Nine years later… FRITZ KANINA pa ako nakatitig sa aking cellphone na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko na matandaan kung ilang oras na akong nag-iisip kung tatawagan ko ba o hindi si Lyka para ipaalam ang biglang pagbabago ko ng desisyon. Naaksidente siya sa motorksiklo at kalalabas lang niya ng ospital. Ayaw kong isabay ang hindi magandang balita na ito. Si Lyka ay ang stepsister na simula pa man noon ay kinaiinisan na ni Stella at fiancée ko na ngayon. Supposedly, weeks from now, ikakasal na kami. Pero hindi ko alam kung bakit bigla kong naisip na iurong muna ang pag-uwi ko ng Pinas. Samantalang noon pa ako sigurado sa sarili ko na si Lyka na ang bagong mahal ko at gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ng buhay ko. Noong hindi ako sinipot ni Stella sa araw ng aming kasal, hin

