STELLA “AKALA ko ba charger ko ang kailangan mo?” narinig ko na tanong ni Fritz sa nanunudyong boses, kasabay ng naramdaman ko na pagtigil niya sa aking likuran. “C-charger nga. Malay ko ba na meron pala niyan sa bag mo at iyan ang nakuha ko,” nauutal na paliwanag ko. Hindi ko pa rin magawang humarap sa kaniya dahil sa kaba. “Are you sure?” parang ayaw pa rin maniwala na pangungulit niya sa akin, dahilan para mapaharap na ako sa kaniya para ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ako papayag na bigyan niya ng malisya ang isang bagay na hindi ko naman talaga sinasadya. Nahigit ko ang hininga ko nang sumalubong sa akin ang mukha ni Fritz na halos ilang dangkal lang ang pagitan mula sa akin. Pilit kong nilabanan ang nararamdaman kong kakaiba nang mapatingin ako sa hubad na katawan niya. Feel k

