“TIGILAN mo na nga ang pag-aakto ng ganiyan.” Nakasimangot na dumistansiya sa kaniya si Crisostomo at saka nag-iwas ng tingin. “Bakit? Ano ba ang inaakto ko?” pagmamaang-maangan ni Anne. “Sinabi ko lang naman na yakapin mo ako kasi nilalamig ako. Ano ang masama doon?” “Stop fooling around, okay? You know exactly what I mean.” “Magtatanong ba ako kung alam ko?” defensive na tanong ng dalaga. “Sabihin mo lang kung ayaw mo akong yakapin. Nilalamig lang naman ‘yong tao, eh.” At sumimangot din siya kunwari. “Hindi ka naman bata o lalong hindi inosente para hindi malaman ang ginagawa mo at ang tinutukoy ko.” Parang nagtitimpi na naman na binalingan siya nito. Ngunit kapansin-pansin na diretso ang tingin nito na para bang takot na takot ibaba ang mukha. “Gusto mong yakapin kita na ganiyan ang

