“Ngayon ka lang na-late ah. May nangyari ba?” may pag-aalala sa tinig ng pinsan niyang si Mark nang magtungo na siya sa munisipyo para magtrabaho. “Na-late lang ng gising,” tugon niya sa pinsan na siyang nakaupong Mayor ngayon sa bayan nila. “Baka kasi kung saang condo o hotel ka na naman nakitulog,” iling-ulong sabi ng pinsan. “Hindi naman,” nakangiting tugon niya sabay kamot sa ulo. Sa ngayon, kahit kay Mark na ka-close at pinsan niya, hindi pa niya handang sabihin ang tungkol kay Patricia na asawa niya. Wala pa siyang balak ipakilala si Patricia sa ibang kamag-anak, mga kaibigan, at lalo na sa bayan nila. Sa kauna-unahang pagkakataon na late siya sa pagpasok sa munisipyo, napansin iyon ng marami dahil pagdating sa trabaho niya sa bayan nila, hindi siya nagpapa-late. Lagi siyang maag

