STELLA MAS okay na ang feeling ko ngayon kaysa kanina nang idilat ko ang mga mata ko. Medyo nagulat pa ako nang mapansin ko na nasa ibang room ako. I emphatically shut my eyes again as I feel throbbing pain in my head. Actually, kahapon ng gabi pa masama ang pakiramdam ko nang bumalik ako sa hotel na tinutuluyan ko. Siguro dahil nabasa ko ng ulan habang nag-uusap kami ni Fritz kahapon. Muli kong naidilat ang mga mata ko nang maalala ko ang ex-boyfriend ko, para lang magulat nang bumungad sa akin ang guwapong mukha niya. Saka lang bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Nakita nga pala niya ako habang naglalakad sa tabi ng kalsada. Inalalayan niya ako nang makita niya ako na parang matutumba. Pero bakit kaya niya iyon ginawa? Bakit siya huminto kung totoo ang sinasabi niya kahapon na w

