UMAWANG ang labi ni Anne nang makarating sila kabilang bahagi ng burol kung saan ay may maliit na lake. “Wow!” namamangha na bulalas ni Anne habang inililibot ang tingin sa buong lugar, lalo na sa napakalinis at mapayapang tubig. “Kung private property mo ang kubo na iyon, ibig sabihin, sa’yo rin ang lugar na ito?” amused na baling niya kay Crisostomo na nakatayo sa tabi niya. Tumango ito. “Pero pamana lang sa’kin,” matipid lang ang sagot nito at ramdam ng dalaga na parang wala itong balak sabihin kung sino ang nagpamana rito kaya hindi na niya inusisa ang tungkol doon. “You’re so lucky. All my life, I have never seen a lake this… beautiful.” Pumikit pa si Anne para namnamin ang malamig at sariwang hangin na humahampas sa kaniyang makinis na mukha. “Nakaka-refresh ng pakiramdam.” Naram

