Maaliwalas ang mukha ng Mommy at Daddy niya nang salubungin sila ng mga ito sa pintuan pagdating nila sa bahay ng mga ito para sa dinner. "Good evening po, Mommy, Daddy," bati niya sa mga magulang na agad lumapit sa kanya para yakapin at halikan siya, matapos batiin. Bumati rin si Miko sa mga ito at nakipagkamay sa Daddy niya na may masiglang aura ngayon, hindi katulad nang mga nakalipas na araw na parang sobrang stress nito at tila biglang tumanda. Ganoon nga rin ang Mommy niya na bigla rin bawi ang aura ngayon. Marahil dahil sa utang na nabayaran na ni Miko ngayon, kaya bumalik ang sigla ng kanyang mga magulang. Agad na rin silang niyaya ng mga ito sa komedor kung saan nakahain na raw ang pagkain para sa kanila. Habang patungo sa komedor namataan niyang pababa na ng hagdan ang Kuya n