LYKA KADARATING ko lang galing sa pag-attend ng meeting sa school ni Pauline. Hindi na ako nasamahan ni Verex dahil may importanteng trabaho siya ngayon sa ospital. Gayon man ay ito ang unang beses na hindi niya ako sinamahan kapag may meeting sa school ang mga anak namin. For ten years of being together, kahit matatanda na kami, palagi siyang present sa bawat school event ng aming mga anak. Kahit gaano pa siya ka-busy sa trabaho niya. Palagi niyang ipinaparamdam sa amin na kami ang number one priority niya sa buhay. Na hindi siya magdadalawang isip na iwanan uli ang kaniyang profession kapag kailanganin namin siya. “Ma’am, ipasok ko na ho itong mga pinamili n’yo?” tanong sa akin ni Gaston. Siya na ang naging family driver namin for six years. Siya ang taga-hatid sundo sa mga bata kapa

