry po Mommy," paumanhin niya at binaba na niya ang tawag para hindi na siya kulitin pa ng Mommy niya.
Humugot siya ng malalim na paghinga at mariing pinikit ang kanyang mga mata. Sumasakit ang kanyang ulo tuwing si Miko ang pinag-uusapan nila.
"I have my own life, I'm already twenty years old. I can handle myself now. Kaya ko na ring buhayin ang sarili ko," bulong niya at lumakad palapit sa kanyang kama.
Sa isang apartment sa kilalang building sa New York siya nakatira. Si Miko de la Cerna ang nagbabayad ng kanyang apartment at nagbibigay din ito ng allowance sa kanya. Ito naman kasi ang nagsabi sa kanya na bumalik na lang siya ng New York pagkatapos ng kanilang kasal at ito na ang bahala sa lahat ng gastusin.
Wala siyang naging problema sa gastusin niya sa New York, dahil provided lahat iyon ng kanyang asawa na ayaw siyang pabalikin sa San Juan. Nag-aaral siya sa kilalang university at si Miko din ang nagbabayad ng kanyang tuition fee. Allowance sa school, car, gas, groceries at lahat, lahat na ng kailangan niya si Miko ang nagbabayad. She is living her best life sa New York sa expense ng kanyang asawa. Asawang hindi siya mahal kaya tinapon na lang siya nito basta sa New York. Tinanggap naman niya dahil maganda ang offer sa kanya ni Miko kaya nga dalawang taon na siya sa New York na namumuhay mag isa at malaya. And now pinapauwi siya bigla ng Daddy niya. Kung uuwi siya baka magalit lang sa kanya ang asawa at hindi na rin siya makabalik pa ng New York dahil may usapan na sila ni Miko na hindi siya babalik ng San Juan kapalit ng magarbong pamumuhay niya sa New York. Tinupad ni Miko ang pangako nito sa kanya, kaya dapat lang na tuparin rin niya ang pangako niya rito na magtago siya sa New York at wala dapat ibang makaalam na asawa niya ito. Tanging ang secretary lang ng asawa niya ang nakakausap niya para sa kanyang allowance. As in zero communication sila ni Miko sa loob ng dalawang taon. Although updated naman siya sa asawa niya dahil politician ito, Vice Mayor ito sa bayan ng San Juan habang ang pinsan naman nitong si Mark de la Cerna ang Mayor. At sa pagkakaalam niya magsasalitan ng posisyon ang mag pinsan sa susunod na halalan. Ganyan naman yata talaga pag sa pulitika magkakamag anak lang ang umuupo sa posisyon, nagsasalitan lang ang mga ito para walang maka upong iba.
Fashion designer ang kurso niya sa university at the same time nakaka side line siyang modelo sa ilang company ng mga damit dito ss New York, dahil kahit Filipina siya nag stand out pa rin ang ganda niya sa New York. Hindi naman alam ng mga kumukuha sa kanya na may asawa na siya dahil hindi naman niya sinasabi o inilalagay sa kanyang information. Single ang lagi niyang sinusulat. Hindi rin niya sinusuot ang wedding ring na bigay ni Miko sa kanya at wala siyang balak isuot iyon. Baka ibenta na lang niya pag wala na siyang sustento mula sa asawa.
Habang nakahiga siya nag ring na naman ang cellphone niya this time ang Daddy niya ang tumatawag sa kanya. Nagdalawang isip siya kung sasagutin ba ang tawag nito o hindi dahil alam niyang pagsasabihan lang siya ng ama at pipilitin na umuwi ng San Juan.
"Dad," sagot niya sa kabilang linya.
"Patricia!" Galit na bungad sa kanya ng ama.
"Uuwi ka rito sa San Juan o ako mismo ang susundo sa iyo diyan sa New York!" Matigas na saad ng ama sa kanya.
"Daddy, hindi naman ako nais makita ng Miko," tugon niya sa ama.
"Ano na lang ang mangyayari sa pagsasama niyo kung malayo kayo sa isat-isa. Dalawang taon na kayong kasal pero hindi pa kayo nagsama. Hindi na ko papayag na kayo ang magdesisyon ngayon ni Miko sa pagsasama niyo. Sinayang niyo na ang dalawang taon niyo! Hindi na ko basta uupo na lang at walang gagawin. Anak kita at alam ko kung ano ang makakabuti sa iyo!" Galit na litanya ng ama sa kanya.
"Umuwi ka na rito at huwag ka ng babalik pa diyan sa New York, tapos na ang laro niyong ito ni Miko!" Dagdag pa ng ama.
"Pero Daddy, hindi po nais ni Miko na-"
"Ako mismo ang kakausap kay Miko para siya na mismo ang magsundo sa iyo diyan sa New York at iuwi ka niya rito!" Galit nitong putol sa sasabihin pa sana niya.
"Maghanda ka na diyan Patricia, dahil uuwi ka na ng San Juan sa ayaw at sa gusto mo!" Mariing saad pa ng ama at pinatay na nito ang tawag bago pa siya nakapag salita muli para mangatwiran at magpaliwanag na hindi siya nais umuwi ni Miko ng San Juan. Nais siyang itago ng kanyang sariling asawa.
"Anong gagawin ko?" Tanong niya sa sarili habang kagat-kagat ang kanyang kuko. Tiyak na gagawin ng Daddy niya ang sinabi nito na kakausapin nito si Miko.
"Dapat ko bang unahan ang Daddy ko?' Tanong niya sa sarili at sinubukang tawagan ang secretary ng kanyang asawa para makahingi siya ng appointment para kausapin ang asawa niya.
Sumagot naman agad ang secretary ng asawa sa kanyang tawag. Sinabi niyang nais niyang makausap si Miko importante. Iyon nga lang sinabihan siya ng secretary na hintayin na lamang ang tawag ni Miko sa kanya. Hindi naman niya alam kung kailan tatawag sa kanya ang asawa. Nakiusap pa siya na sabihin na agad sa asawa na nais niya itong makausap dahil importante. Kaswal na oo lang ang sagot ng secretary na tila ba wala naman itong pakialam sa kanya kahit urgent pa ang tawag niya.
Wala siyang contact sa asawa niya. Hindi niya alam ang personal na number nito. Email ang alam niya sa asawa, iyon lang baka ang secretary rin nito ang nag ha-handle sa email ng asawa at maghihintay pa siya ng matagal kung kailan siya nais makausap nito.
Sinubukan na rin niyang mag send ng email kay Miko para ipaalam ang nais mangyari ng Daddy niya na pauwiin na siya ng San Juan at magsama na daw sila nito. Alam niyang hindi papayag si Miko na umuwi siya at lalo na ang magsama sila nito. Siya pa ang mapapahiya sa gagawing ito ng Daddy niya. Maayos na nga ang buhay niya rito, masaya siya at hindi na niya iniisip pa ang asawa niya. Ang mahalaga sa kanya nag e-enjoy siya kahit mag isa lang siya.
Titig na titig siya sa screen ng kanyang laptop matapos ma isend kay Miko ang email niya para rito. Umaasa siyang tatawagan siya ng asawa. Alam naman nito ang cellphone number niya na sa secretary nito pwede siya nitong tawagan anytime. Wala siyang secretary na, kaya direct na ito sa kanya pag tumawag ito. Iyon ay kung tatawagan siya ni Miko, baka siya lang ang nag pa-panic at balewala lang ang lahat ng ito sa asawa niya.