Chapter-2

1539 Words
Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang mag email siya kay Miko, pero wala pa ring sagot sa kanya ang asawa. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Patuloy pa rin ang pamimilit ng Daddy niya na umuwi na siya. Pero may kasunduan na sila ni Miko na hindi siya babalik ng San Juan kung hindi nito sinasabi sa kanya, dahil nga tinutupad nito ang kasunduan nila na ito ang lahat ng gagastos sa pagtira niya ng New York. "Hindi ako pwede basta na lang umuwi at walang alam si Miko," bulong niya. Kaya lang na pe-pressure na siya masyado sa Daddy niya. Hindi niya gusto na nagkakagulo ang pamilya dahil sa kanya, lalo na ang mga magulang niya. May mga edad na ito na dapat ay enjoy na lang sa buhay ay wala ng stress. Sa kanilang tatlong magkakapatid siya pa yata ang pinaka pasaway at walang dinulot sa kanilang mga magulang kung di problema. Pangalawa siya sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang Kuya Ariel niya ang panganay na bente singko anyos na, graduate ng business course sa kilalang university sa Pilipinas. Ang bunso naman nilang Kate ay nasa High-school pa lang at sa kilalang university sa bayan naman ito pumapasok. Negosyante ang Daddy niya kaya nakilala nito ang Papa ni Miko na isa ding negosyante. "Please anak umuwi ka na para sa ikakatahimik ng Daddy mo," pakiusap sa kanya ng Mommy niya nang gabing tawagan siya nito para sabihin ang nangyayari sa bahay nila sa San Juan. "Sige po Mommy, uuwi na po ng San Juan. Kukuha na po ako ng ticket bukas na bukas," malungkot niyang tugon sa Mommy niya sa kabilang linya. "Salamat Patricia, maraming salamat anak," pasalamat ng Mommy niya. Buonh buhay naman niya hindi pa siya sumuway sa gusto ng mga magulang niya, ang gusto ng mga ito ang laging nasusunod pero still, siya pa rin ang less paborito dahil para sa mga magulang niya problema lang ang lagi niyang dala. Matapos niyang makausap ang ina tinawagan niya ang secretary ng kanyang asawa para itanong rito kung nakausap na nito si Miko about sa kanya, sinabi naman ng secretary na nag note na daw ito sa asawa niya pero walang respond. Umalis daw kasi kanina si Miko para sa isang business trip sa labas ng bansa, kaya daw marahil wala pang sagot ang asawa niya sa kanya. Kibit balikat na lang niyang tinapos ang pag-uusap nila ng secretary ng asawa niya. Mukhang wala din naman kasing madaling paraan para makausap ang asawa niya. Bahala na lang itong magalit sa kanya sa pag uwi niya ng biglaan. Bago siya natulog nag email siya muli sa asawa para sabihin na nag desisyon na siya na uuwi ng San Juan. Tinanong niya ito kung saan siya tutuloy. Alam niyang may sarili ng bahay ang asawa niya, pero baka hindi naman siya nito nais tumuloy sa bahay nito, dahil nga tinatago siya nito, hindi nito nais na may ibang makaalam ng tungkol sa kanila. Pwede naman siyang tumuloy sa bahay ng parents niya, iyon nga lang baka magtaka ang Mommy at Daddy niya, lalo na't ang nais ng mga ito ay maging maayos na ang pagsasama nila ni Miko. Kaya siya pinauuwi ng mga ito ay para ayusin ang kasal nila ni Miko. Pero wala naman pakialam sa kanya ang asawa. Hindi naman ito interesado sa kanya. Ganoon pa man uuwi na siya para matigil na ang mga magulang niya. Bahala na siya kung paano niya haharapin si Miko. Kinabukasan matapos ang kanyang klase agad na siyang bumili ng ticket pauwi ng Pilipinas balikan pa rin ang binili niya, nag-aaral pa kasi siya at nasanay na siya sa buhay niya sa New York. Nais lang niyang mapagbigyan ang mga magulang niya sa hiling ng mga ito. Tiyak naman na wala din naman mangyayari sa pagsasama nila ni Miko, dahil hindi naman nila mahal ang isat-isa. Minsan na siyang nakibalita tungkol sa asawa niya na sikat na Vice Mayor sa bayan ng San Juan. Sikat ito dahil isa itong de la Cerna pinsan nito mismo ang nakaupong Mayor ngayon sa bayan nila na si Mayor Mark de la Cerna. Aware siya na kahit kasal sila ni Miko iba-ibang babae pa rin ang na li-link sa asawa. Hindi lang siya sure kung aware ang pamilya niya sa bagay na iyon. Sana na lang hindi, dahil tiyak na nalulungkot ang mga ito para sa kanya. Kung siya lang kase ok lang naman dahil hindi pa naman siya nag invest ng feelings para kay Miko. Dalawang araw lang naman niya ito nakasama noon. Bago ang kanilang kasal at sa mismong kasal nila. Dahil pagkatapos ng kasal pinaalis na siya nito ng San Juan. Hindi nga niya maalala kung nagkatinginan na ba sila ni Miko, kung tinignan na ba siya ng asawa sa mga mata noon. Sa social media lang naman niya nakikita ang asawa, pero hindi sa account nito kung di sa mga balita o tsimiss pages lang, kaya alam niyang mahilig ang asawa sa mga artista o di kaya model, at may ilan pang beauty queen na link rito sa loob lang ng dalawang taon habang kasal ito sa kanya. Dalawang araw mula ngayon ang lipad niya pauwi ng San Juan. Iyon na ang date na pinakamalapit para makauwi siya agad. Pag uwi niya agad niyang chineck ang kanyang email pero wala pa ring sagot sa kanya si Miko. Baka nga hindi pa nito nakita ang email niya rito. "Ano pa nga ba ang aasahan niya sa asawa niya," iling ulong bulong niya. May pasok pa siya bukas kaya naman nag ayos na siya ng kanyang mga gamit para mabawasan na rin ang kanyang mga gagawin bago siya bumiyahe. Konting damit lang naman ang kanyang dadalhin dahil hindi naman siya magtatagal sa San Juan. Sapat na ang makasama ang niya ang kanyang pamilya. Bago siya natulog nag check siya muli ng email umaasa na baka may reply na ang asawa, pero ganon pa rin wala. Kaya masama na naman ang loob niya bago matulog. Mabilis na lumipas ang araw at ngayon na ang flight niya pauwi ng Pilipinas. Wala talagang naging tugon ang asawa sa email niya. Nang tawagan naman niya ang secretary ng asawa bago siya umalis sinabi lang nitong nasa business trip pa rin ang asawa. Hindi naman nito sinabi sa kanya kung saan bansa naroon ang asawa niya ngayon. Malungkot siyang bumiyahe dahil para namang napakawalang kwenta niya sa kanyang asawa. Hindi lang naman ito ang napilitan sa pagpapakasal nila, pati naman siya, pero never niya itong binalewala. Hindi niya alam ang kanyang mararamdaman nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan niya. Kumakabog ang kanyang dibdib, naroon ang takot dahil hindi naman niya alam kung ano ang kakaharapin niya. Matapos ang kasal nila ni Miko ngayon pa lang siya babalik ng San Juan. "Dapat ba masaya ako?' Tanong niya sa sarili habang naglalakad na sa malawak na airport ng bansa. Maraming tao sa paligid, maraming naglalakad mag isa katulad niya na baka ang lungkot, marami rin ang masaya dahil may kasama. Hindi na siya nagpasundo sa mga magulang niya, nais na lang niyang mag isa magbiyahe. Hindi naman malayo sa San Juan ang airport, kaya na ng taxi. Magpapasundo sana siya sa asawa o di kaya sa mga tauhan nito sa airport pero wala kasi itong sagot kaya mag isa na lang siya, bente anyos na siya kaya madali na lang sa kanya ang bumiyahe mag isa. Paglabas niya ng airport naghanap siya ng taxi na masasakyan nang bigla siyang matigilan sa paglalakad dahil napansin niya ang isang lalake na pamilyar sa kanya na palabas ng airport kung saan siya lumabas kanina. Nakasuot ng shades ang lalake, nakasuot ito ng puting t-shirt na pinatungan nito ng asul na jacket at asul na pants and sneakers. May hawak na katamtamang laki ng bag ang lalake. Palingon-lingon ito sa paligid na tila may hinahanap. Huminto pa ito malapit sa pintuan at sumilip sa loob ng airport. Maya, maya lang isang magandang babae ang lumabas sa pintuan at agad na lumapit sa asawa niya. Napalunok siya habang nakatingin sa babae na nakasuot ng malaking jacket na mukhang sa asawa pa niya dahil malaki rito at maiksing puting palda na bumagay sa magaganda nitong hita at puting sneakers..May bitbit dib na bag ang babae. Napalunok siya nang maghawak kamay ang dalawa habang siya nakasunod ng tingin sa mga ito sa gilid at ni hindi man siya napansin ng kanyang asawa. Sinundan niya ng tingin ang dalawa na lumakad palapit sa isang itim na mamahaling sasakyan na naghihintay sa mga ito. Agad pang sumalubong ang isang lalake na naka uniporme para kunin ang bag ng dalawa at pagbuksan ang mga ito ng pintuan. Unang pinasakay ng kanyang asawa ang kasama nitong babae saka walang lingon na itong sumakay sa sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman. Para siyang na estatwa sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maikilos ang kanyang mga paa. Umandar na ang itim na sasakyan pero hindi pa rin siya makakurap habang nakasunod ng tingin. Napahawak siya sa kanyang dibdib na para bang tinutusok ng karayom at biglang naninikip. Hindi ito ang inaasahan niyang sasalubong sa kanya makalipas ang dalawang taon. "Bakit parang nasaktan ako?" Bulong niyang tanong sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD