"Hi," bati niya kay Mikel nang pumasok ito sa silid kung sana sila nito matutulog ngayong gabi. Bagong ligo na ito at nakapagbihis na rin. Mukhang sa kabilang silid ito naligo at nagbihis. "Hey," bati naman nito sa kanya nang sulyapan siyang nakaupo sa tapat ng salamin habang nagsusuklay ng buhok. Hindi nakaligtas ang pagsulyap ni Mikel sa suot niyang pantulog. Lingerie kasi iyon na halos wala naman ng tatakpan pa sa kanyang katawan. Si Mikel din naman kasi ang pumili ng ganitong klaseng pantulog. Lahat naman ng sinusuot niya ngayon si Mikel ang pumili at pinaninindigan lang niya ang pagsuot, lalo na't alam niyang nakakaakit kay Mikel. Actually kanina pa nga siya roon nakaupo at sadyang hinihintay si Mikel para magpapansin rito. Yes, magpapansin. Iyon kase ang nakikita niyang paraan para

