✘Eighteenth Adventure

1270 Words
*Not all human* Amaya's POV "Matagal na ba kayo dito?" tanong ko sa kanila habang lumalangoy langoy at si Miko naman nakaupo lang sa isang malaking bato habang nakatingin sakin. "Yep. Sinara namin to para maging open sa mga gaya nyo" sagot naman ni Aaron kaya napatigil ako sa paglangoy at napatingin sa kanilang dalawa. "Kinausap namin si daddy kung pwede nyang bilhin kahit ang part lang na to para sa amin at pumayag naman sya" paliwanag naman sa akin ni Kelvin. "Actually hindi lang kaming dalawa may isa pa kaming kapatid siguro kasing edad ni Seri" sabi naman ni Aaron habang nakatingin kay Seri. Bigla naman kaming may narinig na sumigaw malapit lang sa amin kaya napatayo si Aaron at Kelvin at si Seri naman ay napalangoy papunta sa akin, malayo kasi ako sa kanila. "A-anong ginagawa nyo dito kaya? Di ba sabi nyo bawal tayo tumambay dito kasi makikita at matatakot satin ang mga mermaid? Ba-bak-" "Kalma ka lang Marcel." dinig kong sabi ni Aaron. "Mas lalo silang matatakot nyan" sabi naman ni Kelvin saka tumingin sa direksyon namin ni Seri at si Seri naman nakatago sa likod ko pero nakasilip nang konti. "Seri huwag kang matakot mababait sila" sabi naman ni Karen. "I hate human" sabi ni Seri at nag tago sa likod ko. "Pasensya na kayo ha? May nangyari kasi noong nakaraan kaya takot si Seri sa mga tao" paliwanag naman ni Ceres sa kanila. Nag usap usap sila at lumangoy naman papalapit sa akin si Miko, malayo kami sa barkada kasi nga takot tong si Seri sa tao hindi ko rin sya masisisi. "Okay ka na ba Seri?" tanong ni Miko nang makalapit sa amin at nag nod naman si Seri. "Ayaw mo ba talaga sa kanila?" tanong ko naman at yumuko sya. "I hate human ate! They hate us that's why I also hate them" sabi naman nya sakin at umiwas ng tingin. "Seri look at me" sabi ko at hinawakan ang dalawang pisngi ni Seri. --- Ceres's POV Nagkukwentuhan kami dito malapit sa lupa, hindi naman pala lahat ng tao masasama eh meron pa rin palang gustong pumrotekta sa amin. "Okay lang po ba sya?" tanong ni Marcel sa amin at tumingin kami sa dako nila Miko kaya ngumiti kami. "Magiging okay lang yan sila" sabi naman ni Audrey. "Tama. Sa amin wala nang iba pang kayang magpakalma pa kay Seri kundi silang dalawa lang" sabi naman ni Karen. Hindi naman namin masisisi si Seri kung nasabi nya yun dahil lang naman yun sa ginawa sa kanya ng mga tao kahapon. "Ano bang nangyari?" nag aalalang tanong ni Kelvin habang nakatingin sa tatlo. Dapat bang sabihin? Nagkatinginan naman kami at saka ngumiti si Noellie. "Noong isang araw kasi muntik nang mahuli ng mga tao si Seri" malungkot na sabi ni Noellie. "Huh?ANO?" Gulat na tanong ni Marcel kaya napatingin kami sa kanya at napansin naming nakatingin sya sa gawi nila Rei kaya napatingin kami nakatingin rin pala sila kay Marcel kaya agad na umupo si Marcel na nahihiya natawa naman kami. "Kaya pagpasensyahan nyo na kung nagiging brat sya ngayon" natatawang sabi naman ni Gray. "Hindi naman talaga ganyan yang si Seri mabait yan" sabi naman ni Riko. Natawa naman kami dahil sa kumento ng dalawa kaya napatingin sila sa amin at mas lalo kaming natawa dahil hindi nila alam kung bakit kami natatawa. "Himala ata at pumuri kayo" sabi naman ni Karen. "Tama tama!" dagdag ko pa. --- Amaya's POV "Huh?ANO?" Napatingin kami sa batang lalaking sumigaw at napatingin din sya samin ay mali hindi pala sa amin kay Seri lang, napangiti naman ako nang mapansing namula ang mukha ng lalaki sa hiya. "Seri" pagtawag ko at napatingin naman sya sakin. "I hate human" sabi nya. "So you do hate me?" agad naman syang napatingin sakin at umiling "You said you hate human" sabi ko pa at umiling na naman sya. "Hindi ka kasali dun ate! Kakaiba ka" sabi nya pa. "But still I used to be a human. If you hate human then it means you also hate me" sabi ko pa at umiling na naman sya. "If hating human means hating you then I wont hate them" naiiyak nyang sabi kaya naman napangiti ako at niyakap sya. "I dont want to hate you" "Don't worry if ever you'll hate me I wont hate you" sabi ko at naiiyak na talaga sya "Pero ayokong umiyak ka baka sabihin nila pinapaiyak kita" "Ikaw naman talaga nagpaiyak kay Seri eh" "Mik tigilan mo ako baka gusto mo masapak" sabi ko at natawa lang naman sya "Isa" "Hahahaha para namang kaya mo eh" "Kaya ko naman talaga eh" "Hahahaha" napatingin kami kay Seri na utas kakatawa kaya naman natawa din kami. "Tara?" sabi ko at hinila sya papunta kila Karen. Lumangoy kami papunta kila Karen at agad naman nilang niyakap si Seri kaya tawa kami ng tawa, ayaw kasi ni Seri nang niyayakap sya. "Bakit pag si Rei okay lang na yakapin ka?" nagtatampo kunwaring sabi ni Karen. "Si ate Rei lang pwede yumakap sakin" -Seri. "Akin lang si Rei bubwit" sabi naman ni Miko. "Akin" sabi naman ni Seri at nag ble kay Miko at niyakap ako. Halata naman ang inis sa mukha ni Miko kaya tawa kami ng tawa. "Seri" sabi naman ni Marcel kaya napatigil kami "Pwede ka bang maging kaibigan" sabi ni Marcel at nagtago naman si Seri sa likod ko. Tiningnan ko sya at nakatingin naman sya sakin kaya naman nag nod ako at ngumiti umalis sya sa pagkakatago sa likod ko at nag nod sya kay Marcel. Nagsimula na maglaro ang dalawa sa tubig kaya naman napangiti kami at least bukod sa amin may kaibigan na rin si Seri at kahit papaano hindi nya na maiisipan pang ayawan ang mga tao. "Alam nyo kung di ko lang napapakiramdamang binabakuran ni Miko si Rei baka nagkagusto na ako sa kanya" nagulat naman ako sa sinabi ni Aaron kaya lahat kami napatingin sa kanya. "What do you mean?" "hahaha wag kang magalit wala akong balak, kakaiba kasi ang ganda ni Rei sa inyo" sabi nya pa "Parang kahit na sino mahuhulog" dagdag nya pa. "Naramdaman ko rin yan ng una kong makita si Rei" sabi ni Kelvin at lumapit naman si Miko sakin. "Hindi ka ba talaga prinsesa?" tanong nya pa at umiling ako. "Iba po kasi ang aura mo ate Rei" sabi naman ni Marcel habang nakikipag laro kay Seri "Para pong nakakapang akit para po sa aming mga tao" dagdag nya. --- Bumalik na kami sa palasyo at hanggang ngayon wala pa rin akong kibo, hindi ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng tatlong yun sa amin. Napabuntong hininga naman ako, hindi ko alam. "Iniisip mo pa rin ba ang sinabi nila sayo?" napatingin naman ako kay Miko na kakapasok lang sa kwarto ni Karen. "Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong ko at nag poker face naman sya. "Kanina pa ako kumakatok Maya at parang wala kang naririnig kaya naman binuksan ko na at nakita kitang tulala kaya tama ang hinala kong hindi ka nga nakikinig" mahabang sabi nya sakin at nag pout naman ako "Huwag mo nang uulitin yan baka mahalikan kita" at napairap naman ako. Lumangoy ako papunta sa balcony ng kwarto ni Karen at doon nag isip isip napabuntong hininga naman ako at nagulat ako ng may yumakap sakin. "Huwag mong sarilihin nandito naman ako" sabi nya kaya napangiti ako "Ano bang iniisip mo?" "Yung sinabi nila Aaron" sagot ko at napayuko naman ako "Totoo kayang nakakaakit ng tao ang aura ko?" "Hindi natin alam pero kung magpapagulo ka sa sinabi nila baka di ka na makapag focus sa mga gawain natin" sabi nya kaya napangiti ako "Pero kung gusto mong may malaman jan pwede nating tanungin si ate Mimi pag uwi natin" at nag nod naman ako. Agad naman kaming napahiwalay nang may marinig kaming sumigaw at reklamo. "Ew kadiri! Wag dito sa kwarto ko!" -Karen. "Disgusting" -Riko. "Pati ba naman sa harap ng bata ganyan kayo?" sabi naman ni Audrey habang nakatingin kay Seri. "Hindi na virgin ang mata ko" nagulat naman kami sa sinabi ni Seri. "What the hell kanino mo yan nalaman?" gulat na sabi ni Gray. "Huh? kay kuya RIko" "RIKOOOO" sigaw namin. "SORRRRY" sigaw nya at lumabas nang kwarto at hinabol ni Audrey, Noellie at Karen kaya naman natawa kami. "Seri" tawag ko sa kanya at binigyan nya ako ng inosenteng tingin "Huwag mo nang uulitin ang tungkol sa kanina ha?" at mukhang nagets nya naman kaya namula ang mukha nya at nag nod. "Very good"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD