UNANG ARAW ni Anne sa bahay nina Crisostomo at maganda ang gising niya. Siguro dahil ngayon na lang uli niya naranasan ang matulog sa ganoon kalawak na silid. Hindi man iyon kasing rangya ng kuwarto niya sa mansiyon nila, masasabi na niyang mamahalin din lahat ng naroon sa loob niyon. Kung tutuusin, mansiyon na ring maituturing ang bahay na iyon ng binata. Hindi pa lang niya naitatanong kung bakit parang sobrang yaman naman nito para sa isang general manager lang ng farm. Sabagay, nabanggit na nga pala sa kaniya ni Crisostomo na namana daw nito sa foster parents ang mga ari-arian na iyon. Paglabas niya ng silid, balak sana ni Anne na silipin si Baby Sarina sa kuwarto nito na katabi lang ng inookupa niya. Ngunit bigla niyang naramdaman ang mga kamay na humawak sa kaniyang braso. Muntikan

