✘Seventh Adventure

1590 Words
*The f*******n underground* Amaya's POV Maaga akong nagising sa hindi ko malamang dahilan siguro dahil sa binabagabag pa rin ng babaeng yun ang panaginip ko. Nagbihis ako ng uniform at bumaba nakita ko namang nagulat si ate Elena sa sobrang aga ko. "Ang aga mo naman ata masyado" "Nagising na naman ako sa hindi magandang panaginip ate" "Yun na naman ba ang panaginip mo?" tanong nya sakin at nag nod naman ako at napatulala "May iba ka pa bang problema bukod dun?" tanon nya. Sa loob ng isang maikling panahon nakilala na agad ako ni ate Elena alam nya na agad ang mga habit ko at ang mga reaksyon ko kapag may problema o di kaya may bumabagabag sakin. "Alam mo naman pong kinausap ako ng Hari kagabi di po ba?" sabi ko at nag nod naman sya habang hinahain ang pagkain namin "Hindi ko po nagawang magsinungaling sa kanya ate. Parang si ate Mimi ang kasama nya, ang adviser ng Mahal na Hari alam nyang nagsisinungaling ako" sabi ko at napabuntong hininga naman si ate. "Alam kong mangyayari yan na mapapaamin ka nila, pero hindi yan ang pinoproblema mo di ba?" napapout naman ako dahil alam ni ate na hindi talaga yun ang main problem ko "Ano?" "Masama bang nagsinungaling ako sa Royalties? Sabi sakin ni Miko alam daw ng Royalties na nagsisinungaling ako" ginulo naman ni ate ang buhok ko. "Hindi porque sinabi kong huwag agad magtiwala ay hindi mo na agad pagkakatiwalaan ang mga taong dapat mong pagkatiwalaan. Tandaan mo sila ang makakatulong sayo upang makilala mo ang sarili mo" sabi ni ate at saka upo "Halika na kumain na tayo" --- Tahimik kaming lahat na nasa classroom kahit na wala kaming teacher dahil sa nagkaroon ng meeting ang mga teacher ng biglaan. Nagbabasa lang ako ng libro, pero hindi ito nababasa. Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang meron sa mga libro dito. Inayos ko ang buhok kong naharang sa libro, teka. Agad akong tumayo at lumangoy ng mabilis papuntang CR at agad ko namang nakita ang nakita ko kanina, literal na napanganga ako. What happen to my hair? Kung noong una ay highlight lang ang gold ngayon ang blue hair ko ang highlight. Anong nangyayari? "Rei?" Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Audrey, Ceres at Seri agad akong tumingin sa paligid at nakita ko rin sila Noellie at Karen kaya naman agad kong sinara ang pinto ng CR. "Rei anong nangyari sa buhok mo?" tanong sakin ni Ceres. "Hindi ko alam, napansin ko lang to nung nangbabasa ako, nakita kong napalitan ng kulay ang buhok ko" natataranta kong sabi. "Kalma lang Rei huwag kang magpanic" sabi naman sakin ni Karen. "Oo na po ate Rei wag ka pong kabahan" sabi naman nya at napaupo ako. "Anong nangyayari sakin?" at sinabunutan ko ang sarili ko "Hindi ko na alam" --- 'Release me Rei' 'Sino ka ba talaga?' 'Ako ay ikaw at ikaw ay ako' 'Hindi kita maintindihan' 'Release me Rei' 'Rei pumunta ka sa ilalim ng Academy makikilala mo ako' 'Hindi mo ba ako nililinlang?' 'Hindi Rei, isama mo ang mga Prinsipe at Prinsesa kailangan sila' Iminulat ko dahan dahan ang mata ko at napapikit naman ulit dahil sa liwanag na nakita ko, nang idilat ko naman ulit nakita ko si Seri na naiiyak. "Ate Rei buti gising ka na nag alala ako" sabi nya at niyakap ako "Akala ko- Akala ko iiwan mo rin ako gaya ni ate Mika" dagdag nya pa "Huwag mo ko iwan ate Rei" sabi nya pa. "Sshh tahan na Seri huwag kang mag alala okay lang ako. Sorry kung napag alala kita" Napatingin naman ako sa pumasok sa kwarto at nakita ko si ate Elena, nakita ko ang pag alala sa mga mata nya, naguilty tuloy ako. Ang dami kong pinag paalala. "Okay ka na ba?" tanong ni ate sakin at ngumiti naman ako "Ano bang nangyari?" tanong nya naman. This time hindi lang kaming tatlo nila ate Elena at Seri ang nandito sa kwarto kundi lahat ng Prisesa at Prinsipe saka kami ni ate ang tao ngayon. "May nagsabing ipikit ko ang mata ko kaya naman pinikit ko, ate nakausap ko ulit sya pero wala na naman akong nakuhang matinong sagot maliban sa isa" sabi ko. "Maliban sa isa?" takang tanong ni Miko. Umupo ako at inalalayan naman ako ni Gray kaya naman huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Sabi nya pumunta daw ako sa ilalim ng Academy at makikilala ko kung sino siya kung ano ako." sabi ko sa kanila. Nakita ko ang gulat sa mukha nila at agad naman silang nagsiiwas ng tingin sakin maliban kay Miko. "It's f*******n to go there" agad na sabi ni Miko. "Bakit?" tanong ko naman. "Dahil sa pinagbawalan ng unang Reyna ang lahat na pumunta doon." sabi nya naman "Maliban na lang kung isa kang maharlika" sabi nya pa. Napayuko naman ako, hindi ako maharlika ibig sabihin hindi ako pwedeng pumunta doon, paano na to? Hindi naman ako pwedeng pumuslit dahil kailangang kasama ko ang mga prinsesa at prinsipe. Hindi ko alam kung papaano ko magagawa yun. Napayuko at napabuntong hininga. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nakakapanghinayang. Susuko na sana ako ng magsalita si Seri at ang kapilyahan ng isang to talaga to the highest level pati na rin sa kalokohan, parang hindi sya seven years old. "Bakit po hindi tayo pumunta dun ng palihim? Alam naman natin sa sarili natin na gusto natin malaman ang tungkol kay ate Rei di ba? Oh ano ayaw nyo?" sabi nya naman. Napailing na lang ako sa ideya na naisip nya, yung totoo? Parehas kami ng naiisip. Tiningnan ko si ate Elena at imbis na mainis sa suggestion ni Seri ay napangiti pa ito, tumingin sya sakin at binigyan ako ng thumbs up so ibig sabihin payag sya? Paano kapag nahuli kami. "Gusto din naman namin malaman kaya lang kasi baka hanapin tayo ng mga magulang natin" sabi ni Noellie. "Oo nga saka isa pa marami tayong gagawin ngayon di ba?" dagdag pa ni Karen. "Isang gabi lang naman tayo tatakas ah ayoko na po gawin ang mga ginagawa natin tuwing gabi mga ate, kuya maawa na kayo sakin" naiiyak na sabi ni Seri "Masakit na ang katawan ko sobra sa pag sasanay natin" dagdag nya pa. "Sige papayag na ako" sabi ni Gray "Ako rin ayoko sa magtuturo ngayon masyadong malandi" dagdag naman ni Miko. "Ako rin ayoko rin magtraining ngayon" sabat pa ni Riko. "YES! THE BEST TALAGA KAYO KUYA GRAY! KUYA MIKO! KUYA RIKO" sigaw ni Seri at niyakap sila ngumti naman ang dalawa. Super close sila sa isa't isa. "Sige na payag na rin ako" -Ceres "Ako rin ayoko namang magpaiwan na lang" -Audrey "Ayoko rin magtraining ngayon at walang mgagawa sila doon" -Karen "So okay na lahat" Naawa tuloy ako sa kalagayan ni Seri, akala ko careless sila pag sila ang magkakasama, akala ko mga wala silang pakialam sa mga nasa paligid nila, akala ko lang pala lahat ng yun. Hindi ko alam mas nahihirapan pala sila sa aming mga normal na serena lamang. "Huwag na kayong mag alala kapag hinanap kayo ng mga Hari at Reyna sasabihin kong kasama ko kayo sa bahay at doon kayo magpapalipas ng gabi, sasabihan ko rin si Mimite para makipagsabwatan" sabi nya at napayes naman ang lahat maliban sakin. Iniwan kami ni ate Elena para kausapin si ate Mimi at naiwan naman ako kasama ang Royalties, naglalaro sila ng baraha dito sa loob ng kwarto ko, nakahiga ako sa kama at nagbabasa naman ang tatlong prinsipe sa sofa. Baliktad ata bakit parang mas magagaslaw ata kumilos ang girls kesa sa boys? Anong meron? Baliktad na ba ako mundo? "ANo" sabi ko at napatigil naman silang lahat at napatingin sakin "Sorry lahat ng sinabi ko sa inyo hindi totoo. Hindi talaga ako pisan ni ate Elena, hindi talaga ako galing sa mundo ng mga tao. Ang totoo nyan wala akong alam tungkol sa sarili ko bukod sa pangalan ko, hindi ko alam kung bakit ako nandito, kung bakit ako may ganitong buntot at buhok, hindi ko alam kung bakit ako naiiba sa inyo. Sorry ginawa ko lang naman ang mga sinabi ni ate para maprotektahan kaming dalawa parehas" mahaba kong litanyan. Tiningnan ko silang lahat at lahat naman sila nakangiti at nagulat ako ng tumayo ang girls at lumapit sakin saka ako dinamba ng yakap. "Alam namin, hahahaha alam naming nagsisinungaling ka nung araw na yun sorry hindi namin sinabi sayo. Ang nasa isip kasi namin baka may dahilan ka at totoo naman" sabi ni Audrey. "Ngayon di ka na pwede samin magsinungaling maliwanag ba?" sabat naman ni Gray at napangiti ako. "Magkakaibigan na tayo okay? Walang lihiman ha?" dagdag pa ni Ceres at nag nod naman ako. "Nandito lang kami lagi sa tabi mo Rei kahit na hindi ka pa namin nakakasama ng sobrang tagal parang feeling namin matagal ka na naming kilala" sabat naman ni Noellie. "Nafefeel nyo rin yun di ba?" tanong naman ni Karen at nag nod naman sila kaya mas lalong lumawak ang ngit ko. "Yiie si ate tanggap na kami hihihi" natawa naman kami sa kakulitan ni Seri. "Huwag kang mag alala poprotektahan namin kayo ni ate Elena" sabi naman ni RIko. "Oh ano may speech ka ba kuya Miko?" pang aasar naman ni Seri. "Ewan ko sayong bata ka" tapos tumingin sya sakin "You're amazing magpahinga ka na" at umalis sya sa loob ng kwarto. Hindi lang ako ang natulala sa sinabi ni Miko dahil halos lahat kami natulala sa narinig namin. Hindi makapaniwala. Ang isang Yuie Miko Golden ay nagsalita at pumuri? Nagsalita pwede pa pero ang pumuri? Oh em gy! "Is that Miko?" -Audrey "May nakain atang hindi maganda si Miko ngayon"-Ceres "Anong nangyari dun?" -Noellie "Hindi kaya nagayuma mo Rei?" - Karen. Halos lahat naman kami nanlaki ang mata sa sinabi ni Karen. "Anong nagayuma ka jan Karen eh wala nga akong alam sa ganyan" "Chill hahaha deffensive naman" "Hindi kaya" At nagkulitan naman kami ng nagkulitan. Ang mga taong to ang pinagkakatiwalaan ko ng sobra maliban kay ate Elena. Sila ang pamilya ko dito. Napatigil naman ako sa naisip ko, pamilya. "Hala may problema ba Rei?" gulat na tanong ni Audrey. Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong may luhang tumutulo, bakit parang gusto ko humagulgol dahil sa sobrang sakit? Bakit ang sakit sa feeling ko nung mabanggit ko ang salitang pamilya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD