Present time… FRITZ HANGGANG ngayon ay nahihirapan pa rin akong huminga dahil sa natuklasan kong panloloko sa akin ni Stella. Muntik na akong maniwala na naging totoo ang kasal-kasalan namin noon. Muntik ko nang masabi iyon kay Lyka. Tiwalang-tiwala ako sa mga papeles na dala ni Stella. Hindi ko kasi agad nakontak si Dux para kumpirmahin iyon. Naka-long vacation kasi siya at walang dalang cellphone para makapagpahinga. Mabuti na lang at nakausap ko na ang kaibigan kong iyon bago ko pa nasabi kay Lyka. Imposible raw na maging totoo ang wedding namin noon dahil hindi naman niya iyon f-in-ile. Mas lalong hindi puwedeng ma-i-file niya gaya ng sinabi ni Stella dahil naiwala niya ang papel nang gabing iyon dahil sa sobrang kalasingan. Matagal na rin daw silang walang communication ng ex-gir

