*The hidden cave and the human friend*
Amaya's POV
"Karen bakit hindi mo muna sila ipasyal dito? Tutal bukas pa naman ang alis nyo bakit hindi muna kayo magsaya ng kahit na konti" sabi naman ng Mahal na Reyna.
Maganda? Check, Elegante? Check, Mabait? Check, Shemay nakakainggit perfect na perfect sya maging isang Reyna. Gwapo? Check, Mukhang maraming alam? Check, Mabait? Checlk. Bakit tong tatay ni Karen kasing gwapo ng pinakagwapo sa lupa? Nakakainggit naman ang kagandahan nila.
"Sige po tita gusto ko yan" masigla namang sabi ni Seri.
Nawala naman ang ngiti ko nang makitak ko si Seri, hindi ko alam kung bakit ayaw nyang ipakita sa amin ang mga luha nya, ang pag aalala nya sa mga serena at sereno sa palasyo nya, ang pangamba na meron sya. Mas matutulungan namin sya kung alam namin ang nararamdaman nya pero wala eh ayaw nyang ipakita sa amin ang tunay nyang nararamdaman.
Aksidente kong nakita si Seri kagabi na umiiyak sa may balcony ng kwarto ni Karen, tulog na ang lahat nun at sya na lang ang gising at ako naman nagising dahil may iba akong lungkot na nararamdaman. Nang tingnan ko si Seri umiiyak sya habang nakatingin sa taas. Hindi ko man nababasa ang isip nya, hindi nya man sabihin sa akin ang nararamdaman nya nakikita at nababasa ko naman ito sa mga mata nya, nakikita kong nag aalala sya pero ngayon mas pinipili nyang maging panatag at pinipili nyang hindi magpakita ng kahit na anong ikakaalala ng iba.
"Okay ka lang ba ate Rei?" nag aalalang tanong ni Seri sakin at ngumiti naman ako saka ginulo ang buhok nya at nag pout naman sya "Ate naman"
"Kaya mo yan" nakangiti kong sabi.
At napatigil naman sya at tiningnan nya at pero ngumiti lang ako sa kanya alam kong alam nya ang ibig kong sabihin kaya naman umiwas sya ng tingin at lumangoy papunta kila Ceres.
"Ano walang balak sumama?" tanong sakin ni Miko na lumangoy papunta sakin.
"Saan?" tanong ko.
"Sa tambayan ko pero mapanganib ngayon doon dahil sa mga tao" napaatras naman ako sa sinabi ni Karen. "Hahaha wag kang matakot hindi naman tayo magpapakita sa kanila at saka isa pa alam ko ang bawat lagusan doon" dagdag nya pa.
"Nakikisalamuha ka sa mga tao?" hindi makapaniwalang tanong ni Gray at binatukan naman sya ni Karen "Aray ko ah bakit ka naman nangbabatok?"
"Hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo Gray." mataray na sabi ni Karen "Sinong tangang Serena ang makikipag salamuha sa maraming tao? Pwede pa kung mapagkakatiwaan ang isang taong yun pero kung hindi? Naah~ kaya ko namang makakita kung mapagkakatiwalaan ang isang tao o hindi eh" dagdag nya pa.
Lumangoy palabas ng palasyo at dinaanan namin ang napakaraming coral, grabe ang ganda. After ng mga coral na maraming isda ay ngayon naman ang lavender field kung titingnan mo mula dito sa kinalalagyan namin ay parang walang tubig sa loob pero sabi ni Karen mukha lang daw walang tubig dahil sa sobrang lnis nito. Pinagpatuloy namin ang pag langoy hanggang sa mapakunot ang noo ko nang makita kong napakaraming ugat sa dadaanan namin.
"Nasaan tayo?" tanong ni Ceres.
"Isa to sa pagmamay ari namin" dagdag pa ni Karen.
"Nakakatakot" sabi ni Seri at yumakap sakin "Bakit parang nandidiri ata ako dumikit jan?" dagdag nya pa at nag pout.
"Malinis yan mukha lang hindi namementain ng mga serana at sereno na nakatalaga dito ang kalinisan ng lugar na to" sabi ni Karen at lumangoy paibabaw kaya naman lumangoy din kami paibabaw.
"Wow" sabay sabay naming sabi maliban sa tatlong lalaki at kay Karen.
"Bakit parang hindi ko ata alam na may pagmamay ari kayong ganito?" takang tanong ni Miko.
"Nung makailan lang naging sa amin ito" sagot naman ni Karen kaya napanod naman kami.
Nasa pagitan kami ng malagubat na puno na nakatanim sa isang lawa, hindi naman sya sobrang lalim kagaya ng nasa karagatan pero tama lang para maitago ang mga serena na naglilinis dito. Kahit na na nakakadiri sya sa ilalim napakaganda naman nya sa itaas.
"May bangka" sabi ni Noellie kaya naman agad kaming sumisid.
Nakahinga naman kami ng maluwag nang makita naming nakalampas na ang bangka sa ibabaw namin. Nagpatuloy kami sa paglangoy at hindi na talaga maipinta ang mukha ko sa pandidiri pero nang makalampas kami ay pumasok kami sa isang kweba kung saang pwede naming ilitaw ang ulo namin.
"Wow may ganitong lugar pala talaga sa kabila nang nakakadiring lugar na yun" sabi ni AUdrey at natawa naman kami.
"Dito sa taas di ganun kagandahan pero mas maganda kung nasa ilalim tayo" suggestion naman ni Karen kaya sinunod namin sya.
Lumangoy kami saglit at saka sumisid kami nang medyo malalim at tama nga si Karen napakaganda dito, pumuwesto kami sa isang nakausling bato at kasya naman kami para makaupong lahat, iwinagayway ko ang buntot ko at napangiti saka tumingin sa taas. Ang liwanag nang araw ay nagrereflect sa tubig.
Nataranta naman kami nang may makita kaming mga divers kaya naman agaran kaming naghanap nang matataguan and good thing na may kweba din dito sa gilid namin pero kailangan naming mag ingat dahil maling galaw lang namin may mamamatay sa amin, bakit? Eh puro matutulis na bato ang nandito eh. Gumawa si Noellie nang isang ilusyon para hindi na nilang tangkaing galugarin ang lugar na ito kung saan kami nagtatago, mautak din eh hahaha.
Agad din naman kami lumabas at nakahinga nang maluwag dahil wala na ang mga tao at wala na din kami sa loob ng kweba. Siguro sa ngayon mas natatakot ako sa mga kayang gawin ng mga tao kesa sa kayang gawin nang mga itim na serena at serneno. Lumangoy kami kabaliktaran nang nilanguyan nang divers at saka kami nakarating sa dapat na pupuntahan namin.
"Wow" yan lang ang lumabas sa bibig namin nang makita namin ang magandang tanawin.
Paradise. Yan ang madedescribe ko sa nakita namin. Lumangoy kami papunta sa liwanag ng araw na nanggagaling sa labas ng malaking butas. Wow ang clear nang tubig.
"Akalain mo nga naman oo kanina nandidiri lang tayo ngayon nasa paraiso na tayo" natatawang sabi ni Riko.
"Oh nandiri ka pala kanina? hahaha" natatawa namang sabi ni Audrey at binatukan sya kaya nag pout na lang si Audrey at nagtawanan naman kami.
Nag eenjoy kami sa paglangoy namin nang may marinig kaming mga boses kaya nataranta naman kami shemay walang pagtataguan. Agad kaming sumisid pero hindi tama ang lalim nito para maitago kami.
"Shet Karen" sigaw ko nang makita kong nasa taas pa rin si Karen at hindi gumagalaw.
Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni Miko sakin at lumangoy papunta kay Karen naririnig ko pa nga silang sinisigawan ako na bumalik pero wala akong pake. Pag ahon na pag ahon ko agad kong hinawakan si Karen para hilahin pababa pero nakatitig lang sya sa kawalan, tiningna ko kung saan sya nakatitig at nabato naman ako nang makita ko ang dalawang taong lalaki na nakatitig sa aming dalawa ni Karen.
"Ron" napatingin naman ako kay Karen "Kel" dagdag nya pa.
"Karen tara na" sabi ko at hinila sya.
Mas lalo pa akong nabato nang marinig ko ang isang pangalan at sabay pa nilang sinabi.
"Karen"
"Kayo nga" -Karen
Nagulat ako nang lumangoy si Karen papunta sa dalawang lalaki at halos magwala ang katawang dagat ko dahil lumapit din ang dalawang lalaki at niyakap si Karen. Alam kong nakikita din nila Miko ang nangyayari dito at naramdaman ko namang umahon sila.
"Karen halika na dito" sabi ko sa kanya.
Lumingon naman silang tatlo sa kinalalagyan namin at napaatras naman kami. Simula noong nangyari kay Seri hindi ko na maiwasang hindi matakot sa tao, nakakatakot sila at pwede nila kaming patayin nang walang kaawa awa kapag nagkataon.
"Dont worry guys kilala ko sila, mga kaibigan ko sila" sabi samin ni Karen habang nakangiti.
"Nababaliw ka na ba Karen? Halika na dito umuwi na tayo" sabi naman ni Noellie.
"Grabe ang OA nyo ah" natatawang sabi ni Karen. "Siya nga pala si Aaron at ito naman si Kelvin, dont worry mababait sila" sabi ni Karen pero hindi pa rin ako kumbinsido, hindi lang pala ako kaming lahat.
"Karen" -Riko and Gray
Napabuntong hininga naman si Karen saka humarap nang tuluyan sa amin.
"Guys silang dalawa ang nagligtas saakin noong muntik na ako mahuli nang mga mermaid hunters! Kaya tumigil kayo jan hindi sila nakakatakot mababait ang dalawang to"