LYKA “NOONG sabihin sa akin ni Althea na gusto niyang ibigay kay Pablo ang puso niya, habang nag-aagaw buhay siya sa loob ng ambulance, hindi agad ako pumayag. Kasi, bakit… ‘di ba? She hates your child so much,” puno ng sakit na wika ni Margaux pagkatapos ko siyang tanungin kung ano ang nagtulak sa kaniya para ibigay kay Pablo ang puso ng kaniyang anak. Araw-araw pala siyang pumupunta rito upang dalawin si Althea. Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin niya mapatawad ang kaniyang sarili dahil sa pagkawala nito. Kaya siguro ibang-iba na ang kaniyang hitsura kaysa noong bago nangyari ang lahat. Ang laki ng ibinagsak ng kaniyang katawan at nanlalalim na ang kaniyang mga mata. Nakaramdam ako ng pagkahabag sa kaniya dahil ganitong-ganito ako noong makunan ako sa first baby namin ni Verex.