✘ninth Adventure

1194 Words
*The symbols* Amaya's POV Kaharap namin ngayon ang isang higanteng gintong tubig ahas at may mga kampon pa sa tabi nya, shemay ito ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat eh. Simula noong magising ako eto na ang pinaka ayaw kong makita sa tanang buhay ko. Wait tanang buhay ko? Hindi ko naman alam kung takot ako dito o hindi dati ah, takot ba ako sa ahas dati? 'Anong kailangan nyo sa lugar na ito? Sino ang nagbigay sa inyo ng pahintulot na makatungtong sa lugar na it?' Hanep nagsasalita. "Pumunta kami dito upang malaman ang nakaraan ng isa kong kaibigan" sabi ni Miko. 'Hindi maari' agad namang sagot ng ahas 'Sapagkat kailangan nyo muna akong matalo' dagdag pa nito. "Ibang klaseng ahas" sabi ni Seri. "Pwede namang gumamit ng sandata di ba?" tanong ni Seri. 'Maari young lady' "Huwag mo kong tawaging lady sapagkat isa akong prinsesa" inis na sabi ni Seri. Nakita kong nagulat ang ahas at tinitigan ang mga kaibigan ko at saka naibaling sa akin ang tingin nya. 'Kung ganoon bigyan nyo ako ng isang patalandaan na isa nga kayong mga maharlika' sabi ng ahas. Sila Miko ay nagpakita ng marka, isang seal na binibigay sa mga maharlika na nasa likod ng leeg nila. Teka. 'Ikaw babae?' sabi nya at tinitigan nya ako, maari ko bang ipakita? 'Tinatanong kita isa ka bang maharilika o hindi? Kung oo ipakita mo sa akin ang iyong tatak at kung hindi maari ka nang umalis sa lugar na ito' sabi nya pa. Napakagat naman ako ng labi at tiningnan ang mga kaibigan ko halata naman sa mga mukha nila na nag iisip sila ng mga pwedeng gawin para payagan ako dito. Huminga ako ng malalim at tumayo ng tuwid saka tumalikod nakita ko naman ang mga kaibigan ko na nanlaki ang mata napangiti ako akala ata nila uuwi na ako. Inilagay ko ang mga palad ko sa leeg ko saka ko hinawi pataas ang aking mahabang buhok na kulay ginto na may highlight na kulay blue. 'Isa kang dalawang klaseng maharlika hindi maari ito' gulat na sabi ng ahas at napatingin sya sakin at sa buntot ko 'Tatlong kulay ng buntot, hindi maari' "Ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo?" tanong ni Gray sa ahas. 'Ang dalagang magliligtas sa lahat ng lahi ng serena ay may roong kulay gintong buhok, tatlong kulay ng buntot at dalawang uri ng tatak' tapos bigla akong kinabahan at tiningnan nila akong lahat 'Hindi ko agad pinaniwalaan ang nakikita ko dahil maaring hindi ikaw yun ngunit ng makita ko ang iyong tatak napaniwala mo ako. Isa kang dalawang klaseng maharlika. Ikinagagalak kitang makilala' tapos lumuhod sya. Napanganga naman ako at nakita ko ang pagkaconfuse at pagkagulat ng mga kaibigan ko binigayn ko sila ng hindi ko alam ang nangyayari look at mukha naman naniwala sya. Noong isang araw lang lumabas ang tatak sa leeg ko, noong una hindi ko ito pinansin dahil hindi naman ito kapansinpansin malabo ito konti pero kulay blue ito noong una, at kahapon naging kalahating blue at kalahating gold ang naging tatak ko. Hindi ko alam ang ibig sabihin nun at pinagsawalang bahala ko ito sapagkat akala ko ay baliwala lamang ito. Pinadaan kami ng ahas at hindi na kami muli pang inabala, kahit ang mga alaga nya esti mga anak nya daw ay hindi din kami pinakialaman, nag give way sila sa amin. Maraming ahas nakakadiri pero no choice kami kundi dumaan sa pagitan ng isang tubig na punong puno ng mga ahas. Nang makalabas kami sa silid na yun ay bumungad sa amin ang isang maliit na batong silid, kulay brown ito at iba na rin ang sinasabi ng tubig dito, ito na ang pinaka dulo. Hindi madilim dito pero malamig, hindi to kaya ng isang normal na serenang gaya ko. Nakita kong may mga nakaukit sa kulay brown na pader at sa gitna noon ay may center circle, inner circle at outer circle. "Alam ko ang symbol na to ah" sabi ni Audrey at pumunta sa isang circle na may dahon na logo "Kung tutuusin star lang talaga at ang dahon na to ang symbol ng isang Prinsesa sa Green Palace" sabi nya at nakangiti sakin "Ito ang sumisimbolo sakin" sabi nya pa. "A leaf with steam, it symbolize as connection." tapos nilagay nya ang kamay nya sa likod nya at tumayo ng tuwid "May koneksyon ako sa lahat ng serena maliban lang sa Black Mermaid" nakangiti nya pang dagdag "Parehas lang kami ng kahulugan ni Gray" nakangiti nyang sabi at pumunta naman si Gray sa pwesto nya, nasa kaliwang likod ito ni Audrey. "Ito naman ang akin" sabi naman ni Noellie at tumayo sa simbolo na katabi ng kay Audrey "This is one of the ornament. Ang ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng sariling source. Ang utak ko ang source ko bilang prinsesa ng Indigo Palace, source ng lahat ang kakayahan na meron ako. Sakin sila kumukuha ng lakas" nakangiti namang sabi sakin ni Noellie. "Passion, dream, courage, capability and wisdom. Yan naman ang ibig sabihin ng symbol ko. Bilang prinsesa ng Purple Palace dapat meron akong Passion sa lahat ng gagawin ko, dapat meron din akong Dream sa lahat ng gagawin ko, Courage para gawin ang lahat ng kaya ko, Capability para maging isang leader at Wisdom na kailangang kailangan ng isang leader." mahaba nya pang paliwanag. "Ako naman po" masiglang sabi naman ni Seri habang natalon papunta sa simbolo nya "Ito ang akin may walong tangkay at isang bilog sa gitna. Ang nasa gitna ay ang palasyo namin samantalang ang mga tangkay nito ay ang mga iba pang palasyo. Bilang isang prinsesa kailangan kong maging huwaran sa lahat. Kahit bata pa lang ako sinasanay na ako ng mga elders sa amin na maging isang huwarang prinsesa" nakangiti nyang sabi. "Kahit nakakapagod masayang matutunan" "Ako na lang magpapaliwanag Riko ah?" "Sure" at pumunta sila sa simbolo nilang dalawa. "Isa tong bulaklak" nakangiti nyang sabi sakin "Bulaklak kung saan ang tatlong petals ay sumisimbolo sa apat na elemento. Hangin, apoy, tubig at lupa na ang ibigsabihin ay kalayaan, katapangan, kapayapaan at katarungan" nakangiti nya pang dagdag. "Ang apat na linya naman sa paligid nito ay ang apat na pilars ng Yellow Palace, ito ang apat na malalaking lungsod at pangunahing lungsod sa palasyo at ang nasa gitna ay sumisimbolo sa aming mga mamamayan ng Yellow Palace. Lahat kami sinensentro ang sarili sa apat na elemento" "Ang korona ang sumisimbolo bilang isang Golden Royalty kung saan kami ang namamahala sa lahat ng problema ng mga kaharian. Kami ang sentro ng lahat" paliwanag naman ni Miko. "Ang natitira ay ang Blue at Pink. Ang blue ay syang sumisimbolo sa kapayapaan ang Pink naman ay sa musika." "Ang kaibahan lang nito ate Rei ay ang pinaka simbolo. Sa aming mga Prinsesa ay bituin kung saan kailangan naming taasan ang mga kakayahan namin at sa mga prinsipe naman ay pentagon" -Seri "Sumisimbolo ang pentagon sa pagkakaroon ng walong elemento na makikita lamang sa mga lalaking serena" sabi naman ni Gray. Napanod naman ako. Okay. Mukhang naoverload ata ang utak ko ngayon sa sobrang dami ng information na nilabas nila sa akin ngayon. Tiningnan ko sila at nakatingin sila sa inaapakan nila kung saan sila ay nakangiti. "EH bakit sakin iba?" tanong ko sa kanila at nagkibit balikat naman ang iba maliban kay Miko. "Gusto mo malaman?" at nag nod naman ako. "Nagkakaroon ng dalawang marka kapag dalawang royalty ang nagkatuluyan" napanganga naman ako. "Pero hindi ako royalty!" sigaw ko. "Nakakalito pero malalaman din natin" nakangiting sabi ni Ceres. "Handa ka na ba malaman kung sino ka bang talaga?" tanong naman ni Karen at nag nod ako. "Dito ka sa gitna" nakangiting sabi naman ni Seri. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD