Tumuloy siya sa bahay nila dahil wala namang pakialam sa kanya ang asawa niya na busy sa babae nito. Ang daming pagkakataon na pwede niyang makita ang asawa makalipas ang apat na taon, pero bakit sa ganoong pagkakataon pa? Bakit kailangan may kasama siyang ibang babae? Yes, wala silang damdamin ng asawa para sa isat-isa, pero mag asawa pa rin sila nito, sana naman ginalang ni Miko ang kasal nila.
Malungkot siyang nakatingin sa kanilang malaking bahay nang makababa ng taxi. Sa isang subdivision sila nakatira na pagmamay-ari ng mga de la Cerna. Hindi lang basta mayaman ang mga de la Cerna, mayamang-mayaman angkan ng mga ito, kaya hindi na nakakapagtaka sa Daddy niya na ipakasal siya sa isang de la Cerna kahit hindi naman niya lubusang kilala ang lalake.
"I'm home,' malungkot niyang saad habang hindi inaalis ang mga mata sa kanilang bahay. Kung siya lang hindi niya nais maging mayaman, tama na sa kanya ang sakto lang basta masaya at walang problema.
Kahit nasa labas pa lamang siya ng kanilang bahay ramdam na niya ang lungkot sa loob non. Kung malungkot siya sa New York mas malungkot siya rito panigurado.
Nakilala siya ng guard na naka duty sa gate nila kaya pinapasok siya at sinamahan na sa loob. Ito na rin ang nagdala ng kanyang nag-iisang maleta na maliit pa. Konting damit lang ang dinala niya, wala siyang balak magtagal sa bayan ng San Juan. Wala siyang balak na araw-araw na lang makita ang panloloko sa kanya ng asawa niya.
Yes, panloloko pa rin ang matatawag niya sa pagsama ng asawa sa ibang babae lalo na kung may physical contact ang asawa sa babae nito. Kasal pa rin sila at legal ang kanilang kasal kahit na hindi sila nagmamahalan. Siya pa rin ang legal na asawa ni Vice Mayor Miko de la Cerna.
Pagpasok niya sa loob ng bahay nagulat pa ang Mommy niya nang makita siya.
"Patricia!' Bulalas nito at mabilis na tumakbo para yakapin siya.
"Dumating ka na sa wakas,' masiglang saad ng Mommy niya hababg yakap siya nito mahigpit. Ngumiti siya at gumanti ng yakap sa ina. Kung na miss siya nito sobrang miss din niya ito. Dalawang taon na rin siya nawalay sa kanyang pamilya, dalawang taon niyang hindi ito nakayakap.
"I missed you so much, Mom," she whispered.
"Miss na miss ka rin naman anak,' tugon ng Mommy niya.
"Bakit hindi ka nagsabi na ngayon na pala ang dating mo, di sana makapaghanda ako ng paborito mo," saad ng Mommy niya nang maupo sila sa may sofa at agad na nag utos na maghanda ng meryenda para sa kanila.
"Hindi ko na po nasabi, alam ko naman po na hinihintay niya po ako," tugon niya sa ina.
"Oo naman, ang tagal na naming hinintay na makabalik kang muli ng San Juan, kami ng Daddy mo at mga kapatid mo," saad ng Mommy niya.
"Nasaan po sila pala?' Tanong niya parang wala naman kasing ibang kasama ang Mommy niya roon kung di mga kasambahay lang.
"Ang Daddy mo nasa opisina ganoon rin ang Kuya Ariel mo nasa trabaho at si Kate naman nasa school pa," tugon ng ina habang inaayos nito ang kanyang mahabang buhok sa harapan.
"Sinundo ka ba ni Miko?' Tanong ng Mommy niya.
Unti-unting nabura ang ngiti sa kanyang labi nang banggitin nito ang asawa. Paano ba niya sasabihin na busy ang asawa niya kaya hindi siya nito nasundo. Busy ito sa ibang babae, ibang babae ang kasama nito sa airport.
"Hindi po Mommy, busy po yata siya kaya hindi po niya ko nasundo," tugon niya sa ina. Hindi nakaligtas ang biglang pag lungkot ng mukha ng Mommy niya.
"Pero alam niyang dumating ka na? Na andito ka na sa San Juan?' Tanong ng ina.
Hindi naman niya siguro kailangan pang magsinungaling sa Mommy niya, alam naman ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Miko noon, isa pa ang mga ito ang nasa San Juan, kaya tiyak na mas updated ang mga ito sa ginagawa ni Miko.
"Nagsabi naman po ako sa secretary niya at nag email para ipaalam po na darating ako," tugon niya sa ina.
Humugot ng malalim na paghinga ang Mommy niya. Nakita niyang malungkot ito na tila ba bigla nadagdagan ang edad nito. Isama pang tila ito naiiyak.
"Mommy, bakit po?' Kunot noong tanong niya.
"Sinabihan ko na kasi ang Daddy mo na hayaan ka na lang niya sa New York, dahil doon ka masaya, hindi ka na sana niya pinilit pang umuwi kung ganitong tila hindi pa rin nagbabago si Miko sa iyo," malungkot na saad ng ina sa kanya.
Hindi niya nagawang kumibo sa sinabi ng ina. Alam naman kasi nilang lahat na hindi nila basta mapapasunod si Miko. Nakita naman ng mga ito ang ginawa ni Miko sa kanya pagkatapos ng kanilang kasal, ni hindi man sila nagsama sa iisang bubong agad na siyang pinaalis ng bansa na para bang may sakit siya at ayaw siya nitong makasama.
"Una pa lang nakita ko na hindi interesado si Miko sa kasunduan ng Papa niya at ng Daddy mo. Ikaw tuloy itong naiipit sa nangyari. Ikaw tuloy itong hindi malaya habang si Miko malaya niyang nagagawa ang gusto niya na parang wala siyang asawa!" Galit na litanya ng ina. Lahat ng sinabi ng Mommy niya totoo, mabuti at alam ng mga ito ang tunay na nangyayari sa kanila ni Miko. Na hindi siya ang pagkukulang rito.
Nais naman niyang gampanan ang papel niya bilang asawa ni Miko dalawang taon na ang nakakalipas, pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Miko, pinaalis siya nito agad ng bansa. Ano pa ang magagawa niya, wala siyang laban sa asawa niya. Isa lang siyang eighteen years old na senior High-school noon at isa naman ng successfull businessman ang asawa at isama pang Vice Mayor na ito noong ikasal sila. Mapera at makapangyarian sa kanya ang asawa.
"Huwag niyo na pong sisihin si Daddy, nangyari na po ang lahat," saad niya rito.
"Ewan ko ba sa Daddy mo. Dapat hindi ka na lang niya pinilit pang umuwi, hinayaan ka na lang niya sana sa New York hindi iyong ipipilit ka na naman niya sa lalaking iyon na ayaw naman sa iyo!" Saad ng ina.
Napakagat labi siya, bigla siyang nakaramdam ng awa sa kanyang sarili. Dahil pinipilit nga lang siya ng mga magulang kay Miko.
"Ano po ba ang plano ni Daddy?" Tanong niya.
"Nais niyang magka ayos na kayo ni Miko at magsama na bilang mag asawa," tugon ng ina.
"Sana po hindi lang ako ang tinanong niyo tungkol sa bagay na ito," malungkot niyang saad sa ina.
"Iyon na nga. Ewan ko ba sa Daddy mo. Nagmumukha pa tuloy tayong desperada sa ginawa niya," saad ng ina.
Napalunok na lamang siya at hindi kumibo. Hindi naman din kasi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya nais malungkot ang ina. Ok na na siya na lang ang malungkot huwag naman ang kanyang magulang.
Matapos siyang nag meryenda pinalinis saglit ng Mommy niya ang kanyang dating silid para makapagpahinga muna.
"Pasensya ka na hindi ko rin kasi alam na dito ka dederetso," saad ng Mommy niya.
"Pasensya na rin po Mommy, hindi po ako agad nakapagsabi sa inyo," tugon niya rito.
"Buong akala kasi namin si Miko na ang susundo sa iyo at sa bahay niya ikaw dadalhin, sa bahay niyo ba ganon," saad ng ina. Mapait na ngiti lang ang kanyang naging tugon rito.
"Ipapaakyat ko rin ba ang maleta mo?" Tanong ng Mommy niya.
"Opo," tugon niya. Tiyak naman na dito siya sa bahay nila mag stay sa kanyang buong bakasyon. Panigurado naman na hindi siya susunduin ni Miko.
Sinamahan siya ng Mommy niyang umakyat sa kanyang dating silid, at ang kasambahay na ang nag akyat sa kanyang maleta.
Dalawang taon na niyang hindi natutulugan ang kanyang silid na nakasama niya ng eighteen years. Wala daw natutulog roon dahil nga may kanya-kanya naman silang silid magkakapatid. Mabuti na lamang at hindi iyon ginawang tambakan ng Mommy niya at least may magagamit pa siya.
"Magpahinga ka na muna anak. Ipapatawag na lang kita pagdating ng Daddy mo," saad ng Mommy niya sa kanya at ngumiti.
"Thank you po, Mommy," pasalamat niya sa ina. Nagyakapan pa silang mag ina bago lumabas ang Mommy niya sa kanyang silid.
Humugot siya ng malalim na paghinga habang ginagala ang kanyang mga mata sa silid. Walang pinagbago ang kanyang silid, ganoon pa rin ang ayos nito. Pakiramdam niya bumalik siya sa kanyang pagkabata dahil kumpleto pa ang mga laruan niyang barbie sa may tokador na naroon at mga stuffed toys niya sa kama.
"I missed my home," bulong niya at lumakad isa-isa niyang hinahaplo ang bawat gamit na naroon. Masyado siyang na o overwhelmed at naiiyak siya.
Kung hindi naman kasi siya pinakasal kay Miko noon hindi siya aalis ng San Juan, hindi niya iiwan ang silid na ito. Hindi siya malalayo sa kanyang pamilya. Bata pa rin naman siya noon pero kinaya naman niya ang lahat ng lungkot at pangungulila. Imagine dalawang taon siyang mag isang namuhay ss New York, wala siyang ibang masasandalan kung hindi ang kanyang sarili lamang. She survived, at tiyak na mas makaka survived pa siya sa mga susunod na taon.
"My bed,' bulong niya at binagsak niya ang katawan sa malambot na kama. Pinikit niya ang mga mata para kahit saglit lang makaramdam siya ng katahimikan o kapayapaan, pero nagkamali siya. Dahil sa pagpikit ng kanyang mga mata imahe ng kanyang asawa at kasama nitong babae sa airport ang kanyang nakita.
Mabilis siyang nagbukas ng mga mata at tumitig sa kisame. Labo-labo ang nasa isip niya. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang isipin. Si Miko ba at ang kasama nitong babae? Paano na siya ngayon? Paano kung ipilit siya ng ama kay Miko? Paano kung kahit anong gawin niya hindi pa rin siya papansinin ng asawa? Paano kung hindi na siya makabalik pa ng New York? Paano kung maghiwalay na lang sila ni Miko? Hingin na lang niya ang kalayaan niya rito, tutal malaya nitong ginagawa ang gusto nito kahit kasal sila. Ang daming tanong na hindi niya mahanapan ng kasagutan.
"Bahala na si Batman,' malungkot niyang bulong sa sarili.
Madilim na sa loob ng kanyang silid nang nagmulat siya ng mga mata. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Bumangon siya at agad na chineck ang oras sa kanyang cellphone. Six- thirty na pala kaya madilim na sa paligid. Marahil sa sobrang pagod kaya siya nakatulog ng mahaba.
Bumangon siya at binuksan ang lampshade na agad namang kumalat ang liwanag sa loob ng silid. Chineck niya ang kanyang cellphone kung may email ba ang asawa sa kanya pero wala. Ganoon rin ang secretary ng asawa niya wala itong message sa kanya.
"Wala talaga siyang pakialam sa akin," malungkot niyang bulong. Saka may biglang kumatok sa kanyang silid. Hindi iyon naka lock kaya pinapasok niya ang kumakatok. Pumasok ang isang kasambahay para sabihin na parating na ang kanyang Papa at maghanda na siya para sa dinner nila.
"Sige salamat," pasalamat niya rito.
Bumangon na rin siya at naghilamos na muna, masyadong pagod ang kanyang itsura baka pagtawanan pa siya ng kanyang mga kapatid pag nakita siya dahil tumanda ang mukha niya.
Nagbihis siya at nag ayos ng sarili bago lumabas ng silid. Hindi siya dapat makitaan ng pamilya niya ng ano mang bakas ng kalungkutan niya sa loob ng dalawang taon. Mas gusto na niyang siya lang ang malungkot at hindi na ang mga ito.
Pinag aralan na rin niya ang ngiti niya sa labi bago siya bumaba para praktis na praktis na niya pag kaharap ang mga magulang at mga kapatid.
Mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya nang makita ang Kuya niya at bunso niyang kapatid. Sobrang miss kasi nila ang isat-isa kaya halos madurog siya sa mahigpit na yakap ng Kuya Ariel niya nang makita siya nito.
Mahigpit na yakap rin mula sa Daddy niya ang sumalubong sa kanya. Yakap na puno ng pagmamahal. Ramdam niya ang pagmamahal ng Daddy niya sa kanya, sadyang nais lang nito ang mapabuti siya kaya siya nito pinilit na ipakasal kay Miko.
Matapos ang yakapan nag si upo na sila sa hapag kainan kung saan may ibat-ibang putahe ang nakahain. Sa sandaling oras nakapaghanda pa ang Mommy niya ng magarbong dinner.
Sa hapag kainan nagkumustahan pa sila bago kumain nang biglang i anunsyo ng kasambahay ang isang bagay na kinagulat niya.
"Andito na po si Vice Mayor de la Cerna," anunsyo ng kasambahay.
Nanlaki ang kanyang mga mata at napatuwid ng upo. Sinulyapan ang mga magulang na nakatingin sa kanya ganon rin ang mga kapatid.
"Good evening," tinig na nagmula sa kanyang likuran. Kilala niya ang tinig na iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang tinig ni Vice Mayor Miko de la Cerna.