*Reviving the Orange Palace from suffering*
Amaya's POV
Halos hindi namin alam ang gagawin namin habang nakatitig kami sa palasyo ni Seri, tinitingnan namin kung paano pahirapan ng mga black mermaid ang mga tao ni Seri pero mas lalo kaming manlumo ng makita naming hinahampas ng mga black mermaid ang mga magulang ni Seri. Sa hindi malamang dahilan hindi umiyak o parang hindi nasasaktan si Seri but I know deep down inside her halos mamatay na sya sa sakit at sa galit pero pinipilit nya lang kumalma.
"Tara na mga ate at kuya may pupuntahan pa tayo hindi tayo ligtas sa lugar na to dahil may posibilidad na makita tayo dito" sabi ni Seri.
Hindi na nya hinintay ang sasabihin namin at nauna na sya samin nagkatinginan naman kami at sa mga mata namin alam naming iisa lang ang nasa isip namin, kailangan ni Seri ng ate at kuya ngayon. Kailangan nya ng maiiyakan at alam kong mamaya magbabalak na nag mga to magpaiyak kay Seri. Sinundan namin si Seri at maingat kaming lumangoy.
May mga baging kaming dinaanan na kung hindi ka mag iingat panigurado na magbubuhol iyon sa buntot mo at sa kabutihang palad walang nangyaring ganun sa amin. Siguro dahil naging maingat kami.
"Yung mga baging na nadaanan natin Seri bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko dun?" tanong ni Miko.
"Isa yun sa mga proteksyon sa isang sagradong lugar dito sa Orange Palace, kung baga underground ng GdoubleA" sabi ni Seri at saka humarap sa amin "Hindi naatake ng mabubuting serena ang mga baging na yun sapagkat galing iyon sa kapangyarihan na meron ako. Kung sino man ang may masamang pakay sa sagradong lugar ay syang mapupuluputan hanggang sa hindi na ito makahinga" dagdag nya pa at saka tumalikod ulit sa amin.
"Seri bakit tayo pupunta sa sagradong lugar nyo?" tanong ko naman pero hindi sya nagsalita.
"Dahil alam ko pong may mga Orange Mermaid na nandoon, alam ko pong may mga tao ako doon na kailangan tulungan" sabi naman nya.
"You really grown up, Seri" sabi ni Gray at napatigil naman kami sa sinabi nya.
"Tama si Gray" sabi naman ni RIko.
"Parang dati lang kami ang nag aalaga at nakikipag laro sayo but now look at you, you are a strong and dependable soon to be Queen of the Orange Palace" sabi naman ni Miko, nagkatinginan kaming mga babae pero hindi nag salita "If you can't handle it nandito lang kami" dagdag pa ni Miko at lumangoy palapit kay Seri "We're your brothers and sisters"
Kahit hindi man namin nakikita alam naming naiyak na si Seri habang yakap yakap si Miko napangiti naman kami at saka lumapit sa kanya at ginulo ang buhok nya. Dahil sa wala kaming oras para sa iyakan isinave na muna namin yun at nagpatuloy na sa paglangoy, habang humahaba ang nilalangoy namin mas lalong dumidilim at mas lalong nagiging malamig ang paligid pero sa pinakailalim nito ay isang napakagandang paraiso.
A place that full of diamond na naggoglow sa kadiliman, nang makita kami ng mga hindi karamihang serena at sereno na nandito ay agad silang napangiti at naiyak naman ang iba. Siguro dahil alam nilang may pag asa na, na may tutulong na sa kanila.
"Princess Seri" sabi ng isang serena at yumuko din naman sila ng mapansin sila Audrey "Maraming salamat po at nandito kayo" dagdag nya pa.
"Anong nangyari sa palasyo? Paano ito nasugod?" tanong ni Seri sa serena.
"Traydor po ang punong heneral ng hukbong pandagan Mahal na Prinsesa" napatingin naman kami sa nagsalita at nakita namin ang isang sereno na may pangkawal na kasootan, nakaupo at may mga sugat "Kinontrol nya ang utak ng ibang mga kawal"
"Paano ka nakatakas?" hindi siguradong tanong ni Seri, siguro nagdududa sya sa lalaking to.
"Alam ko pong nagdududa ka sa akin Mahal na Prinsesa pero maniwala ka po sa mga sasabihin ko. Pinatanggal sa amin ng punong heneral ang aming mga badge para magawa nya ang kanyang balak pero hindi ko kaya, hindi ko kayang tanggalin ang badge na pinagmamalaki ko kaya naman hindi ako naapektuhan ng black mermaid. Kaya ako nandirito ngayon ay dahil dinala ako dito ng punong babaylan, muntik na akong patayin ng mga kawal Mahal na Prinsesa"
Tiningnan ko ang mukha ni Seri at nakitaan ko ng galit ang mga mata nito, napatingin naman ako sa kamay nya at nakita kong halos mabaon na ang mga kuko na sa mga palad nya kaya naman lumangoy ako palapit kay Seri at hinawakan ang kamay nya para kumalma sya. Napatingin sya sakin kaya naman nginitian ko sya at napayuko naman sya.
"Gather all your weapons and also for those injured pwede na kayong lumapit kay Audrey para pagalingin kayo. Sa mga matatanda magpahinga lamang po kayo at para sa may mga lakas Riko, Gray and Miko may assist you" sabi ko at nagtinginan naman sila kaya hindi ako naging komportable at ng mapatingin sila sa buntot ko nanlaki naman ang mga mata nila kaya nagtago ako kay Seri, I mean ang buntot ko lang.
"Sundin nyo ang sinabi ni ate Rei, she's right." sabi naman ni Seri at nagsikilusan naman ang lahat.
"Ano" napatingin naman kami sa mga serena na lumapit sa amin, kasing edad lang siguro namin nila Audrey.
"Yes?" sagot naman sa kanila ni Seri.
Ibang iba ang aura ngayon ni Seri, I can see how good a ruler she is. Pinapakinggan sya kahit na seven years old pa lang sya and now I know kung bakit, her love for her friends and for her people are too much. Too much na kaya nyang makapatay para lang sa kanila even though she's just a little girl.
"Ano ang gagawin namin?" napatingin sa akin si Seri at nag nod naman ako.
"Si ate Rei na ang bahala sa inyo pati na rin sila ate Audrey"
"Ano naman ang alam ng babaeng yan?" tanong naman ng isa pang babae na kaedad namin.
Napayuko naman ako. Buti na lang talaga at hindi malapit sila Miko dito kung hindi baka nagkaroon na ng g**o dito.
"Hindi mo kilala si Rei" sabi naman ni Audrey habang papalapit sa amin "Mas malakas, mas matalino at mas may alam pa si Rei kesa sayo. Watch out dahil isa sya sa pinaka malakas sa GdoubleA"
Halata naman ang gulat sa mukha ng mga nakarinig kahit ako nagulat din ako sa narinig ko eh hindi ko alam kung bakit nya nasabi yun kaya naman napakamot na lang ako sa ulo ko kahit hindi totoo sige lang. Nagsilapitan naman sila sa amin si Ceres at Karen si Audrey naman ay umalis para gawin ang dapat nyang gawin.
"Habang ang mga attackers ay nasa labas at nasa kanila lahat ng atensyon tayo namang mga hindi kayang lumaban ng harapan ay may gagawin. Kailangan nating makuha at mapakawalan lahat ng malalakas na kanilang kinulong si Seri na ang bahala sa daanan. Trust Miko and the others they can break the defense of the Black mermaids." sabi ko at nag nod naman sila.
---
Nang ready na kaming lahat ay agad na kaming lumabas sa cave at nagpunta sa kanya kanyang daanan. Hindi ko man alam kung paano aatake sila Miko pero may tiwala ako sa kanila at alam kong bibigyan nila kami ng pwedeng maging isang dahilan para pumasok na. Nandito kami sa madilim na parte ng damuhan malayo konti sa palasyo, medyo hirap ako, si Seri, at Karen sa pagtago ng buntot dahil medyo kumikinang ito mas lalo na sa akin.
"Magready na tayo at gusto kong walang maiiwan" sabi ni Seri.
Nang may sumabog sa harap ng palasyo ay nagready na kami makailang minuto ay may nagpasabog ng water fireworks kaya naman agad kaming lumangoy papunta sa likod ng palasyo.
Dumeretso, kumanan, kumaliwa, bumaba. Hindi ko alam na ganito pala kalawak ang palasyong to sa malayo kasi maliit lang sya tingnan pero hindi ko alam na hindi pala to maliit langya nakakapagod lumangoy ng lumangoy feeling ko pinupulikat ang buntot ko.
Pagdating namin sa underground na kulungan ay agad namang nagsiingayan ang mga nakakulong dun kaya naman nagsilent sign kami. Tama nga ang hinala ko na nasa labas lahat ng atensyon nila at walang nag aakala na may papasok mula sa likod nila. Pinakawalan namin ang lahat nang nakakulong at hindi ko alam na ganito pala karami ito.
"Mahal na Prinsesa" sabi ng isa.
"Wala nang oras para makipag usap. Umalis na kayo ngayon na" sabi naman ni Seri.
"Kailangan nating magmadali kailangan pa nating matulungan sila Miko" sabi naman ni Karen at nag nod naman kami.
Paalis na sana kaming lahat ng may pumasok sa pinto at sinara ito nang makatingin sa amin ay ngumiti sya ng nakakaloko napatingin ako sa buntot nya at kulay itim ito. Napatingin sya sa buntot ko at bahagyang nawala ang ngiti nya.
"Hindi ko alam na dito lang pala kita makikita" sabi ng sereno na pumasok habang nakatingin sakin. "Ireregalo kita sa Hari namin magiging masaya sya panigurado" sabi nya pa, gumalaw naman si Karen ng magsalita ulit ang sereno "Stop right there"
"Huh sino ka ba para sundin ko?" matapang na sabi ni Karen at ngumisi naman ang lalaki.
Sumugod ang lalaki kaya naman agad akong gumawa ng spear gamit ang tubig at sinalag ang espada ng lalaking sumugod sa amin kasabay nun ay ang pag init ng tubig sa paligid at may bahid ng konting itim kaya naman alam kong sa kanya to. Agad kong ni-counter ang attact nya naglabas ako ng napakalamig na tubig at kasabay nun ay ang pressure.
"Seri ilabas mo na sila" sabi ko habang hinahawakan ang lalaki.
"Pero ate"
"Wala nang pero pero Seri kami na ang bahala dito" sabi naman ni Karen at nag nod si Seri saka sila umalis.
Hinawakan ni Karen ang kamay ko at saka kami pumikit, may nagsasabi sa isip ko na makipag isa pero hindi ko alam kung paano at kung sino iyon. Nararamdaman ko ang init sa paligid ko, init na may kasamang safe na pakiramdam. Nang dumilat ako ay nakita kong nakatingin sakin si Karen kasabay nun ay ang pagtaas ng kamay namin, kaliwa sa kanya at kanan sa akin at nang mabuo namin ang liwanag ng tubig ay agad namin itong hinagis sa itim na sereno at agad din naman syang nawala.
Hindi na kami nag aksaya pa ng oras agad kaming pumunta sa labas at nang makita namin na nakaluhod ang Reyna at ang Hari kasama nun ay may nakatutok sa leeg nila hinanap ko si Seri at nakita ko na kasama sya ngayon nila Miko napatingin sila sa amin ni Karen at nag nod ako kay Karen saka ako nawala sa tubig.
Hindi ko alam kung saan galing ang ability ko para magin invisible pero hindi na ito ang oras para tanungin kung sino ba talaga ako dahil ito ang oras para makatulong ako sa mga kaibigan ko. Nang makalapit ako sa may hawak sa magulang ni Seri ay agad akong gumawa ng isang spear na tubig na invisible at tinanggal ko ang nakatutok sa leeg nila at kasabay nito ay ang pagsaksak ko sa kanila. Napuno ng kulay itim na dugo ang paligid dahilan para hindi na kami makita agad kong kinuha ang mahal na Hari at Reyna at pinunta kila Seri at saka ako nagpakita.
Sa hindi ko malamang dahilan feeling ko nahihilo ako at di ko na kaya pang lumangoy pero bago pa man ako mawalan ng malay ay agad na akong nahawakan ni Miko at automatic na nagkaroon ng ilaw sa paligid namin at napuno nito ang buong paligid at saka hindi ko na alam ang nangyari.