Chapter-6

2002 Words
Pagkatapos ng dinner niyaya siya ni Miko sa labas ng hardin para doon daw sila nito mag usap. Agad naman siyang sumama rito para nga naman magkakilala na sila dahil ikakasal na sila soon. Pagdating sa labas hindi niya malaman kung paano babasagin ang katahimikan sa pagitan nila ni Miko. Gustong-gusto na kasi niyang simulan na nila ang pag-uusap dahil mas lalo siyang kinakabahan habang naghihintay sa sasabihin nito sa kanya. Sa hapag kainan na settle na ng mga magulang nila ang lahat. Ikakasal na lang sila soon ni Miko at tapos na ang lahat. "Patricia," tawag sa kanya ni Miko na kinapitlag pa niya dahil tila siya lutang at wala sa kanyang sarili habang nakatingin rito. Masyado siyang nadadala sa kagwapuhan ng kaharap. Lahat ng naririnig niya sa mga ka eskwela niyang babae about kay Miko ay totoo nga. Kaya pala sikat din ito sa social media sa dami ng mga nagkaka crush rito. Napapaisip tuloy siya kung wala ba itong girlfriend at payag itong pakasalan siya dahik sa utos ng mga magulang nito. "Thank you at pumayag ka sa plano ng mga magulang natin na magpakasal," pasalamat nito sa kanya. Nahihiya siyang tumango rito. "Salamat din at pumayag ka," pasalamat niya rito. Tumawa ito ng mahina saka inilagay sa bulsa ang isang kamay. Hindi lang ito sobrang gwapo, tamang-tama pa ang heights nito. Matangkad ito kaya tiyak papasang modelo ito kung hindi ito pumasok sa pulitika. "Yes, pumayag ako sa gusto nilang mangyari dahil wala naman akong magagawa. Hindi ako pwedeng tumanggi sa kanila. Nag-iisang anak lang nila ako, at kung susuway pa ko sa kanila, ang malas naman nila at ako pa ang naging anak nila,' saad nito sa kanya na may ngiti sa labi. "Pero gaya ng sinabi ko, kailangan muna nating mag usap about this. At kukunin ko na ang pagkakataon na ito para masabi ko sa iyo Patricia ang gusto ko at kondisyon ko sa kasal natin," litanya nito sa kanya. Napakunot ang noo niya nang marinig ang pagbanggit nito sa kondisyon. Anong ibig sabihin nito? May kondisyon pa ito bago sila ikasal? Bakit? "Anong sinasabi mong kondisyon?" Tanong niya sa lalake. "Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa sa iyo Patricia," tugon nito at humakbang palapit sa kanya. Sinimulan siya nitong tignan mula ulo hanggang paa at bumalik sa mukha niya. Hindi niya maintindihan pero kabado siya masyado. Iba ang uri ng tingin nito sa kanya na para bang dapat siyang matakot sa susunod nitong sasabihin. Ganoon pa man kahit may takot na lumukob sa kanya hindi siya nagpahalata rito. Pinanatili niyang nakataas ang kanyang mukha at deretso ang tingin niya sa mga mata nito. "I'm against this wedding. But I don't have any choice, kailangan kong sumunod sa parents ko, kaya pakakasalan pa rin kita Patricia," kaswal na saad nito sa kanya na hindi man nito inisip ang kanyang mararamdaman. Medyo na hurt siya at nakaramdam ng kaunting tusok sa kanyang dibdib sa sinabi nito. "Then bakit ka pumayag? Sa ating dalawa mas kaya mong pigilan ang kasal na ito," saad niya rito. Hindi pinahalata na apektado siya. "Dahil nag-iisa nila akong anak," tugon nito. "Eh ikaw Patricia anong dahilan mo at pumayag ka?" Tanong nito sa kanya. "Well, dahil mga magulang ko sila. Alam nila kung ano ang nakakabuti para sa akin. And isa pa eighteen lang ako, hindi pa ko ganoon ka mature para magdesisyon na sa future ko. So, I trust my parents for this," paliwanag niya rito. Tumango naman ito sa kanya. "I see," saad nito habang tumatango sa kanya. "How about boyfriend?" Miko asked her. "I don't have a boyfriend, and I"ve never had one," amin niya rito. "Never?!" Bulalas nito sa kanya na tila ba hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Proud siyang tumango rito. "As in never ka pang nagka boyfriend?" Paninigurado pa nito sa kanya. Tango muli ang naging tugon niya. Hindi nakaligtas ang pag galaw ng adams apple nito at muling pag suri nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Napahinto pa ang mga mata nito sa may kalakihan niyang dibdib, saka tumaas sa kanyang mukha. "Wow...," saad nito. "You are already eighteen years old and beautiful," patuloy nito. Hindi niya alam kung compliment ba ang sinabi nito sa kanya o ano. Pero salamat pa rin ang maganda siya sa paningin nito. "Parang impossible namang palagpasin ka ng mga ka edaran mo sa bayan na ito," dagdag pa nito. "Marami akong manliligaw, pero wala akong gusto sa kanila," pagmamalaki niya. Totoo naman kasi iyon kaya dapat lang na ipagmalaki niya rito. "I believe you. Nakikita ko naman na siguradong maraming lalake ang lalapit sa iyo at magpaparamdam, sa ganda mo ba namang iyan at lakas ng appeal," Miko said. "But that will never be a reason to change my mind, Patricia," Miko said. "I was trying to change your mind, Mr. Vice Mayor!" Mariing saad niya. Baka kasi iniisip nito na kaya niya sinabi rito na never pa siyang nagka boyfriend ay para magustuhan siya nito. Hindi iyon ang intensyon niya. "I know, and hindi naman malaking bagay sa akin ang ganyang bagay. Wala akong pakialam kahit virgin ka pa Patricia. Wala ng magbabago sa plano ko," saad nito sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata. Nais niyang magsalita pero walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Nais niyang ipagtanggol ang kanyang sarili pero tila siya biglang napipi at nawalan ng boses para magsalita. "Nang malaman ko ang plano ng Mama at Papa ako about us, nag isip na rin ako ng plano ko para sa iyo, Patricia And now I'm 100% sure na sa plano ko," Miko said. "Anong plano?" Kunot noong tanong niya. "After our wedding, you need to get out of this town. Well, actually, this country," Miko said. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin rito. Seryoso ang mukha nito at mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabi nitong kailangan niyang umalis ng San Juan o ng bansa. "Nakaplano na ang lahat para sa iyo Patricia, hinihintay na lang naman natin na maikasal na tayo at pwede ka ng umalis ng bansa," saad pa nito sa kanya. "Wait, Mr. Vice Mayor-" "Miko. You can call me Miko, huwag na tayong masyadong pormal pa. Tiyak naman na mumurahin mo rin ako," putol nito sa sasabihin niya. Nagtaas siya ng kilay rito. Talagang mumurahin niya ito pag hindi nito inayos ang sinasabi nito sa kanya. "Ano ba ang plano mo?" Mariing tanong niya rito. "Pagkatapos ng kasal natin lilipad ka na agad patungong New York. Don't worry sagot ko lahat ng gastos mo sa pag alis mo at pagdating mo sa New York. Hindi mo kailangang gumastos pa ako na ang bahala sa lahat," tugon nito sa kanya. Napailing siya ng ulo habang nakatingin rito. "Graduating ka na rin naman right. Bago tayo magpakasal kailangan maka graduate ka na muna, dahil sa New York ka na mag-aaral. Doon mo na pagpapatuloy ang pag-aaral mo at ako na ang bahala sa lahat. Wala kang magiging problema sa pera at apartment, sagot ko na lahat Patricia," litanya pa nito sa kanya. "Sa pag alis mo ng bansa ako na ang gagastos para sa iyo. Lahat ng kailangan mo financially ako na ang bahala. Bilang asawa mo it's my duty na alagaan ka pa rin kahit hindi tayo magkasama," dagdag pa nito. "I.. I don't understand," bulong niya na sakto lang umabot sa kanyang tenga. "Malinaw naman ang sinabi ko Patricia. After our wedding sa New York ka na mag-aaral. Kunin mo ang kursong gusto mo, kahit saang university pa iyan ako ang bahala. You just need to stay away from me at sa mga magulang natin," tugon nito sa kanya. "Bakit mo pa ko pakakasalan kung ayaw mo naman pala akong makasama?" Tanong niya rito. Nasaktan siya sa nais nitong mangyari na para bang matapos siya nitong pakasalan itatapon na siya nito sa New York. "Sinabi ko na kanina ang rason ko sa iyo, Patricia. Wala akong kapatid na tutupad sa kahilingan ng mga magulang ko, kaya pinagbibigyan ko sila. Ang pakasalan ka lang naman ang gusto nilang mangyari dahil para mas tumibay ang samahan ng ating mga pamilya dahil sa negosyo. After nating maibigay ang kasal na gusto nila, tayo naman na ang bahalang mag desisyon sa kung ano ang gagawin natin sa pagsasama natin. At iyon na ang plano ko, ang dalhin ka sa New York," mahabang litanya nito sa kanya. "Itatago mo ko?" Tanong niya rito. "Yes, Patricia. Itatago kita dito sa bayan na ito, kaya dadalhin kita sa malayong lugar," tugon nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawa ng kaharap ang saktan siya ng ganito kabilis samantalang ngayon lang sila nito nagka usap. "Alam ng mga magulang natin ang isang pakiusap ko sa pagpapakasal na ito," Miko said. "Anong pakiusap mo?" Tanong niya. Sumasakit na ang kanyang ulo sa dami ng pasabog ni Miko sa kanya. Hindi niya inisip na may ganitong pasabog pala ito ngayong gabi. Kung alam lang niya, hindi na sana siya pumayag na magkausap sila nito. "Na walang ibang makakaalam sa pagpapakasal natin. Tanging mga pamilya lang natin ang may alam," tugon nito sa kanya. Natameme na naman siya sa nalaman. Bukod pala sa itatapon siya sa New York eh patago pa siyang pakakasalan nito at bawal malaman ng iba. Anong rason nito? Mga babae ba? Nagtaas siya ng kilay rito at pinakita ang mataray niyang mukha rito. Masyado na kasi itong sobra sa pananakit sa damdamin niya na para bang hindi siya nasasaktan sa mga sinasabi nito. "Nag agree na ang mga magulang mo sa bagay na iyon. Kaya nga intimate wedding lang ang gaganapin sa atin. Tayo-tayo lang naman ang gusto lang mga magulang natin eh magdikit na ang mga apelido natin para sa sarili nilang kapakanan," saad pa nito sa kanya. "Nais mong ilihim ang tungkol sa akin dahil ba may girlfriend ka?" Lakas loob niyang tanong rito. Tumawa naman ito ng malakas na tila ba nakakatawa ang sinabi niya. "Hindi ko hilig ang pumasok sa isang relasyon. I hate commitment, ayoko ng may obligasyon sa isang babae," tugon nito sa kanya. Nasaktan na naman ang feelings niya sa sinabi nito. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa kaharap. Kanina pa siya nito sinasaktan. "After ng kasal malaya tayong pareho Patricia. Pwede mong gawin ang gusto mo at ganon rin ako," saad nito sa kanya. "You mean, pwede akong makipag relasyon sa iba habang kasal tayo?" Kunot noong tanong niya rito. "Kung kaya mo Patricia. Biglang isang babaing kasal, kung kaya mong makipag relasyon sa ibang lalake, sige lang," tugon nito sa kanya. Sa sagot nito malinaw na hindi siya pwedeng makipag relasyon sa ibang lalake. Pero ito malaya ito, dahil kaya nitong makipag relasyon o sumama sa ibang babae dahil malayo naman siya rito. "Anyway, Patricia. Ipapaliwanag ko na rin sa iyo na sa pagpunta mo ng New York, wala kang kailangan gawin kung di ang mag aral lang sa kung saan mo gusto. Hindi mo kailangang mag trabaho para mabuhay roon. May monthly allowance kang matatanggap mula sa akin. Free apartment. Free tuition fees. Free car. Free shopping. At kung may kailangan ka pa sabihin mo lang sa secretary ko," litanya nito sa kanya. "Secretary? Don't tell me hindi rin kita pwedeng makausap," she said. "Yes, Patricia. Hindi mo ko kailangan kausapin pa pag nasa New York ka na. Simple lang naman ito. Kasal lang tayo sa papel at hanggang doon lang iyon, formality lang para sa mga magulang natin na nag set up sa atin para magpakasal. Huwag ka ring kabahan na baka may honeymoon pa tayo. No, hindi kita sisipingan Patricia. Hindi na kailangan pang ma consummate pa ang kasal na ito," litanya nito sa kanya. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o magagalit sa huling sinabi nito na hindi siya nito sisipingan, na hindi na kailangan ma consummate pa ang kasal nila. Bakit? Hindi ba siya kaakit-akit para rito. Wala man lang ba itong maramdaman kahit ano sa kanya, babae din naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD