✘Eleventh Adventure

1691 Words
*Announcement* Amaya's POV Mahigit ilang buwan na rin simula ng malaman ko kung sino talaga ako. Bukod sa mga magulang esti sa mga Hari at Reyna ng mundong to at sa mga kaibigan ko kay ate Mimi at kay ate Elena wala nang nakakaalam pa ng sikreto ko. At ang babaeng napapanaginipan ko ay nakakausap ko na rin sya ng matino hindi kagaya dati na iilan lang ang sagot nya. Malapit ko na daw sya makilala dahil malapit na raw mangyari ang laban, kahit anong laban daw ay magagamit ko ang kapangyarihan nya. Sabi nya pa sakin hindi naman daw sa pagyayabang nya pero malakas daw talaga sya. I mean ang kapangyarihan pala nya. "Kanina ka pa ba dito Rei?" tanong ni Audrey sakin at umiling naman ako. "Halos kararating ko lang din, anong balita? Bakit parang busy ka? Asan sila Ceres?" agad agad kong tanong at nag pout naman sya. "Ang dami mo namang tanong eh" sabi nya at naupo sa harap ko. "Sila Ceres kausap ni Head Mistress" hindi namin pwedeng sabihin ang pangalan ni HeadMistress dahil papatayin daw nya kami pag may nakarinig nun in public, delekado daw eh sabi nya. "At busy ako kasi mag-co-coming of age na ako ay mali kami pala ni Gray." "Coming of Age?" "Yep. Isa iyon sa tradisyon dito para sa mga Prinsesa at Prinsipe or kahit hindi royalties. Kung baga sa inyo debut" sabi nya at nag nod naman ako. "Invited ba kami?" mapagbiro kong sabi at nag pout na naman sya. "Oo naman sino bang hindi? Kahit makalimutan nyo pa ang invitation nyo tanggap na tanggap kayo!" sabi nya. Natawa naman ako sa kanya. Ang swerte ko pa rin pala kahit papaano. Kahit na hindi ko na makakasama ang mga mahal ko sa buhay ay nandyan pa rin tong mga kaibigan kong baliw para damayan ako at tingnan mo tong si Audrey kahit gaano pa sya kabusy ay nahanap pa rin sya ng paraan para makausap ako. "Mamaya sasabay ako sa lunch ha? Pakisabi sa kanila. Hindi lang pala ako kaming dalawa ni Gray" nag nod naman ako sa sinabi nya at tumayo na sya "Mauna na ako ha?" nag nod ulit ako at kiniss nya ako sa pisngi at lumangoy palayo sakin. Napailing naman ako sa inasal ni Audrey talaga naman ang babaeng yun napakasweet hindi ko alam kung anong nangyari dun. Napastiff na lang ako ng may kamay na tumakip sa mata ko pero base sa amoy nya alam kong si Miko to. "Kahit takpan mo pa alam kong ikaw yan Miko" nakangiti kong sabi. "Ang daya naman bakit nahulaan mo agad?" at kiniss nya ako sa noo. "Kasi kilala kita" Simula noong umamin sya sakin ay nagbago na si Miko, hindi na sya suplado. Naalala ko tuloy noong nagconfess sya sakin halos malaglag ang panga namin sa sobrang gulat at ang mga babae naman na pangalanan na lang nating Ceres, Karen, Noellie, Audrey at Seri ay ayun halos matanggal ang bawat parte ng katawan ko dahil sa pagyugyog at paghampas sakin sa sobrang kilig na nadarama nila.  Ako naman? AYun di naman agad nakapagsalita. Niligawan nya ako sa loob ng dalawang buwan at ngayon? Kami na. Mabilis ba? Hindi naman. Nginitian nya ako at ganun din naman ako sa kanya. Napatigil naman kami ng makarinig kami ng hiyawan, hindi galing sa mga hindi namin kilala kundi galing sa mga kaibigan namin. Binato ko sila ng libro at natawa naman sila sa ginawa ko. "Para kayong mga timang dyan" sabi ko at tumawa naman sila bago lumapit sa amin ni Miko. "Kasi naman nakakakilig kayo eh to the max alam nyo yun?" sabi ni Ceres. "Alam nyo bang nakakakilig kayo kahit na tingnan lang namin kayo ha?" sabat naman ni Karen. "Oo alam namin halata naman sa inyo eh" bored namang sabi ni Miko. "Bakit kapag kay Rei hindi ka ganyan makipag usap tapos samin, ang mean mo ah" sabi naman ni Noellie at natawa ako. "Si kuya Miko inlove na inlove kay ate Rei hahaha" "Hoy ikaw bata ka ilang taon ka na ba at ganyan ka na makapagsalita?" sita ni Miko at naghabulan ang dalawa kaya naman natawa kami. Habang nagtatawanan kami ay may lumapit naman sa amin na isang estudyante na halatang natatakot sa amin. Nginitian ko naman sya kaya naman parang nawala ang takot nya kahit na kakaunti. "Bakit?" tanong ko sa kanya ng malumanay. "Ah pakisabi daw po sa mga student na pumunta daw po sa auditorium sabi ng HeadMistress" at yumuko sya. "Thank you" sabi naman ni Seri at niyakap ang babae "Mauna na po kami ah? Salamat sa pag inform" sabi nya pa. Nakita ko namang napasamid sila sa sagot ni Miko kaya naman natawa ako. Naglakad kami at bawat madadaanan namin ay kinakausap nila na pumunta sa auditorium nang wala na kaming makitang student ay lumangoy na rin kami papunta doon. Pagdating namin ay ready na ang lahat na makinig, nakaupo silang lahat at hinihintay ang nagpatawag sa kanila. Feeling ko hindi isang teacher ang magsasalita ngayon, feeling ko si ate Mimi kaso parang impisible ata dahil sa hindi nagpapakita kahit kanino si ate Mimi. Pero halos malaglag ang panga namin dahil literal na napanganga kami ng makita si ate Mimi na lumabas at pumunta sa pinaka unahan. "Good morning students. I'm Mimite the secretary of the Head Mistress" nagkaroon ng mga bulungan dahil sa nakita nila, karaniwan kasi hindi nagpapakita ang secretary at head mistress. Akala nila secretary lang yang kaharap namin sus yan kamo mismo ang head mistress "Nandito ako ngayon upang sabihin sa inyo ang gustong sabihin ng head mistress. Ako ang personal na magsasabi ng gusto nya." Hindi ko alam kung anong trip nitong si ate Mimite eh ang gusto nya naman talaga ang sasabihin nya. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at napakibit balikat naman sila ibig sabihin pare parehas kaming walang alam sa mga sasabihin ni ate Mimi. "Hindi talaga namin alam ng head mistress kung dapat ba talaga namin sabihin to dahil baka magpanic kayo ngunit hindi din naman maaring wala kayong nalalaman. Ang mga black mermaids nag uumpisa na sila sa mga binabalak nila." at gaya nga ng sinabi ni ate Mimi nagpanic nga ang iba nakakitaan ko ng takot sa mga mata "Huwag kayong mag alala dahil mas lalo pa naming paiigtingin ang mga seguridad sa akademya at ang hari ng Golden Palace ay handa ding tumulong upang maprotektahan kayo habang nagpapalakas kayo" dagdag pa ni ate Mimi para naman hindi matakot ang iba, may ilang kumalma may ilang namang hindi nakuntento "Sa ngayon kaming dalawa ni Elena" at lumabas si ate Elena sinamahan si ate Mimi sa stage napanganga kami ngayon literal "Kaming mga top knight mermaid ang tutulong sa inyo maging malakas. Sana tulungan nyo rin kami at ang mga sarili nyong magawa ang dapat natin gawin, kumikilos na ang mga black mermaid kailangan na rin nating magpalakas upang walang sino man ang makapagbuwis ng buhay" May mga usap usapan akong narinig na silang dalawa ang nag top noong nandito pa lang sila sa GdoubleA sila ang pinaka magaling sa lahat ng magagaling, hindi ko alam kung dapat ba ako matakot dahil sa narinig ko at sila ang magtuturo o matuwa dahil alam nila ang kapasidad ng kapangyarihan ko. "Silence" sabi ni ate Elena at natahimik naman ang lahat "TO all students dapat maging responsable kayong lahat at sa mga Royalties" sabi ni ate Elena at tumingin sa amin "Meet us in Head Mistress' Room may kailangan syang sabihin sa inyo. Dismiss" Unti unti nang nawala ang mga estudyante dito sa loob ng auditorium at hindi din naman namin namalayan na nakaalis na pala si ate Mimi at ate Elena sa stage, ganun ba talaga sila kalakas para hindi kaagan mapansin? Jusmiyo grabe naman ata to. Walang nagsalita sa amin na kahit isa. Magkahawak lamang kami ni Miko ng kamay at si Gray, Audrey, Ceres at Seri naman nasa harapan namin nasa likod naman namin sila Karen, Noellie at si Riko. Pagdating namin sa harap ng head mistress office parang gusto atang kumawala ng puso ko sa sobrang kaba at hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang kamay ko hindi ko pa malalaman kung hindi hinigpitan ni Miko ang pagkakahawak nya. Pagpasok namin ay agad naming nakita si ate Elena at ate Mimi na seryosong nakatingin samin napalunok naman kami ng laway dahil sa sobrang seryoso ng mukha nila na parang may hindi magandang nangyari. "Kailangan nyong pumunta sa Orange Palace ngayon" agad na bungad ni ate Elena sa amin. "Bakit po ano pong nangyari sa palasyo ko?" inosenteng tanong ni Seri. Hindi alam nila ate Elena kung dapat bang sabihin kay Seri o hindi. May tinatago sila sa amin base sa nakikita ko sa mga mata nila. "Huwag na po kayo magsinungaling kay Seri, may hindi po magandang nangyari sa Orange Palace no?" sabi ko at nagkatinginan naman sila sa akin. "Tama ka Rei" sabi ni ate Mimi at napahinto naman kaming lahat "Sumugod ang black mermaids sa kaharian ng mga kahel at kayo kayo papapuntahin dun para agawin ang isang parte ng kaharian na nakuha ng black mermaid. Isa itong maliit lamang na parte ng Orange Palace kaya akala ng mga serena at sereno doon ay hindi na sila tutulungan" Tumingin si ate Mimi kay Seri "Handa mo ba silang iligtas Seri?" "Kung nasa panganib ang nasasakupan ko handa kong ibuwis ang buhay ko para lamang maligtas sila" sagot naman ni Seri sa kanya. Nagulat ako sa naging sagot nya. Hindi ko akalaing ang isang pitong taong gulang na babae ay makakasagot nang ganoon. Kung sabagay isa siyang prinsesa at sinanay siya upang unahin ang nasasakupan nya. Pinagpala ang mga nakatira sa kaharian nya na may ganiyang klase silang prinsesa. Agad kaming umalis at lumangoy palabas ng atlantis o mas kilala bilang Golden Palace. Hindi namin alam kung kelan ito matatapos pero sana kahit bago mag Coming of Age sila Audrey ay magawa na namin. Bago din kami umalis kanina binigyan kami ni ate Elena ng mga sandata, hindi pa kasi talaga namin napapalabas ang mga natural na sandata namin. Sa araw na to magsisimula ang aming paglalakbay, may dalawangpu't siyam pang buwan bago ang coming of age nila Audrey at balak naming tapusin ito sa lalong madaling panahon, sa madaling salita may one month lang kami para matapos ito. May dalawang kaharian kaming dadaanan bago kami makapunta kila Seri at sana naman ay hindi maging malala ang pagdating namin doon. Tiningnan ko ang malawak na karagatan, walang kahit na anong kabahayan na nandito. Tumingin ako sa taas at kitang kita ko ang sikat ng araw na nandoon. Sana magawa namin to ng walang napapahamak at sana wala kaming makasalubong na black mermaid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD