NAPAGOD si Anne sa pakikipaglaro kay Baby Sarina pagkatapos nilang mag-merienda nang hapon. Gayon din ang bata kaya nakatulog uli ito habang nakahiga sa hita ni Crisostomo. Magkatabi silang nakaupo sa Carabao grass na nasa bakuran ng bahay nito. Gayon man ay walang pinagsisisihan ang dalaga. She was so happy instead. So happy. Ganoon pala ang feeling ng may kapatid. Iyong may kalaro, may kakulitan. “You’re smiling. May I know why?” amused na untag sa kaniya ni Crisostomo nang mahuli nito ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya. Nakangiti pa rin na binalingan ito ni Anne na hinahaplos ang buhok ng natutulog na anak. “Hindi pa ba obvious? Na masaya ako ngayon dahil sa anak mo. She’s so cute and jolly. Nakakatuwa siyang kasama. Puwede ko ba siyang hiramin minsan kapag nakauwi na ako sa’min

