Kinabukasan unang araw na ni Patricia sa bago nitong eskwelaan na pagmamay-ari ng pamilya niya. Siya na ang nagdesisyon para sa asawa niya na magpatuloy sa pag-aaral nito sa De La Cerna University. Hindi na kasi niya hahayaan pang bumalik ang asawa sa New York, kaya dito na lang din ito sa San Juan mag-aaral. "May driver na maghahatid at sundo sa iyo sa University, Patricia," saad niya sa asawa habang sabay silang nag-aalmusal nito. "Hindi na ko bata Miko!" Mariing saad nito na hindi man siya sinusulyapan. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata. Naiinis siya sa pagtrato sa kanya ng asawa, pero wala naman siyang magagawa, kailangan niyang tanggapin ano man ang ipakita nito sa kanya, dahil siya ang dahilan sa ganitong pag-uugali ng asawa. "Mas gusto kong may tauhan akong maghahatid,