STELLA HINDI ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking hininga habang nakakulong ako sa matitipunong braso ni Fritz. Tila may gayuma ang mabangong amoy niya kaya naestatwa ako sandali. Habol ko tuloy ang aking hininga ngayon nang marinig ko ang boses niya. “Ano ba ang problema mo sa’kin at bigla mo na naman akong sinusungitan at iniiwasan?” may panunumbat na tanong niya sa akin. “Sa pagkakaalala ko, okay tayo noong nasa France ka pa lang at nasa New York naman ako. Kahit long distance, masaya tayo. Wala akong natatandan na nag-away o nagkatampuhan tayo. So, tell me.” Hinawakan niya ang chin ko at bahagyang itinaas para magpantay ang mga mukha naming dalawa. “May nagawa ba akong kasalanan?” “Really? Hindi mo alam?” malakas na tanong ko rin sa kaniya. “O dahil akala mo forev

