STELLA SI Fritz na ang lumapit sa information desk para mag-log in nang makapasok kami sa loob ng condo hotel. Habang naghihintay sa lobby, umupo muna ako sa couch nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Patuloy ko ring iniisip kung tama ba itong ginawa ko na sumama sa kaniya rito. Parang wala sa sarili na sinapo ko ang puso ko na napakabilis ng t***k habang hinihintay si Fritz. Dinig na dinig ko ang malakas na kalabog sa loob ng aking dibdib. Ano kaya kung mag-back out na lang ako? Mag-check in sa ibang room? Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko nang matanaw ko si Fritz na palapit na sa akin. Literal na nahigit ko ang hininga ko habang pinagmamasdan ko ang kaguwapuhan niya. Hindi talaga maide-deny ang malakas na karisma ng lalaking ito. So hot and gorgeous. Mas lumakas pa ang t**

