LYKA HINDI ko alam kung gaano ako katagal umiyak nang mag-isa dito sa loob ng aking dating silid. Umiyak nang umiyak ako sa hanggang sa nakayanan ko na rin na pakalmahin ang aking sarili. Kahit sobrang durog ng pakiramdam ko ay kailangan ko pa ring magpakatatag. Batid ng Diyos na habang buhay ako ay mananatiling buhay ang aking pagmamahal sa panganay ko. At hindi ko alam kung kaya ko pang patawaran ang mga taong gumawa niyon sa kaniya. Pero hindi ito ang tamang oras upang magpakita ako ng kahinaan. May isa pa akong anak, buhay na buhay na anak na nangangailangan ng aking atensiyon. Na kapag napabayaan ko dahil nagpakalunod ako sa galit at pagluluksa, baka tuluyan na ring mawala sa akin. “P-Pablo…” nasasaktang sambit ko sa pangalan ng aking anak nang pahirin ko ang huling luha na pumata