STELLA NANGINGITI ako na lumuluha habang pinagmamasdan ko ang magkasamang larawan nina Daddy Arman, Lolo at Lola Lucila. Pareho silang nakangiti. Dati ko pa nakikita nag picture nilang ito pero ngayon ko lang nakita ang saya sa kanilang mukha. Siguro dahil nagkasama na rin silang muli… kung saan man sila naroroon ngayon. Five years na nga pala ang lumipas simula nang magkaroon ako ng tapang na tuluyan nang pakawalan si Lola. Ganoon din si Uncle Verex. Nagpasiya kami na palayain na siya at ihatid na sa tamang pahingain niya. Ngayon, limang taon na silang magkakasama sa buhay na walang hanggan. Kasama sina Mommy at iba pa naming mahal sa buhay. Tinuyo ko ang aking mga luha nang maramdaman ko ang mainit na kamay na pumatong sa aking balikat. Napangiti ako nang malingunan ko ang aking asawa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


