LYKA “KAILAN n’yo ba ako balak dalawin dito? Manganganak na lang ako lahat-lahat, hindi pa rin natutuloy ang pag-uwi n’yo rito sa Pinas. Puro talaga kayo drawing, eh,” kunwari ay nagtatampo na wika ko sa aking mga kaibigan nang mag-video call kami gamit ang FaceCon. “Ang sabi n’yo noon, uuwi kayo sa birthday ng inaanak n’yo. Pero wala…” “Sorry na, frenny,” si Sue ang unang sumuyo sa’kin. “Sobrang busy ko lang talaga sa residency ko. Pero promise, uuwi talaga ako diyan sa Pinas next month, at dadalawin kita diyan sa Legazpi. Makita man lang kita bago ka manganak.” “Ako rin, frenny. Uuwi ako next month before ka manganak,” sabi naman ni Celestine na sinundan din ni Shantal. Nag-uusap-usap muna ang mga ito at nagkasundo na sabay-sabay nang umuwi para magkasama nila akong madalaw next mont