STELLA “NAPANSIN mo ba na panay ang sulyap sa’yo ni Fritz kanina habang nasa competition siya?” nanunuksong tanong sa akin ni Gianna habang palabas na kami ng campus. Hindi na namin hinintay ang final announcement. Obvious naman na ang Fritz na iyon ang champion. And I don’t like it. Sa tingin ko, lalo lang siyang yumabang dahil malapit na pala siyang maging Hall’ of Fam’er sa larangan ng swimming, dito sa St. Andrius. “Wala akong napansin dahil hindi naman ako nakatutok sa kaniya kundi sa ibang swimmers,” pagsisinungaling ko sa aking kaibigan. Kahit ang totoo, aware na aware ako sa sinasabi niya. Hindi lang isa o dalawang beses na nahuli ko ang Fritz na iyon na panay ang pa-cute sa akin kanina. Kahit iyon man ay hindi ko gusto. Presko masiyado ang isang iyon! “Sayang naman. Hindi mo

