ISANG BUWAN na rin sa Bukid Ni Jose si Anne. Pinanindigan niya ang pagiging yaya ni Crisostomo. Medyo mahirap, lalo na noong mga naunang linggo niya. Pero hindi naman siya nito pinapabayaan. Lagi itong nakaalalay para tulungan siya. At tinupad din nito ang pangako na protektahan ang dalaga. Palagi siya nitong ipinagtatanggol sa ibang empleyado at guest na nagsasabing hindi raw siya nababagay sa lugar na iyon. Na hindi raw siya tatagal at magre-resign na sa trabaho. Kung tutuusin, hindi naman niya kailangan ng protector para ipagtanggol ang sarili. Ngunit simula nang magkaayos sila ni Crisostomo at tumatak na sa isip niya ang pangako nitong iyon, hindi na gaanong nakikipagtalo si Anne. Lalo na sa mga kapwa niya empleyado. Bukod sa ayaw niyang malagay sa alanganin ang posisyon ng binata,

