✘Sixteenth Adventure

1233 Words
*The Siren Song* Amaya's POV Masyadong tensyonado ngayon dito sa loob ng kwarto ni Karen at kahit na tanggap nila ang tungkol sakin alam ko na nagdududa pa rin sila sa akin kahit na si Miko. Hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong sabihin siguro dapat ay sagutin ko na lang ang mga tatanungin nila. "Saan mo natutunan yun?" tanong sakin ni Riko. "Hindi ko alam may nagsasabi lang sakin na kantahin ko yun" tapos tiningnan nila ako na parang hindi naniniwala "Kahit sa maniwala man kayo o hindi sakin yun talaga ang nangyayari" tapos tumingin ako sa kanila isa isa ko silang tiningnan "Naalala nyo yung babaeng nasa panaginip ko na kinukwento ko sa inyo?" at nag nod naman sila "Sya yun. Sya ang nagsabi saking kumanta ako at parang may natutulak sakin, sa isip ko na kantahin yun at kahit na hindi ko man alam ang kantang yun kusa na yung lumabas sa bibig ko" sabi ko sa kanila. Hindi pa rin sila kumbinsido. Hindi ko rin naman sila masisisi kung hindi sila maniniwala sakin eh kahit kasi ako hindi ko pinaniniwalaan ang sarili ko, kahit ako hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may something sakin. "Alam mo bang tanging ang mga Prinsesa at Prinsipe lang ang may alam ng kantang yun" napasinghap naman ako sa sinabi ni Ceres. "Kaya naman laking gulat namin na kinanta mo yun" sabat pa ni Audrey "Hindi naman kasi yun tinuturo sa kahit na sinong sirena maliban sa amin, tanging ang mga Royalty lang ang may kakayahang kumanta nang hindi pangkaraniwan na kanta" dagdag pa nya. "Hindi kaya isa kang Royalty ate Rei?" tanong naman ni Seri sakin at natawa naman ako kaya naman nag pout sya at kahit papaano nabawasan ang tensyon sa pagitan naming lahat. "Malabo Seri, hindi ba't ang isang Royalty ay hindi basta bastang nawawalan ng alaala? Kaya imposible na maging isa akong Royalty huwag kang mag isip ng ganyan para kasing kinikilabutan ako" sabi ko naman sa kanila. "Pero ano ba ang yung kinanta ko?" tanong ko at bumuntong hininga naman si Miko. "Ang kantang yun ay gawa ni Queen Regina para sa mga Prinsesa at kalaunan ay nabigyan na rin ng basbas ang mga Prinsipe para kantahin ang kantang yun. Hindi gaya ng sa Prinsesa ang sa amin ay naiiba. Kung sa mga Prinsesa ay nakakapang-akit ito sa amin iba, isa itong kanta na nagbibigay ng isang malubhang depresyon sa taong makakarinig nito" sabi sakin ni Miko at nag nod naman ako. "Kaya ba sila Audrey lang ang sumabay sakin kanina?" tanong ko naman at nag nod sila. "Mapanganib para sa ating mga Serena ang kantang iyon, mapanganib lalo na sa ating mga babaeng serena" sabi naman ni Noellie. "Pero alam mo ate Rei pwede maging dahilan ng pagkabaliw ng tao ang mga tinig naing mga sirena hindi gaya kila kuya. Mas mapanganib ang sa atin" dagdag naman ni Seri. "Pero mas magiging mapanganib pa ito kung ang isang napaka sagradong kanta ang ginamit natin lalong lalo na ang Into the Sea na kinanta mo at ang Across the Sea. Please Rei wag mo na nang uulitin at wag na wag mo nang kakatantahin ang kahit na ano sa Across the Sea, Shine your light at mas lalong lalo na ang Into the Sea." mahabang litanya sakin ni Karen. "Tama si Karen hindi kasi natin alam kung anong pwedeng mangyari sayo kapag kinanta mo yun sapagkat hindi naman natin alam kung isa ka bang kagaya namin na maharlika o hindi" sabi naman ni Ceres sakin. "Take our advise Rei" dagdag naman ni Noellie. "Tama sila ate" -Seri "Kahit sa amin hindi namin pwedeng basta bastang kantahin ang tatlong kantang iyon" sabat pa ni Gray "Hindi pwedeng basta bastang kantahin eh" -Riko Napatingin naman ako sa humawak sa balikat ko at tiningnan ko si Miko kahit ang mga mata nya ay nagsasabi ding huwag ko nang uulitin ang ginawa ko kanina. Kahit na hindi ko alam kung ano bang pwedeng maging kapalit ay kailangan ko pa rin silang sundin mas alam nila ang tama at mali sa mundong to at isa lamang akong taga labas para sa iba. Hindi ko alam kung anong parusa ang matatanggap ko kung uulitin ko man iyon at ayokong umiyak ang mga kaibigan ko dahil lamang sa akin, magpapakabait ako. Nag nod naman ako sa kanila at ginantihan naman nila ako ng isang ngiti at si Seri naman ay niyakap ako dahilan para madaganan namin si Miko. "Aray ano ba ang bigat nyo" reklamo nya at dumagan na din ang iba "Ano ba umalis kayo jan mabigat buti ba kung si Maya lang ang nakadagan" reklamo nya pa. Pero hindi sya pinansin kaya ayun sobrang bigat at nagtawanan naman kami ng malaglag kami sa kama sa sobrang lakas ng impact namin ay ang sakit sa buntot ko, naipit din kasi. Napatigil naman kami sa tawanan nang makaramdam kami ng kakaiba at napa uh-oh na lang kami. Tiningnan namin ang pinanggalingan nun at nakita namin si Miko na nag aapoy sa galit although nasa tubig kami, pare parehas kaming napaatras pero ako ang inunahan nila. "Hoy bakit ako nasa unahan" reklamo ko sa kanila "Eh ikaw siguradong hindi ka nya masasaktan kami sigurado masasaktan nya" sabi ni Karen at inunahan pa ako. "Sige na ate Rei pakalmahin mo na nag monster" -Seri "Huh? Monster? Teka" sabi ko at tumakbo sa likod nila. Nagtutulakan kami kung sino sa unahan habang nalangoy si Miko sa amin na sobrang nakakatakot. In the end nung nasa harapan na namin si Miko ay nasa harapan din ako ng mga bruhang to wala akong nagawa si Riko at Gray ang humawak sakin para hindi ako makapunta sa pinaka likod. Ngumiwi naman ako ng makita kong galit na galit si Miko. Naalala ko ayaw na ayaw nga pala nyang dinadaganan sya. "Ah Mik?" tawag ko pero nanlisik lang ang tingin nya napatalon naman ako ng konti "Hehe kalma lang Mik" sabi ko pa at nanlisik na naman ang mata nya. WAAAAAAAAAAAAH ayoko pa mamataaaaaaaaaaay. "Mik?" wala nanlilisik pa rin naiiyak na ako "Sorry na" naiiyak kong sabi.  Sana gumana. Dahil best actress ako at mabilis kong napamuo ang luha ko sa mata ko ayun bumalik na si Miko sa dati bumuntong hininga sya at niyakap nya lang ako. Yes. Success. "Success ahaahahaha" tawa ko habang yakap yakap si Miko. "Anong success?" tanong naman nya habang nakakunot ang noo nya. "Wala" sabi ko at tumingin sa tropa nag thumbs up naman sila at natawa naman kami.  --- Nagising na lang lang ako nang hindi ko alam at napatingin sa balcony sa labas kung saan dumadaloy ang medyo malamig na tubig. Tiningnan ko kung kanin ang aninong yun at napagtanto kong si Karen pala yun, umalis ako sa kama at dahan dahang lumangoy papunta sa kanya. Her eyes, mukha syang malungkot. I can feel na naghihintay pa rin sya para doon sa kapatid ni ate Elena, matutulungan ko kaya tong si Karen? Lumapit ako sa kanya at napalingon naman ako sa kanya at nagulat ako ng may luhang pumatak mula sa mata nya pero binigyan nya lang ako nang malungkot na ngiti saka nya pinahid ito at nasama sa tubig na nakapaligid sa amin. "Karen may problema ba?" umiling naman sya "Bakit ka naiyak?" tanong ko pa.  "Namimiss ko lang sya" tapos tumingin sya sa itaas kung saan walang ibang makita kundi pitch black "Alam mo bang kada ganitong oras tinatakas nya ako para lang magpunta sa kahit na saang lugar sa palasyo na hindi ko napupuntahan? Siya ang nagbigay sakin ng ganitong ugali ang maging malditang masayahin. Namimiss ko na sya kelan kaya sya babalik" I dont know what is the right word to say pero kusa na lang lumabas sa bibig ko ang naging dahilan para mapangiti sya.  "Gusto mo pagtapos nang digmaan natin hanapin natin sya?" tanong ko sa kanya. "Sure" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD