Pagbalik niya ng deck kung saan iniwan si Kristof nadatnan niya itong may makahulugang ngiti sa labi habang nakatingin ito sa kanya. "Pasensya ka na," paumanhin niya sa kaibigan. "Now, I know,' Nakangising saad nito sa kanya. "You know what?" Taas kilay niyang tanong. "Kung bakit ka nahumaling sa eighteen years old na si Liyah," Kristof answered na lalong kinataas ng kanyang kilay. Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Kristof sa yate niya kanina, galing pala ito sa yatch party ni Abram at pauwi na nga daw sana ito nang madaanana ang yate niya at nagbakasaling naroon siya, at naroon nga siya. Hindi sila nagkita ng kaibigan sa yatch party ni Abram dahil maaga silang umalis ni Liyah, hindi na kasi niya gusto ang vibes ng party at hindi na healthy para kay Liyah. Hindi rin naman niya ala

