Hindi siya makapanila na kinalangan pa ni Miko na gumamt ng helicopter para lang sunduin siya sa Maynila. Hindi naman ganun kalayo ang Maynila sa bayan ng San Juan. Naramdaman niya ang kamay ng asawa sa may siko niya para alalayan siya sa pagsakay sa helicopter. Ito ang unang pagkakataon na makakasakay siya ng helicopter sa buong buhay niya. Salamat sa asawa niyang ginulat na naman siya sa karangyaang meron ito. "Miko-" "Mamaya na tayo mag-usap Patricia,' agad nitong putol sa sasabihin sana niya sa asawa. Humugot na lang siya ng malalim na paghinga at sinulyapan ang kasama nilang piloto. Tama ito mamaya na lang sila mag-usap, dahil tiyak na magagalit na naman ito sa kanya. Sisigawan siya at kung anu-ano na naman ang masasakit na salitang sasabihin nito sa kanya. Sa ngayon tatanggapin n