Chapter-4

1509 Words
Flashback - 2 years ago. "Daddy, bakit po kayo nagsundo sa akin ngayon?" Nakangiting tanong niya sa ama nang masigla niya itong lapitan sa may gate ng kanilang school. "Ayaw mo ba na ako ang susundo sa iyo ngayon?" Balik tanong ng ama na may ngiti sa mukha. "Gusto ko nga po eh, sana nga lagi na lang ikaw ang sumundo sa akin sa school," nakangiting tugon niya sabay yakap sa ama. "Tara na, baka ma late tayo," saad ng Daddy niya at lumakad na sila palapit sa kotse. "May pupuntahan po ba tayo?' Tanong niya sa ama nang makaupo na sa passenger seat at ito naman sa driver seat. "Sa mall, kailangan mong bumili ng bagong dress," tugon nito. "Bagong dress? Para saan naman po ang dress? Marami pa po akong damit sa bahay," kunot noong tanong niya. "May dinner kasi tayo sa bahay mamaya. May importante tayong bisitang darating," tugon nito. "Bisita? Sino naman po?" Usisa niya. "Malalaman mo rin mamaya. Sa ngayon bibili muna tayo ng isusuot mo," tugon ng ama. "Si Kate po bumili rin?' She asked. Iniling ng ama ang ulo bilang tugon. Nagtaka siya, pero hindi na muna nag usisa pa. Malalaman naman niya mamaya ang kasugutan sa kanyang mga tanong. Siya si Patricia eighteen years old at estudyante sa De La Cerna University ang pinaka kilalang university sa bayan ng San na pagmamay-ari ng pamilya de la Cerna, ang nasasabing pinaka mayaman sa bayan nila. Kasalukuyan siyang nasa Senior High-school pero ilang araw na lang at graduation na niya at saka naman siya papasok na sa college. Napili pa rin niyang mag kolehiyo sa De La Cerna University para hindi na siya lumayo pa at manibago na naman. Marami rin naman sa mga classmates niya at kaibigan na mag stay sa De La Cerna University. Pagdating sa mall siya na ang pumili kung saan sila bibili ng Daddy niya ng dress. Pero ang bawat magustuhan niya hindi gusto ng Daddy niya. Gusto daw nito iyinh elegante at hindi provocative. May bisita nga daw kasi sila at baka mapuna siya. Kaya naman sumunod na lang siya style na gusto ng Daddy niya. Demure kung demure ang gusto nitong atake niya ngayon, barbie ganon. "Sino po ba ang mga bisita natin mamaya Daddy?" Tanong niya sa ama matapos mabili ang dress na kailangan niya. Naglalakad na rin sila pauwi ng ama. "Kilalao naman ang mga de la Cerna hindi ba,' tugon nito sa kanya. "Opo. Wala naman po yatang hindi nakakakilala sa kanila sa bayan natin. Lalo na sa loob ng subdivision," tugon niya. Ang mga de la Cerna rin kasi ang may-ari sa subdivision kung saan sila nakatira. Karamihan sa mga nakatira sa subdivision na iyon at mga mayayaman dahil hindi biro ang presyo ng lupa roon. "Sila ang magiging bisita natin mamaya. Si Vice Mayor Miko de la Cerna at ang Papa at Mama niya," saad ng ama sa kanya. "Si Vice Mayor Miko po!" Bulalas niya. Wala ring hindi nakakakilala kay Vice Mayor Miko de la Cerna sa bayan nila lalo na ang mga babae. Mag pinsan ang nakaupong Mayor at Vice Mayor sa bayan nila at parehong lalaking de la Cerna, kaya naman kilig na kilig ang mga babae sa bayan nila. Parehong gwapo kase at mga bata pa. Nasa twenties lang ang mga namumuno sa bayan nila, pero maayos at napaka asensado ng kanilang bayan. "Yes, Patricia. Makikilala mo mamaya ng personal si Vice Mayor Miko de la Cerna sa dinner," tugon ng ama sa kanya. Ngumiti siya at hindi na nag usisa pa. Isang negosyante ang Daddy niya, hindi na siya magtataka pa kung malapit ang Daddy niya sa mga de la Cerna. Baka may business deal ang mga ito kaya inimvite ng Daddy niya ang mga de la Cerna sa bahay nila. Pagdating sa bahay nila agad na siyang pina akyat ng ama para makapag ayos na at parating na raw ang mga bisita nila. Excited siyang naligo para maisuot ang bagong dress. Mag-aayos na rin sjya ng buhok at maglalagay ng kaunting make up para naman maganda siya sa harapan ng mga bisita lalo na kay Vice Mayor. Walang masama kung mag pa cute siya sa Vice Mayor nila, sa bayan naman nila halos lahat na yata ng kaedaran niya nagpapa cute sa kanilang Mayor at Vice Mayor. "Yep!" Nakangiting saad niya matapos niyang lagyan ng pink na lip gloss ang kanyang labi para bumagay sa kanyang light make up. Umikot-ikot pa siya sa harap ng salamin para tignan kung bagay sa kanya ang suot niya. "Naku baka mapansin ako ni Vice Mayor nito," bulong niya sa sarili at lumapad ang ngiti sa labi. Saktong tapos na siya nang kumatok ang kasambahay sa pintuan ng silid niya at sabihing bumaba na raw siya at malapit na ang mga bisita. Agad naman na siyang lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. Sa may sala naroon na ang lahat at katulad niya maayos at pormal din ang mga kasuotan. "Wow, ate ang ganda naman ng dress mo," bati sa kanya ni Kate nang makababa na ng hagdan. "Salamat," nakangiting pasalamat niya sa kapatid. Saka sinulyapan ang mga magulang na nakangiti naman sa kanya. Tanging ang Kuya Ariel lang naman niya ang seryoso at walang kangiti-ngiti sa mukhang. Hindi na lang niya ito pinansin. Tinawag sila ng kasambahay para sabihing nasa labas nanang mga bisita nila. Kaya naman agad na silang lumakad palabas para salubungin ang mga bisita. "You are beautiful, Patricia," bulong sa kanya ng Daddy niya. "Thank you po, Daddy," pasalamat niya na may malapad na ngiti sa labi. Bago pa siya tuluyang lumabas ng pintuan inayos pa niya ang kanyang damit at buhok para naman mapansin siya agad ni Vice Mayor. Sa labas dalawang sasakyan ang naka park at pababa na ng sasakyan ang kanilang mga bisita. Pinili niyang tumingin sa Audi na kotse, ramdam kasi niyang doon nakasakay si Vice Mayor. Isang Lexus na SUV naman kasi ang isa na marahil doon nakasakay ang mga magulang ni Vice. Hindi nga siya nagkamali dahil sa Audi bumaba ang isang gwapong lalake na agad ngumiti at kumaway pa sa kanila na makatayo sa labas ng bahay nila. Sa driver seat bumaba si Vice, marahil wala itong kasamang driver. At ang mga magulang naman nito ay may driver na nagbukas ng pintuan para sa mga ito. Agad namang lumapit si Vice sa sasakyan ng mga magulang nito para alalayan sa pagbaba ang Mama nito. Napangiti siya dahil bukod sa gwapo si Vice napaka gentleman pa nito sa Mama nito. Halatang maganda ang pagpapalaki rito. Sumalubong ang Papa at Mama niya sa mga bagong dating nanatili naman silang tatlong magkakapatid na nakatayo sa kanilang kinatatayuan. Siya at ang bunsong kapatid kapwa nakangiti pero ang Kuya Ariel niya walang kangiti-ngiti sa labi na para bang hindi nito gusto ang mga bisita. Ganoon pa man hindi na lang niya pinansin ang mood ng Kuya niya. Baka pagod lang ito kaya walang gana sa mga bisita nila. Nagulat pa siya nang agad siyang ipakilala ng kanyang Papa kay Vice at mga magulang nito. "Finally na meet ka na rin namin, Patricia," magiliw na saad ng Mama ni Vice. Nakipag beso-beso pa ito sa kanya at yumakap. Bagay na lalo niyang kinagulat at hindi naisip na mangyayari. "Hello, young lady," bati naman sa kanya ng Papa ni Vice. Nagulat rin siya magiliw na pagbati ng Papa ni Vice sa kanya. "Miko, magpakilala ka naman sa magandang dalaga ng mga Ramos," saad ng Papa ni Vice na lalo niyang kinagulat. Napasulyap siya kay Vice na agad namang ngumiti sa kanya at linapitan siya para makipagkilala at makipagkamay. "Hi, Miss beautiful," bati sa kanya ni Vice Mayor na kinatulala niya. "Hi...," garalgal ang tinig niyang bati rito. Masyado kasi siyang na o-overwhelmed sa nangyayari. Hindi niya alam kung bakit kailangan pang magpakilala ng personal sa kanya ni Vice Mayor Miko. "Nice to meet you," Miko said at nakipagkamay pa sa kanya. Pakiramdam niya huminto ang t***k ng kanyang puso nang lukubin ni Miko ang kanyang kamay. Napalunok pa siya at napatitig ng husto sa gwapong mukha nito. Nakangiti sa kanya si Miko pero parang may kakaiba siyang nakikita sa mga mata nito. Hindi lang niya masabi kung ano. "Tama nga sila maganda ka, Patricia," narinig niyang bulong ni Miko sabay pisil pa nito sa kanyang kamay na hanggang ngayon hindi pa nito binibitiwan. Hindi naman niya magawang makapagsalita habang nakatingin sa gwapong mukha nito. Sadyang gwapo at marunong itong magdala ng damit. Sa simpleng puting plain na t-shirt, at pants lang nagsusumigaw na ang kagwapuhan nito. Kahit sino mapapalingon rito, isama pa ang mabangong amoy nito. Mukhang isang bote yata ng mamahaling pabango ang pinaligo nito sa buong katawan kaya naman nagsusumigaw ang bango nito. Kung hindi pa nagyayang pumasok sa loob ng bahay ang Daddy niya hindi bibitiwan ni Miko ang kanyang kamay. Nagtataka naman siya kung bakit sa kanya lang ito nagpakilala ng ganon, although binati naman nito ang kanyang mga kapatid, sadyang iba pa lang ang way ng pagpapakilala nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD