"Don't worry po Dad, ako na po ang bahala kay Patricia," nakangiting saad niya sa biyenan nang ihatid ito sa labas matapos nitong ihatid ang anak nito sa bahay niya.
"Miko, ikaw na ang bahalang mag pasensya diyan sa anak ko ah. Habaan mo na lang ang pasensya mo,' bulong sa kanya ng biyenan.
"Daddy!" Saway ni Patricia na nasa likuran niya nang marinig ang bulong ng Daddy nito.
"Patricia asikasuhin mo ang asawa mo, huwag kang mag inarte, wala ka na sa bahay natin. Ang asawa mo na ang asikasuhin mo," seryosong saad ng biyenan sa asawa.
Sinulyapan niya si Patricia na nakatayo sa may likuran niya, saka siyang bahagyang ngumiti at muling nagpaalam na sa biyenan.
Wala rin namang nagawa ang asawa niya. Nagmamatigas pa ito na hindi daw ito titira sa bahay niya. Hindi naman pala maka ayaw sa Daddy nito. Sa unang tagisan nila ng asawa siya ang nanalo.
Alam niya ang pag uwi ni Patricia ng San Juan, dahil kinausap din siya ng kanyang ama tungkol sa pagnanais ng Daddy ni Patricia ma pauwiin na ang anak nito at magsama sila. Kung siya ang tatanungin hindi pa ngayon ang tamang panahon para bumalik na sa bansa si Patricia. Hindi pa sapat ang dalawang taon para tanggapin niya ito at ipakilala sa bayan nila bilang asawa niya.
Sapilitan ang pagpapakasal niya kay Patricia, wala siyang nagawa dahil iyon ang gusto ng kanyang mga magulang. Bilang nag-iisang anak sumunod na lamang siya sa mga magulang kahit labag sa kanyang loob ang pakasalan si Patricia noon. Hindi niya lubusang kilala ang babaing pinakasalan niya. Basta ang alam niya anak ito ng kaibigan ng kanyang Daddy, at pinagkasundo sila.
Patricia is beautiful kahit noon pa man, pero parang mas lalo itong gumanda ngayon. Lumakas ang appeal nito, nagkaroon ng magandang hubog ang katawan nito, unlike before masyado pa itong payat para matawag niyang sexy, ngayon masasabi na niyang sexy ang asawa niya. Malakas ang s*x appeal nito.
Hindi nga niya inaasahan na sa muli nilang pagkikita ng asawa makalipas ang dalawang taon, malaki na pala ang pinagbago nito. Malayo na ito sa dati. Sadyang napakagandang babae na ito. Gandang parang hindi na niya pwedeng pakawalan pa dahil tiyak na marami ang pipila. Kaya nang tumanggi itong sumama sa kanya kagabi, kinausap na niya ang Daddy nito para ito na ang gumawa ng paraan para sa bahay na niya tumira ang asawa.
"Nagpahanda ako ng breakfast," saad niya kay Patricia nang makalayo na ang sasakyan ng Daddy nito.
Tumalim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Nagtaas pa ito ng mukha habang nakatingin sa kanya. Napa igting naman ang kanyang panga habang nakatitig sa maganda nitong mukha. Wala naman itong make up or what sa mukha. Wala rin ano mang accessories. Simple lang din ang suot. Balot na balot nga ito at malalaki ang kasuotan, pero bakit lumulutang ang kagandahan nito sa kanyang paningin? Napansin na naman niya noon pa ang kakaibang ganda ng asawa niya, pero ibang ganda ang nasa harapan niya ngayon. Gandang nakakabuhay na ng dugo kahit hindi naman ito nakasuot ng mapang akit.
"Huwag ka nang mag abala pa Miko, aalis din naman ako. Hindi ako dito mag i- istay sa bahay mo!" Mariin nitong saad sa kanya at pinagsalikop pa nito ang mga kamay habang nakataas pa rin ang mukha at kilay.
"Sinabi ko na sa iyo kagabi na sa apartment o sa condo mo ko itira. Ipagpatuloy na lang natin kung ano ang nakasanayan natin sa New York. Walang pakialaman," taas kilay nitong saad sa kanya.
Habang nakatingin siya sa magandang asawa. Na realized niyang mali yata ang ginawa niyang ipadala sa New York ang asawa na hindi man na co- consummate ang kanilang kasal. Mukhang pagsisisihan niya ng husto ang hindi pag iwan niya sa asawa sa Villa noong gabi ng kanilang honeymoon.
"Iba na ang rules ngayon, Patricia andito ka na sa San Juan at wala ka na sa New York," he said.
"Pero iyon pa rin ang set up na gusto ko!" Mariing saad nito sa kanya at tumalim pa lalo ang mga mata nito.
"Sa loob ng dalawang taon, ikaw ang nasunod Miko. Naging sunud-sunuran ako. This time ako naman ang masusunod!" Patuloy nito sa kanya.
Nagbuka siya ng bibig para sana magsalita nang mabilis itong tumalikod at lumakad papasok ng pintuan.
Humugot siya ng malalim na paghinga at nagbuga ng hangin. Hindi niya naiwasang mapasulyap sa matambok na pang upo nito. Napalunok pa siya dahil kahit nakatalikod na ang asawa napakaganda pa rin ng katawan nito.
"Damn it" Mura niya at sinundan ang asawa sa loob ng bahay.
"Please pakibaba ang mga gamit ko," saad ng asawa sa kasambahay na may hawak sa maleta nito na marahil ay para iakyat na sa itaas. Sinulyapan siya ng kasambahay na tila ba nagtatanong ito sa kanya kung susunod ito sa sinabi ni Patricia.
"Sige na i akyat mo na iyan sa master bedroom," utos niya sa kasambahay. Tumango naman ito agad sa kanya at akmang tatalikod na nang pigilan ito ni Patricia.
"Teka sandali! Bitiwan mo ang gamit ko!" Mataray nitong saad sa kasambahay niya at sinulayapan siya ng asawa.
Sa nakikita niyang kinikilos ng asawa mukhang hindi na ito ang dating Patricia na sunud-sunuran lang sa lahat ng gusto niya at ng mga tao sa paligid nito.
"Ibaba mo iyan!" Utos pa nito sa kasambahay. Mabilis naman nang ibinaba ng kasambahay ang maleta ng kanyang asawa.
"Sige na Manang, iwan mo na muna kame," saad niya sa kasambahay. Tumango naman ito sa kanya at mabilis na umalis.
"Ipatawag mo na lang ako ng taxi, ako na ang hahanap ng matitirhan ko," saad nito sa kanya habang hawak na nito ang maleta nito at bag nitong maliit na tila ba handa na talaga itong umalis. As if naman na hahayaan niya itong makaalis pa sa kanyang bahay. Nasa bahay na niya ang magandang putahe hahayaan pa ba niyang mawala.
"Let's talk," seryoso niyang saad sa asawa.
"Wala na tayong dapat pag usapan pa!" Mariing tugon nito at akmang lalakad na patungo sa pintuan nang pigilan niya ang braso nito.
"Ah.. Aray, ano ba!" Asik nito.
"Mag-usap tayo Patricia," ma otoridad niyang saad sa asawa habang mahigpit ang hawak sa braso ng asawa.
"Ano pa ba ang pag-uusapan natin. Buo na ang desisyon ko Miko!" Galit nitong saad sa kanya habang pilit na binabawi ang braso nitong hawak niya.
"Marami tayong dapat pag-usapan Patricia. Dalawang taon ang lumipas na hindi tayo nag-uusap and it's time na mag usap na tayo at nang malaman mo na rin ang bago kong rules sa pagsasama nating ito," litanya niya sa asawa.