*First encounter and the journey to the Yellow Kingdom*
Amaya's POV
Kakalabas lang namin sa kweba na pansamantalang pinaglipasan namin ng gabi, may dalawampu't walo na lang kaming araw bago ang age of coming nila Audrey kailangan na naming magmadali. Buti na lang din pumayag ang isang nilalang na magpalipas kami sa lugar nya napakabuti nya.
Nagmamadali kaming lumangoy upang makarating kaagad sa Yellow Palace, isa yun sa madadaanan naming palasyo bago makapunta kila Seri at ang isa naman ay ang Purple Palace kung saan isang Prinsesa si Karen.
Siguro kaya rin close sila Karen, Seri, Ceres at Riko ay dahil sa magkakalapit lang ang kaharian nila. Hindi kami umiimik habang nalangoy kami dahil sa mapanganib baka may makarinig sa amin. Habang nakafocus kami sa paglangoy ay napatigil kami ng may humarang na dolphin.
'Mga prinsesa at prinsipe huwag po muna kayo tumuloy mapanganib' dinig kong sabi nya.
"Ano ang iyong ibig sabihin?"
'Mahal na Prinsesang Ceres may pangilan ngilang mga black mermaid sa paligid' sagot naman nya.
"Kung merong mga black mermaid dito bakit nandito ka at hindi nagtatago"
'Mahal na Prinsipeng Riko, ginagamit nila kami upang mas mapabilis ang pagsakop nila sa kaharian ng Dilaw'
Agad naman kaming napatigil sa sinabi ng dolphin at imbis na makinig kami ay pinaalis na namin sya at saka kami nagmadaling lumangoy napatigil lang kami ng may humarang sa dinadaanan namin at otomatiko naman silang napagcircle at ako ang nasa gitna.
"Tingnan nyo naman ang swerte natin mga mahal kong kapatid" at may nagsilabasan na apat pa sa tabi nya "Ang mga Prinsesa at Prinsipe" sabi nya pa.
Napatingin silang lahat sa buntot ko at nakita ko ang pagkagulat ng makita rin nila ang mukha ko, anong meron?
"Kung sinusuwerte ka nga naman oo may isa pang kakaibang serena na kasama ang mga Prinsesa, ano kaya ang magiging premyo namin kapag naibigay namin kayo sa aming mahal na Hari?" sabi naman ng isa pa.
Dalawang lalaki at tatlong babae, meron silang mga itim na buhok, itim na shell para sa mga babae para matakpan ang hinaharap nila at may itim din silang buntot patalandaan na isa nga silang black mermaid. Hindi sila nag aksaya ng panahon at agad silang sumugod sa amin, kahit na marunong akong magphysical combat kung hindi ko pa naman nakokontrol ang kapangyarihan ng babaeng yun hindi ko pa rin to magagamit ng maayos.
Nakita kong nakikipaglaban sila Riko, Miko, Ceres, Karen at Noellie samantalang kami nila Audrey, Gray at Seri ay nakastandby lang kung sakaling kailangan ng tulong namin. ANg akala namin hindi kami mapapalaban pero may ilang mga black mermaids and mermans na nasa harapan namin ngayon at napapalibutan nila kami. Apat din sila. No choice kami nila Gray kung hindi ang lumaban.
Agad kong inilabas ang spear na binigay sakin ni ate Elena, hindi ko akalaing magagamit ko to ng ganito kaaga. Agad akong nakipagpalitan ng atake sa mermans na kalaban ko, agrabyado ako dahil sobrang lakas nito sa physical pero kaya ko pa rin naman makipagsabagayan sa kanya dahilan para magulat sya.
'Rei'
'Rei release me Rei'
'How?'
'Rei isipin mong nilalabas mo ang kapangyarihan ko'
'Anong kapangyarihan mo?'
'Malalaman mo rin pero mag isip ka ng isang kapangyarihan. Kaya mo yan' sabi nya pa.
Habang nakikipagpalitan ako sa kanya ng atake gamit ang spear ko ay pumikit ako. Bago ko ipikit ang mata ko nakita ko ang confusion sa mukha nya at the same time ang tuwa dahil sa parang ang akala nya ay sumusuko na ako. Huh ano ako baliw para sumuko sa kanya? No way! Agad kong dinilat ang mata ko at nakita kong pasugod na sya sakin kasabay nun ay ang pag ilaw ng center ng spear ko at agad na naging isa syang yelong merman, gaya ng ginawa ko sa kanya ganun din ang ginawa ko sa mga kalaban ng mga kaibigan ko hindi ko lang nagawa sa isang mermaids dahil sa nagawa nyang ilagan ang mga atake ko.
"HUMANDA KAYO BABALIK AKO AT PAPATAYIN KO KAYO GAYA NG MGA GINAWA NYO SA KAPATID KO AT PATI NA RIN SA MGATAPAT KONG ALAGAD! HUMANDA KANG BABAE KA PAPATAYIN KITA" nag echo sa buong lugar namin ang sigaw nya.
Sa hindi ko malamang dahilan ay parang nanginig ako hindi dahil sa takot at pangamba sa sinabi nya agad namang lumapit ang mga kaibigan ko.
"Okay ka lang Rei?" tanong sakin ni Riko at nag nod naman ako.
"Ate Rei ang galing mo talaga idol na idol talaga kita" masayang sabi ni Seri sakin na akala mo kumikinang ang mga mata nya.
"Rei pano mo nagawa yun?" tanong ni Miko at tiningnan ko naman sya ng pagtataka.
"Hindi ko din alam kung bakit basta inisip ko na maging yelo sya yun na yun" sagot ko. I lied. Half lie lang naman yun. Totoong inisip kong maging yelo ang mga kalaban pero hindi totoo na hindi ko alam.
"Rei may hindi ka ba samin sinasabi?" tanong ni Noel at ngumiti naman ako.
"Sorry hindi pa ako ready sabihin" sabi ko naman "Kapag alam ko na saka ko sasabihin, kapag napatunayan ko na" sabi ko naman.
Ang kaninang mukha nila ng confuse ay napalitan ng ngiti at saka kami nagpatuloy sa paglangoy. Hindi ko alam kung pinagkakatiwalaan ba talaga nila ako pero pinagkakatiwalaan ko sila ng buo kahit na hindi sila sigurado kung ano ba talaga ako. Once na malaman ko kung sino ang babaeng tumutulong sakin doon ko lang malalaman kung bakit ako nandidito sa lugar na to. Kung ano ang koneksyon ko sa digmaan na nandito sa dagat at sana malalaman ko din kung bakit ako naging serena.
Habang tumatagal ang paglangoy namin mas lalong nagiging malalim ang nilalangoy namin at medyo lumalamig na rin pero tama lang para sa aming mga serena at sa tingin ko ito na ang pinaka malamig sa ganitong klaseng kalalim na lugar at ganito lang kalalim ang mga kaharian, base sa nabasa ko sa history book.
"Pagod ka na ba?" tanong sakin ni Miko at umiling naman ako "Kung pagod ka na magsabi ka ha? Para naman makapagpahinga tayo kahit konti" napangiti naman ako.
"Hindi pa ako pagod at sa tingin ko mas okay kung sa Yellow Palace na tayo mismo magpahinga feeling ko mas safe tayo doon kesa sa mga ganitong klaseng lugar" sabi ko naman sa kanya at nag nod naman sya bilang sagot saka nagsalita.
"Kung sabagay tama ka hindi din naman kasi madaling matulog kapag alam mong di ka safe" pag sang ayon naman nya sakin at ngumiti ako at nginitian din naman nya ako.
Natigil kami sa pag uusap ng sumabat si Riko at si Audrey, hindi ko alam kung anong trip ng dalawang to eh. Si Riko mas matanda sya kay Audrey ng isang taon pero dahil sa kalokohan ni Riko ayan magkakasama sila sa iisang taon sa paaralan.
"Ano ba naman yan di porque may love life ay mang iinggit na" sabi ni Audrey at tumabi pa talaga samin ni Miko "Huwag mo namang ipamukha sa amin na zero love life namin"
"Ikaw lang naman ang zero ang love life sa atin Drey eh"
"Hoy aba porque marami kang babae? Counted ba sila ha? Hindi naman di ba?"
"Oo hindi sila counted kasi iisa lang naman ang Audrey ng buhay ko eh"
"Bwisit to dont me ah Riko di sayo bagay ew" at nauna nang lumangoy si Audrey.
Nagkatinginan kami maliban kay Audrey. Nabasa ko sa mga mata ni Riko na parang nasaktan sya at nakita ko rin naman ang pagkaconcern sa mata ni Ceres para kay Riko. Si Karen naman at Noellie napailing na lang dahil sa inasal ni Audrey at si Gray naman naiiling na tinitingnan si Audrey, si Seri naman natatawa kay Audrey at lumanoy na rin papunta kay Audrey.
"Kambal ko ba talaga yun?" tanong ni Gray samin na ikinataas ng kilay namin "Kasi naman eh ang sungit" at nag tawanan naman kami.
"HOY ANO WALANG BALAK GUMALAW? ABA" sigaw samin ni Audrey kaya mas lalo kaming tumawa at lumangoy papunta sa kanya.
Kagaya kanina wala ding nagsalita sa amin habang nalangoy, si Seri at Audrey magkahawak ang kamay ganun din naman si Noellie at Karen si Riko naman at si Gray nasa likod ni Ceres at kami naman ni Miko ano hehe magkahawak din kami ng kamay katabi namin si Gray.
Kung kanina malamig dahil sa open ang area na yun ngayon naman napangiti kami dahil sa umiinit na konti ang klima ibig sabihin malapit na kami sa Yellow Palace at nagkakaroon na rin ng pakonti konting mga corals kaya naman medyo safe na rin ang feelings ko.
Hindi katagalan at naaninag na rin namin ang Yellow Palace pero hindi maganda ang nakikita namin sa view na kinaroroonan namin, nasa ilalim namin ang Palasyo at nakikita naming may ilang bahagi na inaayos. Tiningnan ko si Ceres at Riko at nakita ko ang pagkaconcern sa mga mata nila para sa mga serenang nakatira sa palasyo nila. Kung tutuusin ang Palace ay hindi talaga literal na palasyo, I mean isa kasing Kingdom ito, puro mga Yellow mermaids and mermans ang nakatira dito at may isang malaking palasyo sa gitna.
Kaagad naman kaming lumangoy pababa at nakikitaan ko rin ng takot sa mata ni Ceres at pagkaconcern naman kay Riko. Kung sabagay bakit ba hindi nila mararamdaman ang takot at pagkaconcern kung mismong kingdom ay mali hindi pala kingdom ang gamit nilang word dito, kaya sila nakakabigay ng ganyang reaksyon ay dahil dito sila nakatira, dito sila lumaki, ito ang mahal nilang Yellow Palace.
Pagbaba na pagbaba namin at nang makapasok kami sa loob ng barrier ay hindi lang pala isang maliit na parte ang nasira kundi malaki din pala. Pati kami nakaramdam na din ng lungkot, takot at concern. Lumapit si Ceres sa isang matandang babae na nakaupo.
"Manang okay lang po ba kayo?" naiiyak na sabi ni Ceres, iniangat naman ng matandang serena esti ni lola ang mukha nya at saka ngumiti sa amin.
"Pasensya na mga prinsesa at prinsipe wala po kayong dapat ipag alala maayos lang po ang kalagayan ko napagod lamang ako"
"Napagod? Pero hindi naman po kayo nagtatrabaho hindi po ba?" nag aalala ring tanong ni RIko.
"Hindi naman ako maaring hindi tumulong mahal na prinsipe dahil hindi ko kayang tumunganga." sagot naman ng matanda sa kanya.
Nagkatinginan naman kami at may gusto sana kaming itanong pero naunahan kami ni Seri, itong batang to akala mo talaga hindi seven years old. The way mag tanong I mean the way ng tono ng tanong nya parang superior pero kung sabagay prinsesa sya natural na yun sa kanya.
"Lola ano po bang nangyari dito?" tanong ni Seri.
"May black mermaids na nakapasok, hindi namin alam kung paano pero nakapasok sya ng walang kahirap hirap at nagtanim sila ng bomba sa iba't ibang parte ng palasyo." malungkot na sabi sa amin ni lola.
"Huwag po kayo mag alala lola hindi na po namin papayagang mangyari ulit to. Kami po ni kuya ang poprotekta sa inyo"
"Maraming salamat Prinsesa Ceres"
"Wala pong anuman, sa ngayon po magpahinga ka na muna hindi ka na po maari pang gumawa ng kahit na ano maliban sa pag papahinga."
"Pero Prinsesa"
"Wala na pong pero pero, utos ko po yun sayo magpahinga ka na po"
"Okay" at yumuko sya bago lumangoy palayo sa amin.
Isang malaking buntong hininga ang binigay ni Ceres at nilingon nya kami pero may ngiti hindi nga lang ngiting sobrang saya dahil may lungkot din sa mga mata nya.
"Welcome to Yellow Palace. Sorry kung ganito pang kalagayan ang nakita nyo sa palasyo namin" malungkot na sabi ni Ceres.
"Ano ka ba Ceres? Baliw ka ba? Wala samin kung ganito man ang nakita namin. Ang mahalaga walang nasaktan." sabi naman ni Karen.
"Paano mo nalamang walang nasaktan?" tanong ko naman sa kanya.
"Alam ko kung may nasaktan o may namatay sa paligid ko, I mean sa sakop sa isang daang metrong kakayahan ko" sagot nya naman sa akin at nag nod ako sa kanya.
Astig may iba pa pala silang kapangyarihan? Iba talaga ang royalties matatalino, magagaling at higit sa lahat malalakas isama mo pang mababait silang mga Prinsesa at Prinsipe, ibang klase. Lumangoy kami papunta sa pinaka sentro nito at yun ay ang palasyo mismo nila Ceres. Kapag may nakakakita sa amin ay agad agad silang yumuyuko at nag bibigay galang, naiilang ako di naman kasi dapat ako kasama sa ginagalang nila.
Pero gaya ng naencounter ko sa Golden Palace pinagtitinginan din ako at pinagbubulungan syempre dahil saan pa? Dahil sa butot ko at isama mo pang magkahawak kami ng kamay ni Miko instant usap usapan na naman oh di ba?
Tumigil kami sa harap ng gate ng palasyo at binuksan ito nang makita kung sino ang nasa labas at tiningnan ko ang arko na nasa loob nito nakalagay sa pinaka gitna ang crest ng Yellow Kingdom, isang bilog na pinagsamang pentagon at bituin at ang kanilang simbolo kulay dilaw ito ngunit hindi masakit sa mata, sa kaliwa nito nakasulat ang Yellow at sa kanan naman ay Palace.