*Kiss / The First Queen Door*
Amaya's POV
Nang kumalma ako sa pag iyak ay agad akong humingi ng paumanhin sa kanila, hindi ko pa rin sinabi kung ano ang totoong dahilan, hindi ako ready. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit para sakin ang tungkol dito sa salitang pamilya. Hindi na rin naman sila nagtanong dahil hindi ko rin naman sasabihin.
Maya maya pa ay narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto nataranta tuloy ako dahil namamaga ang mata ko baka kung anong isipin ng makakakita, nakita ko namang natawa ang mga kasama ko kaya napapout ako pero nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Miko at hinalikan ako. Literal na napanganga ang mga kasama ko at napalaki naman ang mga mata ko.
"My eyes" mahinang bigkas ni Seri habang nakatitig sa akin "Makasalanan na ang mata ko" dagdag nya pa.
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING MIKO" galit na sigaw ni ate Mimi samantalang ako nakatulala at hindi alam ang gagawin.
A-anong nangyayari?
"MIKO COME HERE OR I'LL KILL YOU" dagdag naman ni ate Elena.
Hinabol naman nila ate Mimi at ate Elena si Miko at ako naman nakatulala pa rin kagaya ng mga kaibigan ko.
"Sabi na nga ba hindi yun si Miko" sabi ni Audrey
"Nakakain nga sya ng kakaibang pagkain ngayong araw kaya sya ganyan"-Ceres
"May nangyari dun panigurado" -Noellie
"Sinasabi ko na nga ba nagayuma mo sya Rei" - Karen.
Napanganga naman ako.
"Hindi ko alam" sabi ko at tinakpan ng kumot ang mukha ko.
Natawa naman si Gray at Riko dahil sa kakulitan ng girls sa akin dahil sa nangyari at nahuli na rin ni ate Mimi at ate Elena si Miko kaya naman mas lalo akong namula at ayaw kong alisin ang kumot na nakatakip sa mukha ko sa sobrang kahihiyan.
"Hindi mo aalisin yan hahalikan kita ulit"
Otomatikong napababa ang kamay ko dahilan para mawala ang nakatakip sa mukha ko narinig kong natawa naman ang mga kasama namin at namula naman ako lalo pero sila ate ay nabatukan ng malakas si Miko.
"Okay tama na seryoso na" sabi naman ni ate Mimi.
Doble kara ata tong mga kaibigan ko dahil kanina lang ang lalakas mang asar tapos ngayon para silang mga anghel na sobrang seryoso, ngayon ko sila kinakikitaan ng pagiging ruler.
"Pinapayagan ko kayo pero sa isang gabi lang, kapag hindi nyo to nagawa ngayon hindi ko na kayo mabibigyan pa ng isang pagkakataon. Hindi madali ang pagpasok sa ilalim ng academy sapagkat lumalamig ang tubig habang lumalalim" sabi ni ate Mimi at napanod naman kami
"May isang beses lang si Mimite na pwedeng pumayag sa pagpapababa. Hindi din pwedeng basta basta dahil maaring buhay ninyo ang maging kapalit nito" sabi ni ate Elena.
Parang bigla ata akong kinilabutan dahil sa sinabi nila ate ganun ba talaga kahirap ang pagpasok sa pinakailalim ng academy? Bakit parang gusto ata ng katawan ko magback out. Tiningnan ko ang mga makakasama ko at nakita kong determinado sila, so ganun wala na talaga tong atrasan?
"Pinapaalala ko sa inyo na hindi nyo magagamit ang mga kapangyarihan nyo sa ilalim, nakaseal ang kapangyarihan nyo once na pumasok na kayo sa pinto pababa. Walang ibang aasahan kundi ang mga physical na lakas nyo" sabi ni ate Mimi. "TUtuloy pa ba kayo? Pag isipan nyo may isang oras pa kayo, pagpatak ng ika anim ng gabi dapat may desisyon na kayo nasa baba lamang kami ni Elena"
---
Naiwan na naman kami sa loob ng kwarto ko at ni isa sa amin walang may gustong magsalita, binigyan kami ng kaunting oras para mag isip kung itutuloy ba namin o hindi. Buhay ang katapat namin dito.
"Sa totoo lang hindi ako natatakot mamatay" napatingin naman kami kay Riko "Feeling ko malapit na ang digmaan kaya hindi na ako natatakot mamatay." Dagdag nya pa.
"Wala naman kasing dapat katakutan dahil hindi naman tayo mamamatay" sabi naman ni Audrey "Makakalabas tayo sa ilalim ng academy nang buhay di nga lang sure walang galos" dagdag nya pa.
"Ayoko po mag back out" sabi ni Seri at napatingin kami sa kanya "May isang salita po ako" dagdag nya pa.
Napabuntong hininga naman kami at tumingin sa isa't isa saka tumayo, okay wala na kaming ibang choice lahat sila gustong malaman kung sino ako at ako din gusto ko ring malaman kung sino talaga ako at kung ano ba talaga ako.
"Okay so wala nang urungan to" sabi ni Miko at nag unat unat na "Walang mamamatay satin kailangan pa tayo sa digmaan, kailangan pa tayo ng nasasakupan natin" dagdag na sabi nya.
Lumangoy kami palabas ng kwarto at agad naming nakita sila ate sa sala nang makita nila kami naging seryoso lalo ang mukha nila at tiningnan kami ng maigi.
"Tutuloy po kami" sabi ni Miko.
"Hindi man po namin masasabi kung mapapahamak kami o hindi pero wala po kaming pakialam, kailangan po kami ni Rei para bumalik ang ala ala nya at kailangan din kami para makita ang nakaraan nya" sabi ni Audrey.
Nakita ko ang takot sa mata nila at the same time ang pagiging proud sa amin, hindi ko alam kung natutuwa sila dahil matatapang kami o dahil sa sinabi ni Audrey.
---
Hinatid kami ni ate Elena at ate Mimi sa GdoubleA underground, hindi pa talaga to ang pinaka ilalim ng academy dahil meron pang mas malalim dito. Wala nang estudyante sa loob ng paaralan kaya hindi na rin kami nahirapan pa magtago. Nasa harapan namin sila ate ngayon at grabe talaga ang kaba ko sa ngayon hindi ko talaga alam ang gagawin ko pero pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil alam kong walang patutunguhan kung sakali mang magpapadala ako sa takot ko, hindi naman din pwede yun dahil baka makaabala pa ako sa mga kaibigan ko. Sila na nga ang tutulong sakin aabalahin ko pa sila lalo, ayoko ng ganun.
"Eto ang pinto papunta sa pinaka ilalim ng GdoubleA" sabi ni ate Mimi.
Lahat kami nakatingin sa pinto na nasa harap namin, pure gold ito at nakita kong may mga kandado na gold din may mga hand prints din na nakabakat sa pinto, parang yun ata ang susi?
"Princesses and Princes pakilapat ng mga kamay nyo sa mga may pangalan ng kaharian nyo" sabi ni ate Elena.
Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming alam si ate Elena sa mga ganito after all kaibigan nya si ate Mimi and take note best friend nya pa kaya naman hindi na ako magtataka. Naiwan ako mag isa sa likod nila at nakita kong inilapat na nila ang mga kamay nila sa hand print na nakabakat at may nakasulat sa loob nun kung anong pangalan ng kaharian nila.
Hindi ito bumukas kaya naman napatawa ng malakas sila ate Mimi at ate Elena tiningnan naman ng masama nila Miko sila ate Elena parang sa kanila baliwala ang masamang tingin na pinukol sa kanila, tawa lang sila nang tawa.
"Masyado kayong ata" sabi naman ni ate Elena.
"Seryoso naman po" sabi ni Ceres at napatahimik ang dalawa.
"Okay sige hindi na" sabi ni ate Mimi.
Huminga sya ng malalim at naglabas ng dagger. Isa nga lang. Ibinigay nya to kay Miko at lahat naman kami ay nagtataka, bakit nagbigay ng dagger si ate Mimi?
"Sugatan nyo ang mga palad nyo dahil ang dugo nyo ang makakapagpabukas ng pinto" seryosong sabi ni ate Mimi.
Walang pag aalinlangan at ginawa na ng mga kaibigan ko ang sinabi ni ate Mimi at kahit na nakikitaan ko ng sakit sa mga mata nila dahil sa sugat ay binaliwala lang nila ito at tiningnan ko sila ate Mimi nakita ko naman ang pag alala sa mga mata nila. Nang ilapat nila ang mga kamay nila ay agad na umilaw ang hati sa gitna ng pinto. Tinanggal nila Miko ang kamay nila at kusang humilom ang sugat nila.
Pagbukas ng pinto ay halos tangayin na kami palayo doon dahil sa sobrang lakas ng pressure na nilalabas ng tubig na akala mo may malakas na hangin sa loob. Mukhang mahihirapan kaming makapasok dito ah.
"Makinig kayo" sabi ni ate Elena "Kada dalawang minuto ang itinatagal ng pressure may limang minuto kayo para humanap ng matataguan at makakapitan dahil kung hindi ibabalik kayo ng pressure dito at hindi na muli pang makakapasok sa loob"
"Bakit alam mo ate Elena?" takang tanong ni Seri.
"Dahil kaming dalawa ni Mimi nakapasok na sa loob at nakalabas na rin" sagot ni ate at napanganga naman kami. "Pumasok na kayo may limang minuto kayo para hanapin ang mga matataguan." sabi ni ate at tinulak kami.
Pagpasok na pagpasok namin sa loob ay agad namang sumara ang pinto pero imbis na madilim ang sa paligid para itong kalangitan dahil sa dami ng nailaw sa mga bato.
"Bilisan natin" sabi ni Audrey kaya naman lumangoy kami.
Wala kaming sinasayang na oras dahil importante ang oras sa loob nito ayaw naming iluwa kami muli sa pinagmulan namin.
"Nasaan na ba ang pagtataguan natin? May isang minuto na lang tayo" sabi ni Riko at inilibot namin ang tingin namin.
Nakakita ako ng isang maliit na kweba pero sakto lang para magkasya kami, hindi naman sya literal na kweba pero tama lang para pagtaguan namin.
"Guys dito bilis" sigaw ko.
Agad kaming nagsilanguyan papunta doon at narinig na namin ang pressure na rumaragasa sa tubig.
"SERI BILIS" sigaw ko at binilisan naman nya.
Naabutan sya ng pressure pero bago pa man sya matangay nahawakan ko na sya at agad nahila papuna sa pinagtataguan namin, may iilang bula na napupunta sa pwesto namin pero sapat lang para hindi kami tangayin. Nag iiba din ang current ng tubig mas lumalakas ang agos.
"Muntik na ako dun" sabi ni Seri habang hawak ang dibdib nya dahil sa sorbang kaba.
"Sa susunod Seri bilisan mo ha? Baka mamaya ikaw ang unang mapalabas dito" sabi naman ni Ceres.
"Pasensya na po" tapos nag pout sya at pinat ko naman ang ulo nya "Thank you ate Rei" ngumiti naman ako.
Makalipas ang dalawang minuto ay agad agad kaming lumangoy palabas sa pinagtataguan namin at mabilis na tumakbo, may iilang ginto kaming nakikita sa sahig pero wala kaming oras para damputin yun alam namin sa sarili naming isa lamang yung temtasyon para mapalabas kami. Malapit na mag limang minuto pero wala pa rin kaming makitang matataguan maliban sa isang baging.
Agad kaming nagsilanguyan papunta doon at kumapit ng mahigpit, nakakalunod ang pressure pero tinitiis namin. Sobrang lakas at kahit na sobrang kapit na kapit kami ay napapadausdos pa rin kami.
"Aah" napasigaw na sabi ni Audrey ng makabitaw sya pero agad din naman nahawakan ni Riko.
Nagstay kami sa ganung kahirap na sitwasyon at ng matapos ang dalawang minuto ay agad kaming lumangoy, habang nalangoy kami ay hinihimas himas namin ang kamay namin. Ilang beses kaming tinangkang palabasin ang pressure pero hindi ito nagtagumpas hanggang sa makarating kami sa pinaka harap ng isang gintong pinto na may nakaukit na serena.
"Queen Regina" sabi ni Miko.
"Ang kauna unahang Reyna ng Golden Palace" sabi naman ni Seri.
Gaya ng ginawa kanina kinuha ni Miko ang dagger mula sa bulsa nya at sinugatan nila ang kamay nila at nilagay sa mga nakabakat na kamay doon sa pinto. Kung kanina naghilom ang sugat nila sa ngayon hindi. Kumuha ako ng tela sa bag ko at ibinigay sa kanila nagpasalamat naman sila. Nang bumukas ang pinto halos mapanganga kami sa takot sa nakita namin. Oh em gy kailangan ba talaga?