Chapter-5

1431 Words
Bago magsimula ang hapunan nagulat na lang siya nang tawagin siya ng Mommy niya at dinala sa may library habang ang Daddy niya at mga kapatid nasa hapag kainan na kasama ang mga de la Cerna. "Mommy bakit po?" Nagtatakang tanong niya sa ina nang maisara nito ang pintuan ng library. "May kailangan ka munang malaman Patricia," seryosong tugon nito sa kanya. "Ano po ba iyon? Kailangan po ba ngayon na? May mga bisita na po kasi tayo," saad niya sa ina na hindi mapakali. "Hindi ko alam kung bakit kasi sa akin pa inasa ng Daddy mo ang pagsabi sa iyo ng tungkol dito,' saad ng ina habang palakad-lakad sa loob ng library. "Ano po ba kasi iyon Mommy?" Tanong niya. "Patricia anak, para sa iyo ito. Huwag ka sanang mag isip ng hindi maganda sa amin ng Daddy mo. Ginagawa namin ito para sa iyo anak," seryosong saad ng ina na hindi naman niya maintindihan. "Ano po ba ang sinasabi niyo Mommy?" Naguguluhang tanong niya. "Ang mga de la Cerna narito sila sa bahay dahil sa iyo," tugon nito. Lumalim ang kunot sa kanyang noo. "Bakit naman po dahil sa akin? Ngayon ko lang po sila nakaharap. Naririnig ko lang po ang mga pangalan nila pero hindi ko pa po sila nakilala ng personal, kahit po si Vice Mayor Miko ngayon ko lang din po siya nakita ng personal," tugon niya sa ina. "Patricia," seryosong tawag ng Mommy niya sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. "Si Vice Mayor Miko de la Cerna at ikaw ay nakatakdang magpakasal," saad ng Mommy niya sa kanya. Nagulat siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Nagbuka siya ng bibig pero walang salitang lumabas roon. Walang kurap siyang nakatitig sa Mommy niya na para bang hindi totoo ang narinig niya mula rito. "Matagal na kayong naka fixed marriage ni Vice Mayor Miko. Plano ito ng Daddy mo at ng Papa ni Vice. At ito ay para sa negosyo ng bawat pamilya. Kapwa tayo makikinabang pag kinasal kayo ni Vice," saad ng Mommy niya. Naririnig niya ang mga sinasabi nito pero wala siyang naiintindihan. Basta ang alam niya kailangan niyang pakasalan ang Vice Mayor ng kanilang bayan ang gwapong si Miko de la Cerna na tinitilian ng maraming kababaihan. "I'm sorry, anak hindi ka pwedeng tumanggi sa kasal na ito. Nakasalalay ang kabuhayan natin rito," saad ng Mommy niya. Maybe na shock siya sa sinabi ng Mommy niya, pero wala siyang balak tumangging pakasalan ang isa sa pinaka gwapo sa kanilang bayan. Iyon nga lang baka naman si Miko mismo ang aayaw na pakasalan siya. "Alam kong wala kang nobyo anak. Sadyang hinintay namin ng Daddy mo ang mag eighteen ka para mangyari na ang kasalan niyo ni Miko. At ito na ang gabing iyon Patricia. Ngayon na mamanhikan ang mga de la Cerna sa atin," litanya ng ina sa kanya. Wala siyang boyfriend yes, never pa siyang nagka boyfriend, pero may mga nanliligaw naman sa kanya na hindi lang makapasa sa standard niya. Hindi pa niya nakikita ang lalaking magpapakabog sa kanyang dibdib. Well, kanina naramdaman niyang kumabog ang kanyang dibdib nang makatinginan si Miko. "May alam po ba si Miko tungkol rito?" Tanong niya sa ina. "Yes, anak. Matagal ng alam ni Miko ang tungkol rito," tugon nito sa kanya. "Bakit ngayon niyo lang po sinabi sa akin?" She asked. "Dahil masyado ka pang bata para isipin ang tungkol sa bagay na ito. At patawarin mo ko kung ngayon ko lang sinabi sa iyo anak. Sadyang naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon," paliwanag ng Mommy niya. "Alam na po ba ni Kuya at ni Kate?" Tanong niya. "Alam na ng Kuya Ariel mo, pero si Kate hindi pa," tugon nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Ngayon alam na niya kung bakit ganon na lang ang itsura ng Kuya Ariel niya sa pagdating ng mga de la Cerna. Alam pala nito kung bakit naroon ang mga ito. "Patricia, mabuting pamilya ang mga de la Cerna. Mabuting tao si Miko," saad ng Mommy niya. Hindi siya sigurado sa bagay na iyon. Hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo pa ito nakakasama sa bahay ng matagal. "Wala kang dapat ikatakot kay Miko," ,patuloy ng ina. "Hindi naman po ako natatakot sa kanya Mommy," saad niya. "Actually po, kung maaga niyo po sanang sinabi ang totoo, baka nakapaghanda pa po ako. Hindi ko naman po tatangian ang gusto niyong mangyari sa akin," saad niya sa ina. Totoo iyon hindi naman niya tatanggian ang pagpapakasal kay Miko. Sino ba siya para tumanggi sa isang gwapong katulad ni Vice Mayor Miko de la Cerna. Walang babaing tatangi sa isang katulad nito. Lalo na kung kasal. "Salamat Patricia at naiintindihan mo ang lahat," pasalamat ng Mommy niya at ngumiti ito. Kanina pa nga niya hindi nakikitang ngumingiti ang ina. Buti naman ngayon nakangiti na ito. Ngayon naiintindihan na niya ang lahat ng nangyayari magmula pa kanina. Kung bakit ang Daddy niya ang sumundo sa kanya sa school at kung bakit binili siya nito ng mamahaling eleganteng dress. Ito na pala ang kasagutan sa lahat. Malinaw na sa kanya ang lahat ngayon. Totoo ang sinabi niya sa Mommy niya, hindi siya tatangi sa gustong mangyari ng kanyang mga magulang. Baka this time may magawa na siyang mabuti para sa mga magulang. Medyo sakit din kasi siya ng ulo ng mga ito minsan, at least ngayon kung susunod siya sa gusto ng mga ito mababawasan ang sakit ng ulo ng mga magulang niya. Saka na niya iisipin kung paano siya pagkatapos ng kasal nila ni Miko. Isama pang hindi niya lubusang kilala ang lalaking pakakasalan. Wala siyang idea kung ano ang totoong pagkatao nito, at kung hindi ba ito tutol sa pagpapakasal sa kanya. Matapos nilang mag usap ng Mommy niya agad na rin silang lumabas ng library at lumakad na patungo sa komedor kung saan naroon ang Daddy niya at mga kapatid pati na ang pamilya de la Cerna. Malapad ang ngiti ng Mommy niya dahil nga payag siya sa plano ng mga ito. Wala siyang karapatang tumanggi dahil anak lang naman siya at ang mga magulang niya ang bumubuhay sa kanya. Lahat ng meron siya ngayon ay dahil sa mga magulang niya. Kaya dapat siyang sumunod sa gusto ng mga ito. And of course Vice Mayor Miko de la Cerna is not a f*cking joke. Pagbalik nila sa komedor busy pa sa kwentuhan ang mga bisita at Daddy niya. Tahimik naman ang dalawa niyang kapatid. Hindi pa nagsisimulang kumain ang mga ito, marahil ay hinihintay sila. Napasulyap siya kay Miko na nakatingin sa kanya. Tumango pa ito sa kanya at bahagyang ngumiti. Napalunok siya nahihiyang tumango rin rito. Hindi siya makapaniwala na ang gwapong lalaking nakangiti sa kanya ay ang pakakasalan niya ang magiging asawa niya at makakasama niya habang buhay. Tama naman pang habang buhay ang kasal, kaya habang buhay silang magsasama ni Miko, pero magsasama sila dahil sa kagustuhan ng kanilang mga magulang, hindi dahil sa mahal nila ang isat-isa. Marami naman sigurong mga katulad nila ni Miko na nagpakasal ng walang damdamin para sa isat-isa. Nang magsimula ng kumain medyo na co- continous pa siya dahil ilang beses niyang nahuhuli si Miko na nakatingin sa kanya. Marahil inaaral nito ang kanyang mukha. Ito kasi ang unang pagkikita nila nito at pagkatapos ito na rin ang pamamanhikan ng mga ito. Kumabog ang kanyang dibdib nang buksan na ang usapan tungkol sa kanila ni Miko ng mga magulang nila. Wala siyang nakitang reaksyon sa pormal na mukha ng Kuya Ariel niya, marahil dahil may idea na ito sa nangyayari. Pero kay Kate na mukhang katulad niya wala ring kaalam-alam magmula kanina nakita niya ang gulat sa mukha ng kapati. Halos maluwa pa nga niyo ang pagkain sa bibig nang sabihin ng Daddy niya na magpapakasal sila ni Miko. Bahagyang ngiti naman ang nakita niya sa mga labi ni Miko. Hindi niya alam kung ngiti iyon dahil masaya ito o ngiti na dapat niyang katakutan. "Mukhang wala naman ng tutol sa mga bata sa napagkasunduan natin," saad ni Mr. de la Cerna na soon to be father in law na niya. "Sunod na nating pag usapan ang kasal niyan," nakangiting saad naman ng kanyang soon to be mother in law. Parang tumigil naman ang kanyang puso nang magsalita si Miko sa kauna-unahang pagkakataon. Kapwa kasi sila nito tahimik at tanging mga magulang lang nila ang nagsasalita. "Hayaan niyo po muna kaming magkausap ni Patricia," saad ni Miko saka siya nito sinulyapan. Napasulyap siya at hindi magawang alisin ang mga mata sa mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD