*The lost memories*
Amaya's POV
--
Lumangoy ako sa pinakagitnang bilog na tinuro ni Seri at pag apak na pag apak ko ay agad naman ding umilaw ang lahat ng simbolo. Ngumiti sila sa akin at kinabahan naman ako. Kasabay nun ay ang pagkakaroon ng lindo at saka kami napunta sa kawalan na karagatan. Halos magpanic ako dahil wala akong makitang kahit na ano, wala akong makita kundi malawak na tubig. Nakita ko ang mga kasamahan kong hindi nagpanic at nginitian ako na parang sinasabing huwag akong kabahan. Kahit na gusto ko mang hindi kabahan hindi ko pa rin naman maiwasan. Hindi ko gusto tong lugar na to, nakakatakot masyadong patay. Wala man lang kahit na anong nilalang na nandito, wala man lang kahit maliliit na isda.
'Huwag kang magpanic Rei' dinig kong sabi ni Miko sa isip ko. 'Nandito lang kami di ka namin iiwan'
Pumikit ako at kinalma ko ang sarili ko, hindi ko talaga alam kung bakit kumakalma ako sa isang sabi lang ng lalaking to. Nagayuma na ata ako dahil sa sobrang lakas ng impact nya sakin. Yung totoo? Dumilat ulit ako at saka ko nakita ang paligid, hindi na ito natural na tubig lang, nagkaroon ito ng mga imahe na gumagalaw.
'Amaya' napatigil naman ako sa boses na narinig ko. Tinitigan ko ang imahe na gumagalaw, isang lalaki ang nakita ko. 'Amaya kanina pa kita hinahanap'
'Kuya naman eh alam mo namang may ginagawa ako mamaya ka na mangulit'
'Sige na Maya maglaro na tayo'
Habang nakikita ko ang itsura nya sa karagatan may napasok sa isip ko. Siya siya ang nag iisa kong kapatid at hindi talaga ako dito nakatira sa karagatan, totoong galing ako sa lupa.
'Amaya may lakad tayo mamaya'
'Saan po grandma?'
'Sa office'
'Grandma naman eh akala ko po mamamasyal na tayo'
'Hahaha biro lang apo oo mamamasyal tayo'
Parang kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa nakikita ko, lola.
'Hoy babae ka bakit hindi ka na naman lumabas sa kwarto mo?'
'Sorry na Bea'
'Hindi walang Sorry sorry sa amin ngayon di ba Trix and Marga?'
'Ah ha dapat ilibre mo kami nila Marga at Bea'
'Oo nga wag ka nang kuripot samin nila Marga'
Bea, Trix, Marga. ANg mga close kong pinsan. Ang mga matalik kong kaibigan.
'Maya wala ka bang balak magpahinga? Twelve na oh'
'Mamaya na lang po tita Lor'
'kanina ka pa kaya dyan kuya mo nga tulog na oh'
'Okay lang po yan tito Mc'
Ang maunawain kong tita na kapatid ni daddy at matalik na kaibigan ni Mommy at ang tito kong asawa ni tita Lor na sobrang bait. Nagbago ang mga imahe at napunta sa isang pangyayaring nagpabago sa buhay ko. Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak dahil sa nakita ko. Nakita ko ang isa sa maid namin na naliligo sa dugo, tumakbo ako sa office ni lola at nakita ko sila Trix na naliligo rin sa dugo nila pati si tita at tito.
'Umalis ka na dito Maya'
At nakita ko na lang ang sarili kong nahuhulog sa bangin.
At biglang bumalik sa dati ang paligid. Hindi ko nakayanan nanghina ang mga buntot ko at napaupo ako saka natulala.
"Oh my gosh" dinig kong sabi ni Audrey.
"Wh-what the hell is that?" tanong naman ni Ceres.
"Wala na sila Trix, sila lola, sila tito ang kuya ko. Hindi ako isang mermaid. Isa akong tao. Paano ako napunta dito" sabi ko at humawak sa buhok ko. "Anong nangyayari sakin?" umaiiyak kong dagdag.
"Rei" dinig kong sabi ni Miko at tiningnan ko sya pinunasan nya naman ang mga luha ko "Isang piraso pa lang to ng mga dahilan kung bakit ka nandito, isa rin sa piraso nun ay para maging parte ka ng grupo namin" dagdag nya pa.
"Oo nga pero Rei, condolence" sabi naman ni Riko.
"Ang sama nila" dinig kong sabi ni Seri at humikbi "Bakit nila ginawa yun. Ang sama nila hindi dapat nila sinasaktan si ate Rei, mabait si ate Rei bakit nila sinasaktan si ate Rei" at umiyak na sya ng todo. Lumangoy ako papunta kay Seri "Mabait ka ate Rei eh di mo to deserve" umiiyak nyang sabi at niyakap ko naman sya habang naiyak din ako.
"Mabuti pa bumalik na muna tayo" sabi ni Gray at nag agree naman kami.
Inilibot namin ang paningin namin at nakita namin ang isang pinto. Lumangoy kami dun at saka namin binuksan, pagbukas namin nakita namin ang isang malawak na field. Field na nasa labas lang ng bahay namin ni ate ELena. Nakita kong nasa labas sila at hinihintay may mga kasama pa sila.
"Thank goodness nakalabas na kayo" sabi ng isang babae at yumakap kay Ceres.
"Ina pasensya na po kung hindi ako nagpaalam"
"Hindi na mahalaga iyon"
"Ina pasensya na rin po" dagdag naman ni Ceres.
Napalingon naman kaming lahat kay Seri ng malakas siyang umiyak sa kanyang ina kaya naman naiyak ako. Buti pa sila may magulang pa.
"Ina ang sama nila Ina"
"Seri anak bakit?"
"Ina sinaktan nila si ate Rei. Ina mabait si ate Rei pero sinaktan nila" Huminga naman ako ng malalim at pilit kinakalma ang sarili. "Ina masasama sila pinatay nila pamilya ni ate Rei" yan ang huling sinabi ni Seri bago sya mawalan ng malay.
Nakatingin silang lahat sakin at naramdaman ko namang may yumakap sakin.
"Sige na iiyak mo lang wag mo nang pigilan" dinig kong sabi ni ate Elena.
Napaiyak naman ako ng tuluyan wala akong pakialam kahit na nandito pa ang ibang mga Hari at Reyna pati na rin ang mga kaibigan ko. Masakit sobra.
---
'Rei kaya mo pa ba?'
'Parang oo parang hindi'
'Rei gusto mo pa ba akong makilala?'
'Hindi ba ako masasaktan kung makikilala kita?'
'Hindi'
'Sige gusto kita makilala'
'Pero Rei magpalakas ka muna'
'Bakit?'
'Malapit na Rei. Malapit na ang digmaan at sa oras na yun malalaman mo kung bakit ka nandito sa mundo naming mga serena at kung bakit ka naging serena'
'Alam mo ba ang dahilan?'
'Oo Rei pero wala akong karapatang sabihin sayo'
'Masasaktan na naman ba ako?'
'Maaring oo maaring hindi. Gumising ka na Rei'
Iminulat ko ang mata ko at nakita kong nasa pamilyar ako ng kwarto. Umupo ako at tumingin sa kalangitan kusa na namang lumuha ang mga maa ko.
"Gising ka na pala"
"Ate"
"Shh wag ka na magsalita magpahinga ka na lang. Ito ang pagkain oh dinalhan kita. Sinabihan din ako ni Mimite na kahit hindi ka daw muna pumasok okay lang" nakangiti nyang sabi.
Naalala ko naman si Seri.
"Ate kumusta si Seri?" tanong ko at ngumiti naman sya sakin.
"Okay na si Seri. Nasaktan lang yun sa mga nakita nya" sabi nya sakin at nag nod naman ako "Pupunta sila dito mamaya okay lang ba sayo?" umiling naman ako "Bakit?"
"Gusto ko muna mapag isa ate kung pwede sana ikaw na lang muna ang makakakita sakin. Next week papasok na po ako paki sabi kay ate Mimi" ngumiti naman sya ulit sakin.
"Okay sige kung yan ang gusto mo" at lumangoy sya palabas ng kwarto ko.
Amaya Rei nga ang pangalan ko pero hindi Selene ang apilyido ko, hindi ako isang serena kundi isa akong tao, hindi ko alam kung bakit ako nandito sa lugar na to, hindi ko alam. 'ka'y dapat pangalagaan sapagkat malaki ang iyong maiaambag sa darating na digmaan. May madilim at may maliwanag na landas ang nag aabang sa iyo' mukhang alam ko na kung bakit ako nandito. Kailangan kong tumulong pero paano ako naging kagaya nila? Sino ang babae sa panaginip ko? Bakit lagi nya na lang ako ginagabayan? At ang pamilya ko sa lupa wala na ba talaga sila?
"Hindi nga kasi muna pwede bakit ang kulit nyo?" dinig kong sigaw ni ate Elena sa labas.
"Gusto nga kasi namin syang makausap ate" kilala ko yun si Ceres yun.
"Ayaw nya munang makipag usap kahit kanino pasensya na hindi pwede"
"NO. Gusto nga kasi naming makausap si ate Rei!" Seri bakit ang bait mong bata ka? "ATE REI NANJAN KA DIBA? ATE REI GUSTO KA NAMING MAKAUSAP. ATE REI NAMAN HUWAG KA NAMANG GANYAN NANDITO NAMAN KAMI EH HUWAG MO NAMANG SOLOHIN YANG NARARAMDAMAN MO ATE REI" dinig kong sigaw ni Seri.
Napatakip ako ng tenga ko, bakit ako? Bakit ako nagkakaganito? Napahagulgol naman ako ng iyak at kasabay nun ay ang pagkabukas ng pinto ng kwarto ko. Bakit nasasakta ako ngayon? Anong nagawa kong mali? Nakita ko silang papalapit sakin at niyakap ako, hindi ko alam pero napahagulgol talaga ako ng iyak.
"Nandito lang kami Rei di ka namin iiwan" dinig kong sabi ni Audrey.
"Kahit masakit kami sa ulo, kahit na maingay kami hindi ka namin maiiwan na ganito" sabi naman ni Ceres.
"Kahit nagmamaldita ako lagi ayoko namang makita kang ganito Rei" sabi naman ni Karen.
"Hindi ka nag iisa Rei kasama mo kami" -Noellie.
"Ate Rei, hindi mo naman pinagsisisihan na nandito ka di ba?" sabi naman ni Seri "Kung hindi ka napunta dito baka kasama mo na ang lola mo sa kabilang buhay pero ate Rei sana hindi mo inisip na sana hindi ka napunta dito kasi masaya kaming nandito ka na nakilala ka namin" -Seri.
Mas lalo naman ako napaiyak sa sinabi nila.
"Hindi rin ako maiinlove kung wala ka dito"