STELLA “I’M SORRY, Lola… I know na gusto mo nang magpahinga. Pero hindi ko pa po kaya…” namalisbis ang aking mga luha habang kausap ko si Lola Lucila. Alam ko naman na hindi niya ako naririnig at imposible na niya akong maramdaman. Pero kahit papaano ay gumagaan ang aking pakiramdam kapag nahahawakan ko ang kaniyang kamay. Kaya kahit handa na si Uncle Verex na pakawalan siya, ako naman ngayon ang natatakot na tuluyan na siyang mawala. Natatakot ako na mag-isa. Kahit pa nga nangako naman sina Uncle Verex at Lyka na magiging parte pa rin ako ng kanilang pamilya. Sa ngayon ay magkasama na silang muli pagkatapos magpaubaya ni Fritz. Nagdesisyon sina Lyka at Uncle Verex na piliin at buuin ang kanilang pamilya. Hindi lang para kay Pablo kundi dahil mahal na mahal pa naman daw nila ang isa’t

