LYKA MEDYO masakit ang aking katawan nang magising ako kinabukasan. Tinatamad pa akong bumangon kaya hindi muna ako nagdilat ng aking mga mata. Mas gusto kong balikan muna ang nangyari sa amin ni Verex kagabi. Dalawang beses lang naman niya akong inangkin. And take note, matino siya no'n, ha? Nabitin sa ere ang balak ko na pagngiti nang maramdaman kong tila may mga matang nakatunghay sa akin. May mainit ding hininga ang marahang tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan akong nagdilat para lang sumalubong sa akin ang guwapong mukha ng aking asawa. “It’s already six AM, Tuesday,” bulong niya sa akin sa tonong tila nagpapaalala. Hindi agad nag-sink in sa aking isipan ang gusto niyang sabihin. Nawawala na naman ako sa tamang huwisyo dahil sa sobrang pagkakalapit ng aming mga mukha. Isang malin