✘Fifteenth Adventure

1120 Words
*The human* Amaya's POV "Totoo bang ikakasal ka na?" tanong ni Seri kay Karen. Tapos nang tanungin ako, si Miko, Seri, Noellie, Audrey at Gray. Ang natitira na lang si Ceres, Riko at Karen at ngayon si Seri ang nagtanong sa kanya. "Saan mo naman nakuha yang balitang yan bubwit ka?" "Sa source ko po ate" nakangiti at proud namang sabi ni Seri "Matagal ko na po kasing gustong itanong sayo kaya lang nakakatakot kaya naghanap muna ako ng tiyempo at ito na po yun" "Oo ikakasal na talaga ako" sabi ni Karen at nanlaki naman ang mga mata ko "Oh bakit hindi ba kapani paniwala?" at nag nod kami "Aba grabe kayo ah!" at nagtawanan naman kami. "Kanino?" tanong naman ni Gray. "Sa dating prinsipe, kay Prince Kyle. Hindi ko nga lang alam kung nasaan na sya ngayon, simula noong umalis sya para hanapin ang kapatid nila ni ate Elena hindi na sya bumalik" malungkot nitong sabi "Pero tuloy pa rin ang kasal hindi lang alam kung kelan" Nabigla naman ako. May isa pang kapatid si ate Elena? Bakit parang hindi naman nya ata nabanggit sa akin yun? "May problema ba?" tanong sakin ni Miko at umiling naman ako. "Nagulat lang naman ako." sabi ko at nag nod naman sila. Nagpatuloy ang laro namin nang mapagpasyahan naming kumain sa labas in other words magpipicnic kami, sabi nila may bato daw na malaki doon sa may bangin kung saan malapit sa bahay ko dati kaya naman pumayag ako. Namimiss ko rin ang bahay na yun, ano na kaya ang nangyari dun? Wala na sigurong nakatira doon malamang lahat kasi nung gabing yun pinatay na hindi ko lang alam kung nakaligtas ang iba sa kanila. "Dito yun" sabi ni Noellie habang nakatingin sa taas. Tumingin din ako, akala ko isang malawak na bato lang tong nasa harapan namin pero nakausli pala sya sa tubig, siguro ito na nga ang sinasabi ni Noellie. Sa sobrang pagkasabik ko ay agad naman akong lumangoy pataas at parang ulan kung magbagsakan ang mga luha ko ng makita ko mula dito sa kinalalagyan ko ang bahay na kinalakihan ko. "Kung alam ko lang na malulungkot ka hindi na sana ako pumayag" sabi ni Miko at kiniss ang pisngi ko. "Hindi naman sa nalulungkot ako. Masaya naman ako dahil humahanap kayo nang paraan para makita ko ulit ang lugar ko pero hindi ko naman din maiiwasan na hindi ko mamiss yun. For my whole living here in earth dyan na ako nakatira" "Okay lang yan ate. Tara" sabi ni Seri at umakyat sa bat. "Hoy bata hindi ba delekado tong ginagawa mo? Baka may makakita sa atin, halika na bumaba ka na dito. Isa pa lugar ito kung saan maraming mga mangingisda" sabi ko naman at nagtawanan sila. "Relax lang Rei ilang araw na namin tong minanmanan at alam na namin ang oras kung saan nangingisda ang mga tao" sabi naman ni Karen. Tiningnan ko sila at para silang ewan dahil ako ang nagmumukhang kill joy sa kanila. May magagawa pa ba ako sa kanila kung sakaling hindi ako pumayag wala naman di ba? Kaya ayan bumuntong hininga na ako at sumunod ka Seri. pag akyat ko sa bato ay sumunod na rin sila Miko, tawanan lang kami ng tawanan habang nag kukwentuhan ng mga katangahan sa buhay. Sobra kong naenjoy ang pag kain namin dito. Ready na kaming umalis dahil maggagabi na rin naman nang may biglang ilaw na nagflashlight sa amin. Agad kaming napatingin at nakita namin ang malaking barko at halos malaglag ang panga namin. SHitness ito na nga ba ang sinasabi ko. Hinayaan na lang namin ang mga gamit namin at agad kong hinila si Seri at agad din naman akong hinila ni Miko. Sabay sabay kaming lumusong sa tubig. "Kailangan pa nating umilalim, makukuha tayo ng lambat nila kung mananatili lang tayo dito" sabi naman ni Karen. Agad kaming lumangoy ng mapatigil kami dahil sa sigaw ni Seri, shemya nabuhol ang buntot nya sa lambat. Agad naman akong lumapit para tulungan syang makaalis. "Listen Seri, huwag mong ikampay ng ikampay ang buntot mo malalaman nilang may nahuli sila" sabi ni Gray. Pero dahil na rin siguro sa panic kaya hindi nagawa ni Seri kaya naman agad akong napamura ng malutong nang makita kong mabilis na umaangat ang mga lambat hanggan sa maiahon ito. Anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin? 'Rei release me Rei' 'Huwag ka ngayon mang inis kailangan ko pang mag isip kung paano ko ililigtas si Seri' 'Rei gamitin mo ang kapangyarihan ko, gamitin mo ang boses mo. Kumanta ka Rei para maligtas mo sya' At tuluyan na ngang nawala ang boses. Hindi na ako nagdalawang isip pa kahit na tinatawag ako ni Miko hindi ko ito pinansin. Tumalon ako paalis ng tubig at nag form nang cresent moon ang katawan ko. Kasabay nito ay napansin kong napatingin sa akin ang mga mangingisda. Umupo ako sa bato na kanina ay inuupuan namin, nakita ko sa ilalim ng tubig ang nag aalalang mukha nila Miko ngumiti naman ako sa kanila at saka itinuon ang atensyon ko sa mga mangingisda at nag umpisa nang kumanta. Hindi ko alam pero feeling ko alam na alam ko ang kanta, feeling ko ako mismo ang kumakanta. Ay mali ako pala talaga to pero bakit feeling ko kasama na nang buong pagkatao ko ang kantang to? [A/N: Play the song on multimedia] ? Into the sea Hold you close to me Slide 'neath the waves Down into the caves Kiss me my love Come rest in my arms Dream your dreams with me Slide beneath the sea Come to me my love Forget the land above. Hold you close to me Slide 'neath the waves Down into the caves ? I sang like I am the real owner of the song. Mas nakaganda pa sa pagkanta ko ang pagkinang ng buntot ko dahil sa liwanag nang buwan, nakita kong umahon sila Miko at pati sila ay nagulat sa nakita at narinig nila. Nakikita kong may mga water tornado na nakapalibot ngayon sa barko pero mukhang nabighani ata ang mga mangingisda sa boses ko kaya naman nakatulala lang sila sa akin. Napatingin naman ako sa magkabilang gilid ko nang makita kong tumalon din sila Ceres at umupo sa tabi ko at sinabayan ako sa kanta. ? Ooooooh oooh ooooh Ooooooh Oooooh oooh Ooohah stay away from me Release me from thy spell Back to the land above Spell is all but gone Now you're free! ? Pagkatapos nang kanta ay inutusan ko ang mga tornado water na putulin ang lambat kung saan nakatulala si Seri sa akin na halatang gulat na gulat pero agad din naman syang lumangoy papalayo sa mga mangingisda at pumunta sa kung nasaan kami at sabay kaming sumisid pailalim. How cruel, ito na ba ang dahilan kung bakit hindi sila nagpapakita sa mga tao? Dahil sa sobrang sabik sa katotohanan mananakit? Binibigyan na nga sila ng yaman dito sa dagat ganyan pa ang igaganti nila sa mga katulad nila Seri? Tumigil kami sa loob ng palasyo pagpasok na pagpasok namin at agad kaming dumeretso sa likod ng bahay namin kung saan open field. Walang imikan tila nagpapakiramdaman kami. "Rei" panimula ni Gray "Hmm?" "Saan mo natutunan yun?" tanong naman ni Riko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD