✘Fourteenth Adventure

2063 Words
*The journey to Purple Palace* Amaya's POV "Karen?" tawag ko sa kanya. "Hmm?" sagot nya naman. Nasa unahan ko kasi sya at sila Ceres nasa tabi ko naman si Miko habang magkaholding hands kaming dalawa, ayaw nya ngang bitiwan eh hindi ko alam kung bakit pero okay na rin yun at least mas safe ang feeling ko, hindi ako mangangamba. "Anong klaseng lugar ang Purple Palace?" tanong ko at lumingon naman sya sakin saka nya ako nginitian at sinagot. "Maganda doon, katulad nang sa Yellow Palace may kulay lila ka ring makikita, at hindi kagaya sa Yellow Palace ang Purple Palace ay may kulay lilang kulay, yun ang bumubuhay sa palasyo namin" sagot naman nya sakin. "At alam mo po ba ate Rei? May magandang hardin doon na puro kulay lila" tuwang tuwa na sabi ni Seri "At masaya dun" na halos mag ningning ang kanyang mga mata. "Levender ang tawag sa mga bulaklak na iyon" sagot naman ni Noellie at napataas naman ang kilay ko. "Lavender dito sa ilalim ng dagat?" "Oo. Hindi mo akalain? Well yan ang totoo haha magical kasi dito sa mundo natin" sabi ni Ceres na may pagkamataray na tono. "Malamig din doon" sabat naman ni Riko. "Karen is the Mermaid Princess of the Purple Palace o mas kilala sa mundo ng mga tao bilang Antarctic Ocean" sabi nya pa at napalaglag naman ako ng panga. "Hindi nga?" "That's true Maya" sabi sakin ni Miko at tumingin ako sa kanya "At ang Lavender dun ay bawal pitasin" dagdag nya pa. "Bakit?" tanong ko naman. "Kasi para sa aming mga purple mermaids isa iyong sagradong bulaklak. Mahiwag iyon at sa palasyo lang namin makakakita ng ganoong klaseng bulaklak, makakakuha ka lamang noon kapag pinahintulutan ka ng hari at reyna, isa pa kapag ninakaw mo ang kahit na isang bulaklak at nakalabas ito sa palasyo agad itong malalanta at mawawalan ng bulaklak kumapara sa binigyan ng basbas ng hari at reyna" paliwanag sakin ni Karen. "Mag laro tayo dun minsan ate Rei ha?" "Hindi Seri" singit naman ni Karen. "Bakit ba?" tapos nag pout naman si Seri. "Last time na naglaro kayo doon ni Noel at Ceres ay halos masira na ang Lavender Field kung hindi ko to pinsan si Noellie panigurado naparusahan na rin to" inis na sabi ni Karen. "Pero masaya dun" nakangiti nyang sabi. "Alam mo ba Rei" sabi ni Noellie at tumingin naman ako sa kanya "Maganda ang kwarto ni Kar-" "Noel!" "Hahaha bakit? Eh sa nagagandahan ako sa kwarto mo eh hahaha" pang aasar pa ni Noellie. Bakit? Anong meron? tanong ko naman at natawa naman silang lahat. "Alam naman nating medyo may pagkalalaking ugali tong si Karen di ba?" at nag nod naman kami "Eh kasi babaeng babae ang kwarto nya hahaha" Kahit hindi ko pa nakikita ang kwarto ni Karen natatawa na rin ako, hindi dahil dun kundi dahil sa itsura ni Karen halata kasi sa kanya na inis na inis na sya sa usapan namin eh kaya bago pa man sya mapikon sa amin binago ko na agad ang topic. "May tanong ako" sabi ko naman sa kanila. "Ano?" tanong naman sakin ni Gray. "Wala bang Prinsesa ang Pink Palace?" tanong ko. Bahagya silang natigilan at nababasa ko sa mga mata nila habang nalangoy kami na pinag iisipan nila kung sasabihin ba nila sa akin o hindi. Bakit may nangyari bang hindi maganda kaya ayaw nilang sabihin? Magsasalita na sana ako para sabihin sa kanilang okay lang kahit hindi nila sabihin sakin kaya lang naunahan ako ni Noellie nagsalita na sya at dahil interesado ako nakinig naman ako. "Wala silang Prinsesa, Rei" napataas naman ang kilay ko "Prinsepe marami. Apat yun" natatawa naman nyang sabi. "Hindi kasi biniyayaan nang babaeng anak sila Queen Luch at King Kai kaya ayan puro prinsipe" sabi naman ni Karen. "Pero may balibalita dati di ba?" sabi naman ni Ceres "Yung nabalitaan dati ano nga ulit yun" sabi pa ni Ceres at nag isip isip. "Na may anak silang babae?" sabat naman ni Riko. "May anak daw silang babae sabi nang nagpaanak kay Reyna Luch" sabi naman ni Miko at napatingin kami sa kanya "Ang alam nang lahat namatay ang sanggol na iyon, sabi nang lahat babae daw yun may nagsasabi din namang lalaki yun. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko totoo yun, may nawawala silang Prinsesa kahit na hindi nagsasalita ang Pink Palace tungkol dito" sabi nya pa. "Bakit hindi tinuturo ang tungkol sa mga Palace?" tanong ko sa kanila. "Hindi rin namin alam kung bakit, gusto mo ba matutunan? Pwede ka naming tulungan" nakangiting sabi naman ni Ceres at nag nod naman ako. "Ang problema lang naman eh walang magtuturo sayo tungkol sa Blue and Pink Palace" sabi ni Riko. "May konting alam diyan si Miko, kasama na sa pagiging prinsipe nya ang pagkakaroon ng alam sa bawat kaharian" sabat naman ni Gray. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at parang matatawa ako sa mga itsura nila, gusto nila akong tulungan at nagpapaawa naman sila kay Miko. Tiningnan ko si Miko at ang tigas ng ekspresyon nya yung tipong parang ayaw nya akong tulungan, ngayon alam ko na kung bakit ganyan ang mga mukha nila. At dahil gusto ko ring may alam ako kaya ayan nakisali na rin ako at napabuntong hininga naman sya. "Oo na tama na yan naiinlove ako lalo. Oo na Rei, I love you na." "Shems ang daming langgam" sabi ni Karen. "Baliw sa lupa lang meron nun" natatawa namang sabi ni Ceres. "Nakapunta na kayo sa lupa?" tanong ko sa kanila at nag nod naman sila. "Isang beses pa lang naman yun, maganda sa lupa ate Rei. Di ba? Di ba?" sabi ni Seri napangiti naman ako. "Pagdating sa mga tanawin oo Seri maganda doon pero pagdating sa mga ugali ng tao iilan lang ang maganda." sagot ko naman at sumimangot sila "Nagsasabi lang ako ng totoo" pagdedepensa ko naman. At dahil sa sinabi ko mukhang nawala at sila sa mood, may nasabi ata akong di dapat. Hinayaan ko na lang muna, siguro hindi muna ako dapat magsalita. Nang makalabas kami sa boundery ng Yellow Palace ay agad naman naming nakita ang boundery ng Purple Palace, kung titingnan mo dito parang malapit lang pero pagnilangoy na malayo pa pala. "Sorry" dinig kong sabi ni Miko. "Saan?" takang tanong ko naman. "Nagiging sensitive kasi kami kapag may sinasabi ang kapwa naming hindi maganda sa mga tao" sabi naman nya at ngumiti ako. "It's okay" sabi ko na narinig naman nila "Isang beses pa lang naman kayo nakakapunta doon eh unlike me na sa loob ng labing walong taon ay doon ako nakatira. Alam kong ayaw nyong may marinig na hindi maganda sa mga tao, sa dati kong lahi. Kaya sa tingin ko nasa sainyo na rin yun, ayokong siraan sila pero gusto ko kayo mismo makakita sa mga ginagawa nila" sabi ko naman at nauna nang maglakad. "Hindi ka ba natatakot?" tanong sakin ni Gray. "Natatakot saan?" "Natatakot na mapahamak" sabi naman nya sakin. Hindi nga ba ako natatakot? O baka iniisip ko lang na hindi ako takot kaya hindi ako natatako? Ah oo tama ganun nga. "Natatakot ako Gray" sabi ko at nakitaan ko naman ng pag aalala ang mata nila "Pero walang matutulong ang takot kaya inaalis ko to sa sistema ko, feeling ko nga wala na akong dapat katakutan eh" sabi ko naman at nagsimula nang lumangoy sumundo naman sila "Muntik na ako mamatay noong tao pa lang ako at ngayon naman mabigat ang katungkulan ko dito. Natatakot ako para sa inyo dahil hindi nyo naman tala ako kilala at bukod doon wala na, wala na akong kinatatakutan." "Naks naman ibang klase ka talaga Rei" pagpupuri sakin nila Riko at nailing naman ako sa kanila. Muli kaming natahimik habang nalangoy at may nadaanan kaming isang rock formation, akala ko gawa lang ng tubig yun pero hindi pala. "Gawa to ng dating mga sereno at serena sa lugar na to" sabi ni Karen habang nilalangoy namin ang ibabaw ng isang higanteng bato "Maganda sa loob nyan noong hindi pa tuluyang naabandona" dagdag nya pa. "Maganda nga pero delikado naman para satin" sabi ni Ceres. "Tama si Ceres. Kung hindi siguro dahil sa malakas na bagyo noon hindi siguro ito mapupunta dito at hindi din siguro ito magiging mapanganib para sa atin" sabat naman ni Noellie. "Bakit ano bang meron sa lugar na to? I mean ano ba to?" takang tanong ko naman sa kanila at natawa naman sila. "Mukhang marami nga kaming ituturo sayo" sabi naman ni Audrey at lumapit samin ni Miko at pinaghiwalay kami "Please lang maawa naman kayo saming mga single dito oh" at natawa naman sila Ceres. "Sus ang sabihin mo naiinggit ka lang. Nanjan naman ang kapatid ko oh" pang aasar ni Ceres. "Ay naku magtigil tigil ka Ceres kung ayaw mong may ibuking ako" sabi naman ni Audrey at nag cross arm saka tumaas ang kilay. "Alam mong may magagalit pag may nakaalam" "Oo na eto na mananahimik na" inis na sabi ni Ceres. "Ano yun Ceres?" "Wala yun RIko" "Eh bakit apektado ka? Hindi ka naman nagpapatalo kay Audrey pag asaran ah" "Bakit ba ipipilit mo? Ready na ba akong sabihin sayo ha? ALam kong magagalit ka pag nalaman mo yun kaya pakiusap lang tigilan mo muna ako" sabi naman ni Ceres at nauna na samin. Tiningnan ko si Audrey na naiiling at tinusok ko naman ang tagiliran nya kaya naman napatingin sya sakin. "Lagot ka pinag away mo ang dalawa" sabi ko at nag pout naman sila. "Hindi ko naman ginusto eh" "Ang daldal mo kasi" sabi naman ni Gray at hinila na si AUdrey palayo sa amin ni Miko. Ayan nauwi na naman tuloy kami sa tahimik na paglalangoy. Si Ceres nasa unahan kasama si Karen at Noellie, sila Seri, Audrey at Gray naman nasa likod nila samantalang si Riko, ako at si Miko ang nasa pinaka likod. Nakikita ko sa mata ni Riko ang pagkainis at pagkaguilty sa nangyari kanina. "Riko?" tawag ko kay RIko at tumingin naman sya sakin. "Alam kong di mo kayang makaaway nang matagal si Ceres" sabi ko sa kanya at napaismid naman sya. "SIno nagsabi sayo?" walang gana nya namang sabi at ngumiti naman ako. Binitawan ko ang kaliwang kamay ni Miko at pumagitna sa kanilang dalawa. "Nababasa ko sa mata mo Riko." "Tsk, nakakainis kasi sya Rei eh" "Hindi mo rin naman sya masisisi Riko."sabi naman ni Miko. "Ayaw ka lang nyang magalit pag nalaman mo ang tungkol doon" dagdag nya pa. "May alam ba kayo?" tanong naman ni Riko. "Kami meron maliban kay Rei" sagot naman nya at nainis lalo si Riko "Pero Riko ginawa nya lang yun para di ka magalit." "Para di ako magalit" pag uulit pa ni RIko pero halata namang hindi nya gusto "Pero nagagalit na ako" inis nya namang sabi at hinawakan ko sya sa balikat nya. "Riko ang mga babae pag may hindi kayang sabihin nililipasan nya muna. Yun ang ginagawa nya sayo, kung ano man yun hayaan mo na muna syang magkusa na sabihin sayo alam mo namang di rin naman yun matitiis ni Ceres kaya sasabihin nya rin yun sayo." "Eh bakit ikaw nasasabi mo lahat samin?" "Nasasabi ko ba?" sabi ko at tumingin sa kanya at binigyan nya naman ako ng pagtataka "Hindi Riko hindi ko nasasabi sa inyo ang lahat ng gusto kong sabihin" sabi ko pa at saka dineretso ang tingin sa nilalanguyan namin "Hindi ko nasasabi sa inyo kung ano ba talaga ang meron sa loob loob ko" at ngumiti ako sa kanya. -- Nandito kami ngayon sa isang liblib na kweba, malalim at madilim ang paligid pero kaya pa rin naman naming makita. Dahil sa isang serena kami kaya naming makita kahit gaano pa kadilim ang paligid sa karagatan. Malalim ito at di kakayanin ng normal na tao na pasukin. Sa tingin ko lang naman. Nagsibilugan kami dahil sa iisa lang ang ilaw namin na magbibigay din ng init sa amin, kung sa lupa ay apoy dito naman ay iba, nasa kulay puting cylinder ito at gawa naman ng kapwa naming mermaid. "Laro tayo" sabi naman ni Audrey at sumang ayon naman kami "Kung sino ang magkamali sya ang matatanong okay?" at nag nod naman kaming lahat. Naglaro kami kung titingnan parang nanay tatay na laro sa mundo ng mga tao pero may pagkaiba ng konti. "Oh si Noellie" sabi ni Audrey. "Sino gusto mong magtanong sayo?" sabi pa nya at ngumiti nang nakakaloko. "Dapat na ba akong kabahan jan sa ngiti mo?" sabi naman ni Noellie at natawa naman kami "Si Ceres" "Wrong move hahaha" sabi naman ni Audrey at kahit na hindi namin alam kung bakit pero natawa pa rin kami sa inasal nya. "Ano ang kinakatakutan mo?" tanong naman ni Ceres. Natawa naman kami dahil biglang namutla si Noellie. Nakita ko ang takot at pag aalinlangan sa mata nya, siguro dahil baka naiisip nyang baka gawin sa kanya ang kinakatakot nya. "Huwag kang mag alala I'll freeze them to death kapag tinakot ka nila" sabi ko at kumindat naman kay Noellie. "ANo ba naman yan Rei huwag ka namang ganyan" pag aangal ni Audrey. "Kaya nga Rei wala kaming ibang maipanakot kay Noellie eh" sabat pa ni Ceres at natawa naman ako. "Edi mas lalong hindi nya sasabihin" sabi ko naman at tiningnan si Noellie na nakapoker face kaya naman natawa kami. "K.Fine" sabay na sabi nang dalawa. "Takot ako sa sea monster" halos malaglag naman kami sa pinakamalalim na parte ng kweba sa sinabi nya "Bakit?" "Niloloko lang kayo nyan" natatawa namang sabi ni Karen "Takot si Noellie sa the fangtooth fish" "KAREN!" "Bakit? Hahaha" "Sige na tama na yan next naman"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD