*The song of Love*
Audrey's POV
Nanlaki ang mga mata namin ng makita namin kung paano maglaho si Rei na parang bula pero alam namin at ramdam namin na nasa paligid lang si Rei. Hindi nawawala ang presence nya. Magsisimula na sanang magpanic si Miko ng pigilan sya ni Seri alam kong ramdam nya rin na may balak si Rei.
Nakita namin kung paano lumipad ang sandata ng mga black mermaid na nakatutok sa mga magulang ni Seri, nakita din namin kung paano mapuno ng itim na dugo ang paligid ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna, hindi na namin sila makita kay medyo natatakot na kami sa nangyayari sa loob ng itim na dugo na yun at nakahingi na kami ng maluwag nang makita naming lumalangoy ang Hari at Reyna papalapit sa amin at nang makalapit sa amin ay agad na nawala ang pagiging invisible ni Rei.
Kahit ang Reyna at Hari ay nagulat sa nangyari mahihimatay na sana si Rei at malalaglag pababa buti na lang at nasalo sya ni Miko kitang kita sa mukha ni Miko na proud na proud sya sa ginawa ng kasintahan nya at kahit naman kaming mga kaibigan nya proud din. Napapikit naman ako ng bigla na lang silang lumiwanag.
"Anong nangyayari?" tanong ni Seri na nasa tabi ko.
"The Song of Love" dinig kong sabi ng Hari at Reyna.
The song of Love? Yan yung isang kanta na ang dalawang itinakdang magsama at maging mag asawa. Kung ganun. Kahit na hirap akong makita ang nasa paligid dahil sa liwanag nararamdaman ko naman ang presensya ng mga nasa paligid, at parang isang pampatulog na nakakataba ng puso ang narinig naming kanta.
Kanta ng tunay na nagmamahalan.
Pagktapos ng ilang minuto ay nawala na ang liwanag na nakapagpabulag sa amin sandali at nang idilan namin ang mga mata namin nakita naming magkadikit ang labi ni Miko at Rei agad naman akong napatalikod langya tong dalawang to.
Napatingin ako sa ibaba at agaran ding nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naging isang mga yelo ang mga black mermaid at nang mapatingin ako kila Rei at Miko nang maghiwalay ang mga labi nila ay nakarinig kaming lahat ng c***k at napatingin kami sa baba unti unting nababasag ang mga yelo na Black Mermaid at once na nabasag yan panigurado patay na sila.
"YAHOOOOO" sigaw nang lahat nang mabasag ang mga yelo.
"MIKO! REI"
Agad akong lumangoy papunta kay Rei at Miko para tulungan sila langya nawalan pa ng malay ang dalawa.
"ANO WALA BA AKONG BALAK TULUNGAN DITO? RIKO? GRAY?" sigaw ko at nakita kong napalangoy din sila papunta sa amin.
"What a scene" sabi ng Mahal na Hari nang mailapag namin sila Rei at Miko ng maayos.
"AMAAA~ INAAA~" napangiti naman kami ng makita namin kung paano umiyak si Seri habang yakap ang Hari at Reyna. Matagal na nya rin yang tinatago.
"Ipinagmamalaki kita Seri" sabi ng Reyna.
"Nagawa mong ipagtanggol ang kaharian natin kahit wala dito ang iyong mga nakatatandang kapatid" dagdag pa nang hari kaya mas lalo pang naiyak si Seri.
May dalawang nakatatandang kapatid na lalaki si Seri yun nga lang nasa lupa ito dahil sa may misyon silang kailangan gawin. Hinahanap nila ang Pink Mermaid Princess na matagal nang nasa lupa at kasama na rin nun ay ang paghahanap nila kay Kyle na fiance ni Karen at kapatid ni Lynn na isang Prinsesa at Prinsipe ng Blue Palace.
"Noellie, Ceres at Karen paki dala na si Seri at yang matapang na Serena na iyan sa silid ni Seri"
"Rei po ang kanyang pangalan mahal na Reyna" sabi naman ni Karen.
"Rei." sabi naman ng Hari at nag nod naman kami.
"Audrey" tawag sakin ng mahal na Reyna kaya lumingon naman ako sa kanya "Samahan mo si Riko at Gray sa kwarto ni Tyrone para makapagpahinga na sila at tumungo ka na rin sa kwarto ni Seri pagkatapos" dagdag nya pa at nag nod naman ako.
Habang nag lalakad kami hindi namin naiwasang hindi pag usapan ang nangyari kanina anong magagawa namin eh wala naman kaming kaalam alam at saka isa pa kapag si Rei ang tinanong namin alam naming hinding hindi nya alam kung bakit at paano iyon nangyari sa kanya.
"Alam kong malakas si Miko pero the hell pag pinagsama sila ni Rei sobra sobrang lakas" sabi ni Riko nang makapasok kami sa kwarto ni Tyrone.
"Tama. At di ko alam na may ganoong kapangyarihan si Rei" sabi naman ni Gray.
"Una yung ginawa nyang mga yelo ang black mermaids na nakalaban natin noong papunta tayo sa palasyon namin" sabi naman Riko na sinang ayunan namin ni Gray.
Kanina pa ako tahimik at hindi nakikisali sa usapan nila kaya naman nang mapatingin sila sakin alam ko na ang gusto nilang sabihin.
"The Song of Love" sabi ko at mas lalong napako ang tingin nila sa akin, umupo ako sa kama ni Tyrone at sila naman sa harap ko "Yan ang sabi ni tita kanina at mukhang base sa tono ng boses nya eh isa itong di pangkaraniwan" sabi ko sa kanila.
"Paanong hindi pangkaraniwan?" tanong sakin ng kambal kong si Gray.
"Halata namang hindi pangkaraniwan yun eh" sabi naman ni Riko.
"Nakabasa ako ng tungkol doon sa library sa palasyo namin. Yun ay maari lamang kantahin ng dalawang serena na lubos na nagmamahalan, yung tipong hindi na mapaghihiwalay pa nang tadhana. Maraming gaya natin ang gustong kantahin ang kantang iyon marami na ring magkasintahan na sumubok kantahin iyon pero walang nangyari at ang malala namatay ang isa sa kanila" napabuntong hininga naman ako "I think iba ang kaso nila Miko at Rei sa ngayon" sabi ko at tiningnan naman nila ako.
"Agaran bang namamatay ang isa kapag kinakanta yun?" tanong sakin ni Riko at nag nod naman ako.
"Kung ganun tagumpay sila?" di naman makapaniwalang tanong ni Kambal kaya naman nag nod na naman ako.
"Agarang namamatay o nagiging bula ang isang serena o sereno kapag ginagawa iyon kaya kanina hindi ako makapaniwala" sabi ko at saka yumuko "Bukod kay Queen Regina at King Neptune wala nang iba pang nakagawa noon. Dahil sa takot kaya wala nang gumawa noon, takot na mawala ang isa sa kanila at kahit ang mga magulang natin hindi din iyon ginawa."
---
Amaya's POV
'Rei buti naman okay ka lang' sabi nang babae na nasa panaginigp ko.
'Anong nangyari sakin?'
'Malalaman mo rin kapag nagising ka na'
'Sino ka bang talaga? Bakit ayaw mong ipakita ang buntot at mukha mo?'
'Hindi pa ngayon ang tamang oras Rei pero malapit na.'
'Malapit na ang alin?'
'Malapit na maganap ang makakagimbal sayo pero sana sa oras na iyon ay handa ka nang labanan ang lahat'
"Ate Rei gising na" dinig kong sabi ng nasa kanan ko at alam kong si Seri ito.
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at malamig na tubig ang tumama sa mata ko kasabay nito ay ang sinag ng ilaw kaya naman agad akong napapikit.
"Ate Rei gising ka na?" halos pasigaw na sabi ni Seri kaya naman napangiti ako at niyakap nya naman ako.
"Gising na ako ang ingay mo kasi" sabi ko at saka ko ulit dinilat ang mata ko at nang makaadjust ay nakita ko si Seri na naiiyak "Oh bakit wala naman akong ginawa ah"
"Pinakaba mo ako kahapon ate" naiiyak nyang sabi at napangiti naman ako "Pero ang astig mo ate" natawa naman ako ng tuluyan nang makita kong ang kaninang naiiyak nyang mata ay ngayon ay halos mag ningning.
"Gising ka na pala" sabi ni Karen sakin at saka lumapit.
"Kanina pa ba?" tanong naman ni Noellie at nakangiting tumingin sakin.
"Pinag alala mo kami" dagdag naman ni Ceres.
"Huwag mo na ulitin yun ha?" sabat naman ni Audrey at natawa naman kami.
"Ano ba naman kasi yan Miko hindi mo pa kasi kaya lumangoy! Makikita mo naman si Rei eh" dinig ko mula sa labas at nagkatinginan naman kami.
"Oo nga Miko tama si Gray makikita mo naman si Rei magpahinga ka na muna"
"Alis nga kayo jan gusto ko makita kung okay lang si Maya" napangiti naman ako ng marinig ko ang boses nya.
Biglaang binuksan ni Seri ang pinto kaya naman nagpagulong gulong silang tatlo papunta sa kama ko dahil sa pwersa na meron sila nang makita nila akong nakaupo ay halos nakahinga sila nang maluwag pero ang panget kasi ng posisyon nya kaya natawa kaming mga babae at agad din naman silang nagsilayuan. Si Riko lumapit kay Ceres at binatukan naman ni Ceres si Gray naman kay Audrey lumapit na tawa ng tawa kanina pa.
"Buti gising ka na" hindi ako agad nakagalaw ng yakapin nya ako "Hindi nila ako pinayaganna dalawin ka kagabi kaya halos wala akong tulog" at humiga naman sya sa buntot ko at agaran nakatulong napailing na lang ako.
"Ate Rei lalabas po muna kami ha? Tatawagin na lang po namin kayo kapag luto na ang pag kain wag po kayong gagawa ng kahit na ano ha?" namula naman ako sa sinabi ni Seri.
"Seri kanino mo na naman yan natutunan?" kalmadong tanong ni Karen.
"Kay kuya Riko po" sagot na naman ni Seri.
Natawa naman ako ng makita kong bugbog sarado si Riko sa girls at tawa naman ng tawa si Audrey at Gray.
"Tumahimik din" napatingin ako kay Miko.
"Akala ko tulog ka na"
"Hindi pa ginawa ko lang to para masolo ka"
"Baliw ka talaga. Sige na matulog ka na"