✘Thirteenth Adventure

2163 Words
*The Yellow Palace* Amaya's POV "Maligayang pagbabalik Mahal na Prinsesa Ceres at Mahal na Prinsipe Riko" magalang na sabi ng isang taga silbi "Maligayang pagdating sa aming kaharian mga mahal na Prinsesa at Prinsipe, maging sa iyo binibini" sabi pa nya, napangiti ako dahil sa hindi nya ako kinikilala bilang prinsesa gusto ko tong babaeng to. "Aile maari mo bang ihanda ang silid ko at silid ni Riko sapagkat sa silid namin matutulog ang aming mga kaibigan" "Masusunod po Mahal na Prinsesa" "Ah Aile nasaan nga pala sila Ama?" tanong naman ni Riko at sinagot ito ni Aile bago umalis. "Nasa kanyang pribadong silid Mahal na Prinsipe, sa loob ng kaniyang throne room" magalang nitong sabi at umalis na. Kami na lang ang naiwan dito sa malawak na pasilyo at napabuntong hininga naman si Riko, wala ngang sira dito sa loob ng palasyo pero sa labas naman ay may roon. "Nakakainis" napatingin kaming lahat kay Ceres "Nakakainis bakit ba nangyari to" tapos napasalampak sya sa sahig habang hinahampas ang kanyang buntot sa sahig "Wala man lang akong nagawa" naiiyak nyang sabi at tumingala ngunit nakatakip ang mukha gamit ang kaniyang palad. "May nagawa ka Ceres" dinig kong sabi ni Noellie "Kinalaban mo ang isa sa gumawa nito" sabi naman nya at tumingin ako sa kanya ng may pagtataka "Ah oo nga pala. May kakayahan akong malaman kung sino ang may gawa ng isang bagay, ibig sabihin kaya kong bumalik sa nakaraan ngunit sa loob lamang ng isang araw" sabi naman nya at nag nod ako. "Totoo ba yan Noel? Hindi mo lang ba pinapagaan ang nararamdaman ko?" naiiyak na tanong ni Ceres habang nakatingin kay Noel. "Mukha ba akong nagbibiro Ceres? Ang kalaban natin bago mapunta dito sila ang may gawa noon" pagdedepensa pa ni Noel sa sarili nya. "Siguro bago natin kausapin sila tito Christ ay pwede magpahinga na muna tayo" pagsasabi ni Karen. "Napapagod na ko mga ate at kuya pahinga muna tayo" sabi naman ni Seri at nataranta ako dahil sa bigla na lang syang nahimatay. "My goodness" bulalas ko at lumangoy sa kanya ng mabilis at saka ko sya nasalo "Hala anong nangyayari kay Seri?" taranta kong sabi. "Natutulog lang yan Rei huwag kang mag alala" sabi naman ni Gray at binuhat si Seri. "Tara na magpahinga na tayo" sabi naman nya at nagsimula nang maglakad. Habang naglalakad kami sa hallway may mga nadadaanan kaming mga tagasilbi at kawal at kusa silang gumigilid at yumuyuko para magbigay ng galang sa mga kasama ko, nakita ko nga rin ang pagtataka anang makita nila ako eh. Kung sabagay yung buntot ko nga naman kakaiba. Kahit na isa itong Yellow Palace hindi ko pa rin makita ang pagiging yellow nito, pano ba naman kasi kulay white ang dingding di ba dapat yellow? Pero kung sabagay masakit sa mata ang yellow kapag nasobrahan. Pero yung mga lining sa bawat parte ng palasyo ay kulay dilaw kaya naman hindi pa rin nawawala ang kulay dilaw sa palasyong ito. Nang makarating kami sa kwarto ni Ceres ay kaagad na inilapag ni Gray si Seri sa higaan at umalis na rin sila kasama si Riko at Miko. Kami namang girls ay nahiga na rin sa kama. Masyadong malaki ang kama para sa amin kaya naman nakahiga rin naman kami ng maayos nasa pinaka gitna namin si Seri. "Hindi ko akalain na magiging ganito ang lugar nyo Ceres" dinig kong sabi ni Noel at pumikit naman ako "Hindi ko na alam ang gagawin ko" dagdag nya pa, nararamdaman kong naiyak sya, hindi ko alam kung paano ko yun nagagawa. "Ayokong mangyari ang ganito sa kahit na anong kaharian" dinig ko namang sabi ni Ceres "Tama na na nangyari ito sa amin ayoko nang maulit pa ito" dagdag nya pa. "Ang hirap magpanggap na malakas sa harap ng mga lalaki natin" dinig ko pang sabi ni Audrey "Ang hirap na hindi magpakita ng reaksyon sa mga nakikita natin. Natatakot ako sa mga mangyayari pero ayoko namang mag alala sila" dagdag nya pa. Kahit na nakapikit ako naluluha pa rin ako dahil sa mga sinasabi nila, pare parehas lang pala kami ng mga nararamdaman. "Masakit makitang nahihirapan ang mga nasasakupan natin" sabi naman ni Karen "Ayokong makita silang ganun" dagdag nya pa. "Hindi naman natin maiiwasan na hindi mangyari ang ganito" shemay hindi talaga ako magaling sa ganito baka lalo kong mapalala ang nararamdaman nila "Pero kahit na hindi natin maiiwasan na mangyari to kailangan pa rin natin matanggap ito at kailangan nating bumangon ulit" sabi ko pa at umupo "Alam ko wala ako sa posisyon para magsalita ng mga ganito pero hindi ba't ito ang magiging isa sa dahilan kung bakit mas lalong lalakas ang mga nasasakupan nyo? Sa digmaan na kakaharapin natin hindi natin alam kung ilan ang mawawala, hindi natin alam kung sino ang mawawala at hindi natin alam kung sino ang masasakta, ang magtatraydor." huminga ako ng malalim at saka ngumiti sa kanila "Pero kahit na mangyari yun alam nyo ang isang bagay na dapat nyong maramdaman?" tanong ko sa kanila at tinitigan lang naman nila ako. "Ano?" tanong naman ni Noellie. "Yun ay ang pagkakaroon ng determinasyon. Determinasyon para protektahan ang nasasakupan nyo, determinasyon para magawa ang gusto nyo." sabi ko at humiga ulit "Magpahinga na kayo. Naririnig nila kayo" sabi ko pa at pumikit. --- "Bakit ba kasi kayo nakikinig sa usapan namin ha?" inis na sabi ni Ceres. "Eh kasi" -Gray "Hindi nyo na ba kami kayang bigyan ng privacy ha?" inis na dagdag pa ni Karen. "Huwag naman kayo magalit" -Riko "Paanong hindi kami magagalit? Eh nakikinig kayo sa usapan namin" at inis na sabi ni Audrey. "At ikaw naman Miko bakit mo naman pinayagan na gamitin nila ang kakayahan mo ha?" inis naman na sabi sa kanya ni Noellie. "Kinulit kasi nila ako eh hindi nila ako patutulugin kung hindi ko gagawin" pagdedepensa naman ni Miko. "ANo po bang nangyari?" takang tanong naman ni Seri. "Hayaan mo na sila Seri" sabi ko naman at nag nod naman sya. Ganyan na sila paggising namin, hindi na nila sinugod kanina sa sobrang pagod nila at akala ko makakalimutan nila pero nagkamali pala ako, hindi pala nila nakalimutan ang ginawa I mean ang pakikinig ng mga lalaking to. Napatingin ako sa kanila habang nagtatalo talo sila at inaawat naman ni Seri ang girls, nakakaloka sila. Si Karen kaya nyang maramdaman kung may nasaktan o may namatay man sa paligid nya sa isang daang kilometro mula sa kanya, si Noellie naman kayang bumalik sa nakaraan para makita ang isang pangyayari sa loob naman ng isang araw at ito namang si Miko kayang makinig sa malayo at kaya nya ring iparinig sa iba ang naririnig nya. Ibang klaseng mga kapangyarihan. Si Ceres, Audrey, Seri, Gray at Riko kaya ano? Pero bago pa man sila umabot sa punto na sasabunutan ng girls ang boys ay nakiawat na rin ako kawawa naman sila lalo na ang baby ko, ay shems bakit parang ikinapula ko ata ang pagsabi nun? "Okay ka lang Rei? Namumula ka" sabi naman ni Miko at mas lalo ata akong namula. "Ha? Ah okay lang ako" sagot ko naman at ngumiti sa kanila pero sila Audrey nakakalokong ngiti ang binigay sakin "Tama na yan tara ma para makaalis na tayo kaagad" sabi ko sa kanila at sumeryoso naman sila. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko nasanay na kami na hindi nagsasalita habang nalangoy, nakakaagaw din kasi yun ng energy para sa amin. Nang dumating kami sa harap ng isang napakalaking double door ay napansin ko agad ang magandang hulma nito, may simbolo ng palasyo at kapag binubuksan ito nahahati sa gitna, may dilaw din na lining sa pintong ito. Nangbuksan namangha ako sa nakita ko. Kulay dilaw na upuan sa pinaka harapan na may itim na mesa sa kanan nito na may kula itim na tela at may dilaw na lining. Dumeretso kami sa pribadong silid ng hari at saka kumatok si Riko at bumkas naman ang pinto. "Riko! Ceres!" sigaw ng isang babaeng napaka ganda. "Ina" sabay na sabi ng dalawa at niyakap ang babae. Siya pala ang ina nila Ceres at Riko, tunay ngang isa siyang Reyna. Sa kaniyang galaw at pananalita isa nga siyang tunay na Reyna. Napakaelegante nya tingnan. "Mabuti naman at ligtas kayo" sabi ng kaniyang ina. "Kayo rin po ina" sabi ni Ceres. "Kumusta kayo Royalties?" paninira ni King Christ sa moment ng kaniyang anak at asawa. "Grabe ka naman Christ minsan na nga lang mapadalaw ang mga anak natin sisirain mo pa ang moment namin? Nakakatampo ka ah" sabi naman ng Reyna at mahina akong natawa dahil nag pout din siya. "Hailey pasensay na alam mo namang may kailangan pa silang gawin hindi ba? Hindi sila maaring magtagal dito" "Grabe ang kill joy mo talaga Christ." at bumalik na sya sa pagkakaupo. "Maupo kayo" sabi naman ng Reyna. Naupo nga kami at nasa harapan namin ang Hari at Reyna. Tingnan nila kami isa isa at nang makita nila ako at mapansin ang buntot ko nanlaki ang mga mata nila kasabay nun ay ang pagkunot naman ng noo nila. Anong meron? "Ikaw pala ang nababalitaan naming may tatlong kulay ng buntot? Ang galing" masiglang sabi ng Reyna. Kahit na may pagkaisip bata ang Reyna ay elegante pa rin ito. Nakakinggit sya infairness. Yumuko naman ako bilang paggalang at saka sumagot. "Opo ako nga po" "Wow. Nakita kita noong pumunta kayo sa ilalim ng Academy. I thought na ipapahamak mo sila but where wrong. Pasensya na ha kung nakaisip ako ng ganun hindi ko kasi gustong mapahamak tong sila Ceres" and she smile pero may halong sorry "Noong una hindi ako naniniwala kay Mimite at Elena na ang buntot mo ay may tatlong kulay pero nung nakita kita? Ewan ko ba feeling ko kilala na kita hahaha ang weird di ba?" nag nod naman ako bilang sagot "Okay tama na yan" pagpipigil ni Haring Christ at natawa naman kami dahil inirapan sya ni Hailey "Wag mo kong maganyan ganyan Hailey" "Whatever Christ" at umirap sya natawa naman kami. "May irereport kayo?" tanong ni Haring Christ samin at nag nod naman sila Ceres. "Ama. Bago kami makarating dito may nasalubong kaming isang dolphin at ang sabi nya may black meramids daw na malapit samin na huwag kaming tumuloy, at ang sabi nya pa na sisirain ng black mermaids na yun ang Yellow Palace pero imbis na umalis mas lalo kaming nagpatuloy at nasalubong nga namin ang black mermaids and mermans na sinasabi ng dolphin samin" mahabang sabi ni Ceres at napatayo naman sa kinauupuan ang Reyna. "Ina kumalma ka" sabi ni Riko at naglakad na pabalik balik ang Reyna. "Hindi maaring masira nila ang lugar na ito kailangan ko nang makaisip ng paraan kung paano sila matatalo" bakas sa mukha ng Reyna ang takot at pangamba sa mangyayari sa kanyang kaharian. "Hailey kumalma ka" pagpapakalma naman ni Haring Christ. "Hindi ko kaya Christ! Sinira nila ang isa sa lungsod dito sa ating kaharian at ayoko na na muli pa iyong maulit! Kapag bumalik ang mga itim na serenang iyon aalisin ko sila dito sa mundo ng dagat!" galit na sabi ng Reyna. "Hindi mo na po magagawa yan tita Hailey" sabi ni Gray. "Oo nga po. Alam nyo po bang pinatay na ni Rei ang lahat ng black mermaids na sumira dito?" dagdag naman ni Audrey. "Kaya po hindi nyo na rin po kailangan pang mag alala sa ngayon. Palakasin nyo na lang po ang iyong mga sundalo" suggest naman ni Miko. Tiningnan ako ng Reyna Hailey at ni Haring Christ, nahiya tuloy ako. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko, feeling ko hindi masama ang pagpatay ko sa kanila. Oo aaminin ko nakokonsensya ako dahil buhay pa rin ang inialis ko sa kanila pero kung hindi ko yun gagawin paano kami makakarating dito? At ayoko namang mapahamak kaming lahat lalong lalo na si Seri. Nakita kong niyakap ni Seri sa beywang si Reyna Hailey kaya naman napayuko ang Reyna para tingnan si Seri na nakayakap sa kanya, nginitian naman ni Seri ang Reyna. "Tita huwag ka pong mag alala gagawin po namin ang lahat para mailigtas ang mga kauri natin at ang mga nasasakupan natin. Sa ngayon alam kong mas malala pa ang nangyayari sa kaharian ko kaya po magpasalaman ka po na ito lang ang dinanas nyo" at malungkot itong ngumiti. "Hindi ko po alam kung okay pa ang lahat sa nasasakupan ko pero po Mahal na Reyna at Mahal na Hari may tiwala po ako sa kanila na hindi nila pababayaan ang mga kauri nila, kung may mamamatay man sa kanila alam kong prinotektahan lamang nila ang gusto nilang protektahan." dagdag nya pa. Nakakapagtaka talaga. Seven years old ba talaga ang batang to? Bakit parang kung makapag isip sya eh kagaya lang namin sya ng edad? No mali. Parang mas matured pa nga sya kila Audrey eh, siguro nga dahil sya lang ang nag iisang prinsesa sa kanila at wala syang kapatid kaya ganyan sya. May kuya naman sya pero pinsan nya ito at hindi kapatid pero itinuturing nya raw itong isang kapatid. Kakaiba ka talaga Seri. Ginulo ng Mahal na Reyna ang buhok ni Seri at saka ito ngumiti bilang assurance na okay na sya. "Pasensaya na Seri ha?" nag nod naman si Seri. "Aalis na po kami" sabi naman ni Riko at tumayo kaming lahat. "Teka may tanong lamang ako" sabi ng Hari at tumingin sa akin "Paano mo napatay ang mga black mermaids?" tanong nito at tumingin kay Seri. "Okay po ipapakita ko po!" masiglang sabi ni Seri. Kagaya ng nangyari noon sa kailaliman ng akademya may lumabas na imahe sa paligid namin at ipinakita doon kung paano ko natalo ang mga kalaban namin, nang matapos ito ay agad naman naming tiningnan ang hari at reyna at isang pagtataka ang nakita ko sa mga mata nila. Hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos nun ay pinayagan na kaming umalis at naglakbay na kami papunta sa Purple Palace, may dalawampu't limang buwan na lang kami. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD