STELLA “GUSTO mo bang ihatid na kita?” malambing na tanong sa akin ni Dad nang magpaalam ako sa kaniya na may pupuntahang party ngayong gabi. “O kahit si Monching na lang.” “No need na po, Dad. Dadaanan kasi ako dito nina Gianna, eh. Para sabay-sabay na kaming pumunta doon.” “Are you sure? Malayo-layo rin ang Bulacan,” nag-aalalang sabi pa niya. “Sino ba ang magda-drive sa inyo?” “Kotse po ni Gianna ang gagamitin naming at siya rin ang magda-drive. Pero lahat naman po kami marunong magmaneho. Palitan na lang kami para hindi mapagod ang isa,” paliwanag ko naman. Ilang sandali na tinitigan muna ako ni Daddy bago siya napabuntong-hininga. “Basta walang magmamaneho ng lasing o kahit nakainom, okay? Kung hindi na kaya, huwag nang piliting umuwi. Maghanap na lang kayo ng malapit na hotel at

